Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng mga punong-abalang lungsod at bansa ng modern Palarong Olimpiko sa Tag-init (kahel) at Taglamig (asul). Sa SVG file na ito, maaring i-tap or itapat sa lungsod upang malaman ang pangalan nito.

Ito ay talaan ng mga punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Tag-init at Taglamig, simula noong nagsimula ang modernong Olimpiko noong 1896. Mula noon, ang Palaro sa Tag-init ay kadalasan, ngunit hindi palaging, ipinagdiriwang ng apat na taon na kilala bilang Olimpiyad. Sa kasalukuyan, mayroon nang 28 Palarong Olimpiko sa Tag-init na ginanap sa 23 mga lungsod, at 23 Palarong Olimpiko sa Taglamig na ginanap sa 20 mga lungsod. Dagdag dito ang tatlong edisyon ng Palaro sa Tag-init at dalawang edisyon ng Palaro sa Taglamig na itinakdang gaganapin ngunit sa kalaunan ay nakansela dahil sa digmaan: Berlin (Tag-init) noong 1916; Tokyo/Helsinki (Tag-init) at Sapporo/Garmisch-Partenkirchen (Taglamig) noong 1940; at Londres (Tag-init) at Cortina d'Ampezzo, Italya (Taglamig) noong 1944. Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 1906 ay opisyal na pinahintulutan ganapin sa Atenas. Gayunpaman, noong 1949, napagpasyahan ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) na hindi kilalanin ang Palaro ng 1906.[1]

Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan ay ginaganap tuwing apat na taon sa magkakasunod na mga kaganapan sa tag-init at taglamig na naaayon sa kasalukuyang format ng Palarong Olimpiko, bagaman baligtad sapagkat ang Palaro sa Taglamig ang ginaganap tuwing luksong taon sa halip na Palaro sa Tag-init. Ang unang edisyon ng Palaro sa Tag-init ay ginanap sa Singapore mula 14 hanggang 26 Agosto 2010 habang ang unang edisyon ng Palaron sa Taglamig ay ginanap sa Innsbruck, Awstriya mula 13 hanggang 22 Enero 2012.[2]

Limang lungsod ang napili ng IOC upang pangunahan ng paparating na mga Palarong Olimpiko: Tokyo para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020, Beijing para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022, Paris para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024, Milan-Cortina d'Ampezzo para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026, at Los Angeles para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2028. Karagdagang dalawang lungsod naman ang napili ng IOC upang pangunahan ang paparating na Palarong Olimpiko ng Kabataan: Dakar para sa Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2022 at ang lalawigan ng Gangwon para sa Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2024.

Sa 2022, ang Beijing ang magiging kauna-unahang lungsod na gaganapan ng Palarong Olimpiko sa Tag-init at Taglamig. Labing-isang lungsod na ang naging punong-abala sa Palarong Olimpiko ng higit sa isang beses: Athens (Palarong Olimpiko sa Tag-init 1896 at 2004), Paris (Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900, 1924 at 2024), Londres (Palarong Olimpiko sa Tag-init 1908, 1948 at 2012), St. Moritz (Palarong Olimpiko sa Taglamig 1928 at 1948), Lake Placid (Palarong Olimpiko sa Taglamig 1932 at 1980), Los Angeles (Palarong Olimpiko sa Tag-init 1932, 1984 at 2028), Cortina d'Ampezzo (Palarong Olimpiko sa Taglamig 1956 at 2026), Innsbruck (Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964 at 1976 at Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2012), Tokyo (Palarong Olimpiko sa Tag-init 1964 at 2020), Lillehammer (Palarong Olimpiko sa Taglamig 1994 at Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2016), ang lalawigan ng Gangwon (Pyeongchang) (Palarong Olimpiko sa Taglamig 2018 at Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2024) at Beijing (Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 at Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022). Ang Estokolmo ang pinagganapan ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1912 at pangangabayong bahagi ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1956.[d] Ang Londres ang naging unang lungsod na naging abala sa tatlong Palarong Olimpiko sa Tag-init noong 2012. Ang Paris ay magiging pangalawang lungsod na gagawin ito sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024, na susundan ng Los Angeles bilang ikatlo sa 2028. Ang Estados Unidos ay naging abala sa walong Olimpikong Laro, higit sa anumang bansa, na sinundan ng Pransya na may limang edisyon. Ang Suwisa, Gran Britanya, Awstriya, Kanada, Italya, Hapon at Alemanya ay naging bawat punong-abala sa tatlong Palarong Olimpiko.

