Tartarus
Sa klasikong mitolohiya, ang Tartarus o Tartaros (mula sa Griyegong Τάρταρος na nagmula sa τάρταρον "ang tartar ang nagpapahid ng mga gilid ng bariles") ang nasa ilalim nina Uranus o Caelus (kalangitan), Gaia (mundo) at Pontus (dagat). Ito ay isang malalim, mapanglaw na lugar, isang hukay o isang kailaliman na ginagamit bilang piitan ng pagpapahirap at pagdurusa na nananahan sa ilalim ng mundong ilalim. Sa Gorgias, isinulat ni Plato (c. 400 BCE) na ang mga kaluluwa ay hinahatulan pagkatapos ng kamatayan at ang mga nakatanggap ng parusa ay ipinapadala sa Tartarus. Tulad ng ibang mga primal na entidad gaya ng mundo at panahon, ang Tartarus ay isang ring primordial na pwersa o deity. Ang Tartarus ay ginamit na bilangguan para sa mga masahol ng mga kontrabida kabilang si Cronus at iba pang mga Titan na inihagis ni Zeus. Inihagis rin ni Uranus ang kanyang mga anak sa Tartarus dahil natakot siyang baka patalsikin nila siya. Ang mga kasawiang ito ay kinabibilangan ng Hekatonkheires, mga cyclop at mga higante.
Mitolohiyang Griyego
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Mitolohiyang Griyego, ang Tartarus ay tumutukoy sa parehong isang diyos at lugar ng mundong ilalim na Griyego. Sa mga sinaunang sangguniang Orpiko at mga eskwelang misteryo, ang Tartarus ay isa ring hindi nahahangganang unang umiiral na entidad na pinanganakan ng Liwanag at cosmos. Sa Theogony ni Hesiod (c. 700 BCE), ang Tartarus ang ikatlo sa mga primordial na diyos na Griyego kasunod nina Kaguluhan at Gaia (mundo) at nauuna kay Eros.[1] Tungkol sa lugar, isinaad ni Hesiod na ang isang tansong palihan ay tatagal ng mga siyam pang araw upang mahulog mula sa mundo tungo sa Tartarus.[2] Sa Iliad (c. 700 BC), isinaad ni Zeus na ang Tartarus ay kasing layo sa ilalim ng Hades kung paanong ang langit ay mataas sa itaas ng mundo. Bagaman ayon sa mitolohiyang Griyego, ang Sakop ng Hades ang lugar ng namatay, ang Tartarus ay mayroon ring isang bilang ng mga nanahanan. Nang umakyat sa kapangyarihan si Cronus bilang hari ng mga Titan, kanyang ibinilanggo ang mga Cyclop sa Tartarus at naglagay sa halimaw na si Campe bilang bantay nito. Ang ilang mga mito ay nagsasaad ring kanyang ibinilanggo ang tatlong mga Hekatonkheires na mga higanting may limampung iba't ibang mga mukha upang magpakita ng mga emosyon at isang daang mga braso. Pinatay ni Zeus si Campe at pinalaya ang mga Cyclop at mga Hekatonkheires upang tumulong sa kanyang alitan sa mga Titan. Ang marami ngunit hindi ang lahat ng mga Titan ay inihagis sa Tartarus. Ang ibang mga diyos ay maaaring sentensiyahan sa Tartarus gaya ni Apollo bagaman pinalaya siya ni Zeus. Sa Tartarus, binantayan ng mga Hekatonkheires ang mga bilanggo. Kalaunan, nang talunin ni Zeus ang halimaw na si Typhon na supling nina Tartarus at Gaia, kanya siyang inihagis sa malawak na Tartarus.[3][4] Sa mga kalaunang mitolohiya, ang Tartarus ay naging lugar na ang kaparusahan ay angkop sa krimeng isinagawa. Ayon kay Plato (c. 427 BCE), sina Rhadamanthus, Aeacus at Minos ang mga hukom ng namatay at pumili ng mga pupunta sa Tartarus. Si Rhadamanthus ay humatol sa mga kaluluwang Asyano, si Aecus sa mga kaluluwang Europeo at si Minos ang nagpapasyangboto at hukom ng mga Griygo. Si Cronus na pinuno ng mga Titan ay inihagis sa mga hukas ng Tartarus ng kanyang mga anak. May isang bilang ng mga pasukan ng Tartarus sa mitolohiyang Griyego. Ang isa ang Aornum.[5]
Bagong Tipan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Bagong Tipan sa 2 Pedro 2:4, ang pangngalang Tartarus ay hindi umiiral kundi ang tartaroo (ταρταρόω, "ihagis sa Tartarus") na isang pinaiking anyo ng klasikong pandiwang Griyego na kata-tartaroo ("ihagis pababa sa Tartarus") sa . Si Liddell Scott ay nagbibigay ng mga ibang mga sanggunian para sa pinaikling anyo mula sa pandiwang ito kabilang sina Acusilaus (ika-5 siglo BCE), Joannes Laurentius Lydusat ang Scholiast tungkol kay Aeschylus, Eumenides na nagbanggit kay Pindar na nagsalaysay kung paanong tinangka ng mundo na i-tartaro (ihagis pababa) su Apollo pagkatapos niyang talunin ang Python.[6] Sa mga tekstong klasiko, ang mas mahabang anyong kata-tartaroo ay kadalasang nauugnay sa paghahagis ng mga Titan pababa sa Tartarus. [7] Maraming mga modernong salin ng 2 Pedro 2:4 ang nagsalin ng Tartarus sa "impiyerno" ngunit nagbibigay ng pagbasang Tartarus sa footnote.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hesiod, Theogony 116–119.
- ↑ Hesiod, Theogony 720–725.
- ↑ Hesiod, Theogony 820–822.
- ↑ Hesiod, Theogony 868.
- ↑ The Greek Myths (Tomo 1) ni Robert Graves (1990), pahina 112: "... He used the passage which opens at Aornum in Thesprotis and, on his arrival, not only charmed the ferryman Charon..."
- ↑ A. cast into Tartarus or hell, Acus.8 J., 2 Ep.Pet.2.4, Lyd.Mens.4.158 (Pass.), Sch.T Il.14.296. Henry George Liddell. Robert Scott. A Greek-English Lexicon. revised and augmented throughout by. Sir Henry Stuart Jones. with the assistance of. Roderick McKenzie. Oxford. Clarendon Press. 1940.
- ↑ Apollodorus of Athens, in Didymus' Scholia on Homer; Plutarch Concerning rivers
- ↑ http://www.biblegateway.com/passage/?search=2+Peter+2&version=NIV#fen-NIV-30505a