Times New Roman
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Magkakahalo Transisyunal, Lumang estilo |
Mga nagdisenyo | Stanley Morison Victor Lardent |
Kinomisyon | The Times |
Foundry | Monotype |
Petsa ng pagkalabas | 1932 |
Lisensya | Propretaryo |
Binatay ang disenyo sa | Plantin |
Ang Times New Roman ay isang serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo para sa kalinawan sa pagbasa sa katawang texksto. Kinomisyon ito ng pahayagang Britaniko na The Times noong 1931 at nilikha ni Stanley Morison, ang artistikong tagapayo sa Britanikong sangay ng kompanya ng kagamitang imprenta na Monotype, at tinulungan siya ni Victor Lardent, isang artista sa pagkakatitik sa departamento ng pag-aanunsyo sa Times.[1][2] Bagaman hindi na ito ginagamit ng The Times, napakakaraniwan pa rin ng Times New Roman sa aklat at pangkalahatang imprenta.[3] Ang Times New Roman ay naging isa sa mga popular at maimpluwensiyang pamilya ng tipo ng titik sa kasaysayan at naging isang pamantayang pamilya ng tipo ng titik sa karamihan ng kompyuter na pang-desktop.[4][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Loxley, Simon (2006). Type: the secret history of letters (sa wikang Ingles). I. B. Tauris & Co. Ltd. pp. 130–131. ISBN 1-84511-028-5.
- ↑ Hutt, Allen (1970). "Times Roman: a re-assessment". Journal of Typographic Research (sa wikang Ingles). 4 (3): 259–270. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2017. Nakuha noong 5 Marso 2017.
- ↑ Dreyfus, John (1973). "The Evolution of Times New Roman". The Penrose Annual (sa wikang Ingles). 66: 165–174.
- ↑ Farey, Dave (2014). "A Life and Times, Part 1". Ultrabold (sa wikang Ingles) (16): 16–25.
- ↑ Farey, Dave (2014). "A Life and Times, Part 2". Ultrabold (sa wikang Ingles) (15): 3–13.