Naging pangunahing punong-abala ng Palarong Olimpiko ang kontinente ng Europa (32 edisyon) at Kaamerikahan (14 na edisyon); pitong palaro naman ang pinangunahan ng Asya at dalawa naman sa Oceania. Noong 2010, ang Singapore ang naging kauna-unahang punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Timog-silangang Asya para sa kauna-unahang Palarong Olimpiko ng Kabataan, habang ang Rio de Janeiro ay naging kaunaunahang punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Timog Amerika sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016, kasunod ng Buenos Aires sa Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2018. Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2022 sa Dakar ay magiging kauna-unahang Palaro na gaganapin sa kontinente ng Aprika. Ang iba pang mga pangunahing rehiyong heograpiya na hindi pa naging punong-abala sa Palarong Olimpiko ay kinabibilangan ng Gitnang Silangang Asya, Gitnang Asya, ang subkontinenteng Indiyano, Gitnang Amerika at ang Karibe.

Ang pagpili sa mga punong-abalang lungsod ng Palaro ay karaniwang pinagbobotohan ng mga kasapi ng IOC ng pitong taon ang aga.[3] Ang proseso ng pagpili ay tumatagal ng humigit-kumulang dalawang taon. Sa unang yugto, ang anumang lungsod sa mundo ay maaaring magsumite ng isang aplikasyon upang maging isang punong-abalang lungsod. Pagkalipas ng 10 buwan, ang kumiteng ehekutibo ng IOC ay magpapasiya kung alin sa mga aplikanteng lungsod ang magiging opisyal na mga kandidato batay sa rekomendasyon ng isang tinalagang kumiteng tagapagsuri na sisiyasat sa mga aplikasyon. Sa ikalawang yugto, ang mga ang mga kandidatong sa pagkapunong-abalang lungsod ay sisiyasatin nang mabuti ng isang kumiteng tagapasuri, at pagkatapos ay magususmite ng huling maikling talaan ng mga lungsod na isasaalang-alang para sa pagpili. Ang punong-abalang lungsod ay pipiliin sa pamamagitan ng pagboto sa sesyon ng IOC, isang pangkalahatang pagpupulong ng mga kasapi ng IOC.[4]

