Pumunta sa nilalaman

Terno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pananamit, ang terno ay isang pangkat ng mga magkapares na damit na gawa sa parehong tela. Kadalasang tumutukoy ito sa kasuotang may damit amerikana at pantalon. Sa Mundong Kanluranin, tinatawag itong lounge suit (o business suit kapag karaniwan lamang ang kulay at istilo nito), na nagmula sa Britanya bilang panlalawigang kasuotan at ang pinakakaraniwang istilo. May ibang uri na terno na tinatawag na dinner suit, kabilang sa black tie, na naging popular para pamalit sa mga dress coat.