Pumunta sa nilalaman

Tom yam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tom yam
Tom yam kung na inihain sa Bangkok, Taylandiya
Ibang tawagTom yum
UriSabaw
KursoTanghalian
LugarGitnang Taylandiya[1][2]
Rehiyon o bansaTimog-silangang Asya
Kaugnay na lutuinTaylandiya
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapSabaw, tanglad, dahon ng kabuyaw, galangal, katas ng dayap, patis, sili

Ang tom yam o tom yum (Thai: ต้มยำ, RTGS : tom yam [tôm jām] ( pakinggan)) ay isang pamilya ng mainit at maaasim na sabaw Taylandes.[3] Binubuo ang pangalang "tom yam" ng dalawang salitang Taylandes. Tumutukoy ang tom sa pagpapakulo, habang 'halo-halo' ang kahulugan ng yam.

Nag-iiba ang sabaw ayon sa uri pero kadalasan gawa ito sa tubig, gata, sabaw ng manok o iba pang uri ng sabaw.[4]

Hinihiwa, dinidikdik at sinisimer samu't saring masamyong sangkap upang mailabas ang mga lasa nito. Kabilang ang mga sariwang sangkap tulad ng tanglad, dahon ng kabuyaw, galangal, sili, lasuna, at bawang. Para sa mga sabaw sa hipon, maaari ring isimer ang mga balat at ulo ng hipon, upang makuha ang lasa ng mga ito. Dahil hindi pwedeng kainin ang ganitong mga sangkap, tinatanggal ang mga ito matapos makuha ang kani-kanilang mga lasa. Subalit maaari rin namang iwanan ang mga ito sa sabaw, bilang pampaganda sa presentasyon.[4]

Maaari ring gamitin ang komersiyal na masang tom yam. Nabubuo ito sa pagdudurog ng mga yerba at paggigisa sa mantika, tapos idinaragdag ang panimpla at mga pampreserba. Nilalagay ang masa sa bote o balutan at ibinebenta sa buong mundo.

Tapos idinaragdag ang mga gulay, gaya ng sibuyas at kamatis. Sa mga makabagong bersiyon, maaaring may kabute rin sa sabaw—karaniwan kabuteng dayami (volvariella volvacea) o kabuteng talaba (pleurotus ostreatus).[4]

Susunod, idinaragdag ang karne, karaniwan isda, hipon, halu-halong lamang-dagat, baboy, o manok.[4]

Kapag luto na ang karne, idinaragdag na ang mga pampalasa na nagwawalang-lasa sa init, tulad ng patis at katas ng dayap. Sa karamihan ng mga baryante, idinaragdag din ang nam phrik phao (Thai: น้ำพริกเผา), isang masa na gawa sa hipon, sili, lasuna, at bawang.[5] Nagbibigay ito ng matamis, maalat, at maanghang na mga lasa.[4]

Subalit maaari ring gamitin ang mga iba pang sangkap, depende sa baryante ng tom yam, gaya ng ebaporada.[4]

Nilalagyan ang ibabaw ng sabaw ng hustong dami ng kahihiwang dahon ng kulantro, at maaaring isabay sa kanin.[4]

Mga piling uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tom yam kung maphrao on nam khon, na inihain sa Uttaradit, Taylandiya
  • Tom yam nam sai (Thai: ต้มยำน้ำใส) – tom yam na may malinaw na sabaw[6]
  • Tom yam nam khon (Thai: ต้มยำน้ำข้น) – mas kamakailang baryasyon mula sa d. 1980.[7] Kapag sugpo ang pangunahing sangkap, idinaragdag ang ebaporada o pinulbos na krimer[7] sa sabaw bilang pantapos.
  • Tom yam kathi (Thai: ต้มยำกะทิ) – tom yum sa gata—madalas itong ipinagkakamali sa tom kha kai ("sinabawang manok galanga"), kung saan galangal ang nangingibabaw na lasa sa sabaw sa gata.
  • Tom yam kung (Thai: ต้มยำกุ้ง) – ang bersiyon ng ulam na pinakasikat sa mga turista kung saan sugpo ang pangunahing sangkap.[8] Nagmula ang ulam sa panahon ng Kahariang Rattanakosin.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Tom Yum Gai – Suwanee's Kitchen" [Tom Yum Gai – Kusina ni Suwanee]. Chiang Rai Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2019. Nakuha noong 18 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The homemade hot sour soup that packs a punch" [Ang lutong-bahay na sabaw na maanghang at maasim na may matinding lasa]. whitsunday coast guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2017. Nakuha noong 28 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tom Yam Kung : Not only tasty but with medicinal properties - Thaiways" [Tom Yam Kung : Hindi lang masarap pero may mga katangiang nakapagpapagaling - Thaiways]. thaiwaysmagazine.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2016. Nakuha noong 18 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 "Tom Yum Soup (Tom Yum Goong) Recipe" [Resipi ng Sabaw na Tom Yum (Tom Yum Goong)] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Thai Roasted Chili Paste Nahm Prik Pao) Recipe - Food.com" [Resipi ng Taylandes na Binusang Masang Sili (Nahm Prik Pao) - Food.com] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Abril 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Overview of Tom Yum soup from late 19th-century Siam to present day Thailand" [Buod ng sabaw na Tom Yum mula Siam sa pahuli ng ika-19 na siglo hanggang Taylandiya sa kasalukuyan]. Thaifoodmaster (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Ancient Siamese Recipe for Tom Yum Soup with Snakehead Fish, Roasted Chili Jam and Green Mango (First Published in 1890) (Dtohm Yam Bplaa Chaawn, ต้มยำปลาช่อนแบบโบราณ อย่างหม่อมซ่มจีน ราชานุประพันธุ์ ร.ศ.๑๐๙)" [Sinaunang Resiping Siyames para sa Sabaw na Tom Yum na may Dalag, Binusang Nilupak na Sili at Hilaw na Mangga (Unang Inilathala noong 1890 (Dtohm Yam Bplaa Chaawn, ต้มยำปลาช่อนแบบโบราณ อย่างหม่อมซ่มจีน ราชานุประพันธุ์ ร.ศ.๑๐๙)]. Thaifoodmaster (sa wikang Ingles). 25 Enero 2017. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Tom Yam Kung". thaiwaysmagazine.com. Nakuha noong 27 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Tom Yam Kung Recipe, Hot and Sour Soup with Shrimp" [Resipi ng Tom Yam Kung, Maanghang at Maasim na Sabaw na may Hipon]. thaifoodmaster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)