Mga punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Punong-abalang lungsod Punong-abalang bansa Kontinente Tag-init Taglamig Tag-init
(Kabataan)
Taglamig
(Kabataan)
Pagbubukas na seremonya Pagsasara na seremonya Sang.
1896 Atenas Kaharian ng Gresya Gresya Europa S005I Abril 6 Abril 15
1900 Paris  Pransiya S005II Mayo 14 Oktubre 28
1904 San Luis[a]  Estados Unidos Hilagang Amerika S005III Hulyo 1 Nobyembre 23
1908 Londres[c] United Kingdom Gran Britanya Europa S005IV Abril 27 Oktubre 31
1912 Estokolmo  Suwesya S005V Mayo 5 Hulyo 22
1916 Berlin Imperyong Aleman Alemanya Europa S006VI Ipinagpaliban dulot ng WWI. [5]
1920 Antwerp[d]  Belhika Europa S007VII Abril 20 Setyembre 12 [6]
1924 Chamonix  Pransiya W001I Enero 25 Pebrero 5 [7]
Paris  Pransiya S008VIII Mayo 4 Hulyo 27 [8]
1928 San Moritz Switzerland Suwisa W002II Pebrero 11 Pebrero 19 [9]
Amsterdam Netherlands Olanda S009IX Mayo 17 Agosto 12 [10]
1932 Lawang Plasido  Estados Unidos Hilagang Amerika W003III Pebrero 4 Pebrero 15 [11]
Los Angeles  Estados Unidos S010X Hulyo 30 Agosto 14 [12]
1936 Garmisch-Partenkirchen Alemanya Alemanyang Nazi Europa W004IV Pebrero 6 Pebrero 16 [13]
Berlin Alemanya Alemanyang Nazi S011XI Agosto 1 Agosto 16 [14]
1940 Sapporo
Garmisch-Partenkirchen[e]
Imperyo ng Hapon Imperyong Hapon
Alemanya Alemanyang Nazi
Asya
Europa
W005aV Ipinagpaliban dulot ng WWII. [5]
Tokyo
Helsinki[f]
Imperyo ng Hapon Imperyong Hapon
Finland Pinlandiya
S012XII
1944 Cortina d'Ampezzo Kingdom of Italy Italya Europa W005bV
Londres United Kingdom Gran Britanya S013XIII
1948 San Moritz Switzerland Suwisa Europa W005cV Enero 30 Pebrero 8
Londres United Kingdom Gran Britanya S014XIV Hulyo 29 Agosto 14
1952 Oslo Norway Noruwega W006VI Pebrero 14 Pebrero 25
Helsinki Finland Pinlandiya S015XV Hulyo 19 Agosto 3
1956 Cortina d'Ampezzo  Italya W007VII Enero 26 Pebrero 5
Melbourne
Estokolmo [g]
Australia Awstralya
Suwesya SuwesaB[›]
Oceania
Europa
S016XVI Nobyembre 22
Hunyo 10
Disyembre 8
Hunyo 17
1960 Lambak Squaw  Estados Unidos Hilagang Amerika W008VIII Pebrero 18 Pebrero 28
Roma  Italya Europa S017XVII Agosto 25 Setyembre 11
1964 Innsbruck Austria Awstriya W009IX Enero 29 Pebrero 9
Tokyo Hapon Hapon Asya S018XVIII Oktubre 10 Oktubre 24
1968 Grenoble  Pransiya Europa W010X Pebrero 6 Pebrero 18
Lungsod ng Mehiko Mexico Mehiko Hilagang Amerika S019XIX Oktubre 12 Oktubre 27
1972 Sapporo Hapon Hapon Asya W011XI Pebrero 3 Pebrero 13
Myunik West Germany Kanlurang Alemanya Europa S020XX Agosto 26 Setyembre 11
1976 Innsbruck[j] Austria Awstriya W012XII Pebrero 4 Pebrero 15
Montreal Canada Kanada Hilagang Amerika S021XXI Hulyo 17 Agosto 1
1980 Lawang Plasido  Estados Unidos W013XIII Pebrero 13 Pebrero 24
Moskow  Unyong Sobyet Europa[h] S022XXII Hulyo 19 Agosto 3
1984 Sarajevo  Yugoslavia Europa W014XIV Pebrero 7 Pebrero 19
Los Angeles  Estados Unidos Hilagang Amerika S023XXIII Hulyo 28 Agosto 12
1988 Calgary Canada Kanada W015XV Pebrero 13 Pebrero 28
Seoul  Timog Korea Asya S024XXIV Setyembre 17 Oktubre 2
1992 Albertville  Pransiya Europa W016XVI Pebrero 8 Pebrero 23
Barselona  Espanya S025XXV Hulyo 25 Agosto 9
1994 Lillehammer Norway Noruwega W017XVII Pebrero 12 Pebrero 27
1996 Atlanta  Estados Unidos Hilagang Amerika S026XXVI Hulyo 19 Agosto 4
1998 Nagano Hapon Hapon Asya W018XVIII Pebrero 7 Pebrero 22
2000 Sidney Australia Awstralya Oceania S027XXVII Setyembre 15 Oktubre 1
2002 Lungsod ng Lawang Asin  Estados Unidos Hilagang Amerika W019XIX Pebrero 8 Pebrero 24
2004 Atenas Greece Gresya Europa S028XXVIII Agosto 13 Agosto 29
2006 Turino  Italya W020XX Pebrero 10 Pebrero 26
2008 Beijing[i]  Tsina Asya S029XXIX Agosto 8 Agosto 24
2010 Vancouver Canada Kanada Hilagang Amerika W021XXI Pebrero 12 Pebrero 28
Singgapur Singapore Singgapur Asya SY01I Agosto 14 Agosto 26
2012 Innsbruck Austria Awstriya Europa WY01I Enero 13 Enero 22
Londres United Kingdom Gran Britanya S030XXX Hulyo 27 Agosto 12
2014 Sochi  Rusya W022XXII Pebrero 7 Pebrero 23
Nanjing  Tsina Asya SY02II Agosto 16 Agosto 28
2016 Lillehammer Norway Noruwega Europa WY02II Pebrero 12 Pebrero 21
Rio de Janeiro Brazil Brasil Timog Amerika S031XXXI Agosto 5 Agosto 21
2018 Pyeongchang  Timog Korea Asya W023XXIII Pebrero 9 Pebrero 25
Buenos Aires Arhentina Arhentina Timog Amerika SY03III Oktubre 6 Oktubre 18
2020 Lausanne Switzerland Suwisa Europa WY03III Enero 9 Enero 22
2021 Tokyo Hapon Hapon Asya S032XXXII Hulyo 23[15] Agosto 8[k]
2022 Beijing  Tsina Asya W024XXIV Pebrero 4 Pebrero 20
2024 Gangwon  Timog Korea Asya WY03IV Enero 19 Pebrero 2
Paris  Pransiya Europa S033XXXIII Hulyo 26 Agosto 11
2026 Dakar  Senegal SY04IV Oktubre 22 Nobyembre 9
Milan
Cortina d'Ampezzo
 Italya W025XXV Pebrero 6 Pebrero 22
2028 Los Angeles  Estados Unidos Hilagang Amerika S034XXXIV Hulyo 21 Agosto 6
Hinaharap na kaganapang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig WY05V Hinaharap na kaganapan
2030 Hinaharap na kaganapang Palarong Olimpiko sa Taglamig W025XXVI Hinaharap na kaganapan
Hinaharap na kaganapang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init V Hinaharap na kaganapan

