Tomokazu Yoshida
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Tomokazu Yoshida 吉田友一 | |
---|---|
Kapanganakan | 9 Hulyo 1982 |
Si Tomokazu Yoshida (吉田 友一, Yoshida Tomokazu) ay isang artista at tagapagtanghal sa Hapon. Siya ay ipinanganak at lukami sa Prepektura ng Saitama, ngunit kasalukuyan na siyang naninirahan sa Nagaoka sa Prepektura ng Niigata. Sumailalim siya sa pamamahala ng AGAPE, at ng AVEX Entertainment.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa siyang modelo sa mga pahayagan at isang guro sa pag-drama. Nagtatanghal din siya minsan sa ilang musical performances.
Mahilig siyang maglakbay sa iba't ibang lugar. Apatnapu't apat nang prepektura sa Hapon ang kanyang napuntahan. Nakapunta na rin sa ilang lugar sa Korea, kabilang sa Seoul at sa Incheon.
Noong taong 2003 ay itinampok siya sa drama na Lion Sensei (ライオン先生). At noong taong 2004 ay itinampok naman siya sa isang seryeng Sentai na Tokusou Sentai Dekaranger (特捜戦隊デカレンジャー) bilang si DekaBreak.
Iba Pang Mga Kaalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lion Sensei (ライオン先生) - (2003)
- Tokusou Sentai Dekaranger - (2004, TV Asahi・TOEI Company) bilang si Tetsu Aira/DekaBreak
- Kanojo Ga Shinjyatta (彼女が死んじゃった) - (2004, Nippon Television Ika-9 na Kabanata
- Light Will Shine (陽はいつか昇る) - (2004, Nippon Television) bilang si Honda
- Koinu No Waltz (仔犬のワルツ) - (2004, Nippon Television) Ika-2 Kabanata
- Tantei Boogie (探偵ブギ) - (2006, Tokyo Metropolitan Television) bilang si Yoshihiko Miura
- Shimokita GLORY DAYS (下北GLORY DAYS)
- Dance Drill Musume (ダンドリ娘) - (2006, Fuji Television) bilang si Tarzan
- Delicious Gakuin (美味學院) - Ika-10 Kabanata
- Ushi Ni Negai Wo: Love and Farm (牛に願いを) - (2007, Fuji Television) bilang si Taku Shimaoka
Mga Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tokusou Sentai Dekaranger VS Abaranger (特捜戦隊デカレンジャー VS アバレンジャー) - (2005, TOEI Company)
- Yoshitsune to Benkei (義経と弁慶(藤原泰衡))
- Mahou Sentai Magiranger VS Dekaranger (魔法戦隊マジレンジャー VS デカレンジャー) - (2006, TOEI Company)
- Gougou Sentai Boukenger VS SuperSentai (轟轟戦隊ボウケンジャー VS スーパー戦隊) - (2007, TOEI Company)