Tibo (organo)
Itsura
Ang Tibo (Ingles: Stinger o sting) ay isang matalas na organo sa ilang mga hayop na naglalaman ng kamandag. Kabilang dito ang mga langgam, hornet, putakti, centipede, bubuyog at alakdan. Ang kamandag ng tibo ay nagdudulot ng pamamaga sa natusukan nito at lubos na masakit. Ang ilan ay may neurotoxin na may kakayahang makapatay ng tao. Ang ilan ay nagududulot ng isang matinding reaksiyon na alerhikong tinatawag na anaphylaxis.