Mga punong-abalang lungsod ng ilang Palarong Olimipiko sa Tag-init, Taglamig at ng Kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talaan ng mga punong-abalang lungsod na nagdaos ng ilang edisyon ng Palarong Olimpiko
Hanay Punong-abalang lungsod Punong-abalang bansa Kontinente Tag-init Taglamig Tag-init
(Kabataan)
Taglamig
(Kabataan)
Kabuuan
1 London United Kingdom Gran Britanya Europa 3 (1908, 1948, 2012) 3
Paris  Pransiya 3 (1900, 1924, 2024)
Los Angeles  Estados Unidos Hilangang Amerika 3 (1932, 1984, 2028)
Innsbruck Austria Awstriya Europa 2 (1968, 1976) 1 (2012)
5 Athens Greece Gresya 2 (1896, 2004) 2
Tokyo Hapon Hapon Asya 2 (1964, 2021)
Beijing  Tsina 1 (2008) 1 (2022)
St. Moritz Switzerland Suwisa Europa 2 (1928, 1948)
Lake Placid  Estados Unidos Hilagang Amerika 2 (1932, 1980)
Lillehammer Norway Noruwega Europa 1 (1994) 1 (2016)
Cortina d'Ampezzo  Italya 2 (1956, 2026)
Gangwon (Pyeongchang)  Timog Korea Asya 1 (2018) 1 (2024)

Bilang ng mga Palarong Olimpiko batay sa bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga nasyon na naging o magiging punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Tag-init
  5 beses
  4 beses (walang pasok)
  3 beses
  2 beses
  1 beses
  Hindi kailanman naging punong-abalang lungsod
Mga nasyon na naging o magiging punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Taglamig
  4 beses
  3 beses
  2 beses
  1 beses
  Hindi kailanman naging punong-abalang lungsod
Talaan ng mga bansang nakahanay ayon sa bilang ng beses na naging punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko
Hanay Unang taon Huling taon Punong-abalang bansa Kontinente Tag-init Taglamig Tag-init
(Kabataan)
Taglamig
(Kabataan)
Kabuuan
1 1904 2028  Estados Unidos Hilagang Amerika 5 (1904, 1932, 1984, 1996, 2028) 4 (1932, 1960, 1980, 2002) 9
2 1900 2024  Pransiya Europa 3 (1900, 1924, 2024) 3 (1924, 1968, 1992) 6
3 1956 2026  Italya 1 (1960) 3 (1944, 1956, 2006, 2026) 4
1964 2020 Hapon Hapon Asya 2 (1940, 1964, 2020) 2 (1940, 1972, 1998)
5 1908 2012 United Kingdom Gran Britanya Europa 3 (1908, 1944, 1948, 2012) 3
1928 2020 Switzerland Suwisa 2 (1928, 1940, 1948) 1 (2020)
1936 1972 West Germany Alemanya,

only as part of former:<br>Imperyong Aleman Imperyong Alemanya,<br>Alemanya Alemanyang Nazi,

<br>West Germany Kanlurang Alemanya

2 (1916, 1936, 1972) 1 (1936, 1940)
1952 2016 Norway Noruwega 2 (1952, 1994) 1 (2016)
1964 2012 Austria Awstriya 2 (1964, 1976) 1 (2012)
1976 2010 Canada Kanada Hilagang Amerika 1 (1976) 2 (1988, 2010)
1988 2024  Timog Korea Asya 1 (1988) 1 (2018) 1 (2024)
2008 2022  Tsina 1 (2008) 1 (2022) 1 (2014)
13 1896 2004 Greece Gresya Europa 2 (1896, 2004) 2
1956 2000 Australia Awstralya Oceania 2 (1896, 2004)
1980 2014  Rusya,

and as part of former:<br> Unyong Sobyet

Europa[h] 1 (1980) 1 (2014)
16 1912 1912 Suwesya Suwesa Europa 1 (1912) 1
1920 1920  Belhika 1 (1920)
1928 1928 Netherlands Olanda 1 (1928)
1952 1952 Finland Pinlandiya 1 (1940, 1952)
1968 1968 Mexico Mehiko Hilagang Amerika 1 (1968)
1984 1984  Bosnia and Herzegovina,

only as part of former:  SFR Yugoslavia

Europa 1 (1984)
1992 1992  Espanya 1 (1992)
2010 2010 Singapore Singgapur Asya 1 (2010)
2016 2016 Brazil Brasil Timog Amerika 1 (2016)
2018 2018 Arhentina Arhentina 1 (2018)
2022 2022  Senegal Aprika 1 (2022)

Bilang ng mga Palarong Olimpiko batay sa kontinente

[baguhin | baguhin ang wikitext]
No First

Year

Last

Year

Continent Summer
Olympics
Winter
Olympics
Summer
Youth Olympics
Winter
Youth Olympics
Total
1 1896 2026 Europa 17 (1896, 1900, 1908, 1912, 1916, 1920, 1924, 1928, 1936, 1940, 1944, 1948, 1952, 1960, 1972, 1980[h], 1992, 2004, 2012, 2024) 15 (1924, 1928, 1936, 1940, 1944, 1948, 1952, 1956, 1964, 1968, 1976, 1984, 1992, 1994, 2006, 2014[h], 2026) 03 (2012, 2016, 2020) 35
2 1904 2028 Kaamerikahan 08 (1904, 1932, 1968, 1976, 1984, 1996, 2016, 2028) 06 (1932, 1960, 1980, 1988, 2002, 2010) 01 (2018) 15
3 1964 2024 Asya 04 (1940, 1964, 1988, 2008, 2020) 04 (1940, 1972, 1998, 2018, 2022) 02 (2010, 2014) 01 (2024) 11
4 1956 2000 Oceania 02 (1956, 2000) 2
5 2022 2022 Aprika 01 (2022) 1

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Findling, John E.; Pelle, Kimberly D. (2004). Encyclopedia of the Modern Olympic Movement. Greenwood Publishing Group. p. 41. ISBN 978-0-313-32278-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "FIS in favor of Youth Olympic Games". FIS. 8 Mayo 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2007. Nakuha noong 20 Mayo 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Group, Taylor Francis (2003). The Europa World Yearbook. Taylor and Francis Group. p. 247. ISBN 978-1-85743-227-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Choice of the Host City". olympic.org. International Olympic Committee. Nakuha noong 2009-06-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Durántez, Conrado (Abril–Mayo 1997). "The Olympic Movement, a twentieth-century phenomenon" (PDF). Olympic Review. XXVI (14): 56–57. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-18. Nakuha noong 2020-04-15.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Antwerp 1920". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Chamonix 1924". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Paris 1924". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "St. Moritz 1928". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Amsterdam 1928". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Lake Placid 1932". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Los Angeles 1932". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Garmisch-Partenkirchen 1936". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Berlin 1936". olympic.org. Nakuha noong 23 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. IOC Media Relations Team. "IOC, IPC, TOKYO 2020 ORGANISING COMMITTEE AND TOKYO METROPOLITAN GOVERNMENT ANNOUNCE NEW DATES FOR THE OLYMPIC AND PARALYMPIC GAMES TOKYO 2020". olympic.org. Nakuha noong 30 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "St Louis 1904". International Olympic Committee. Nakuha noong 29 Hulyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "St. Louis gets Olympic Games; International Committee Sanctions the Change for the World's Fair in 1904" (PDF). The New York Times. Blg. 12 February 1903. Nakuha noong 29 Hulyo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Karl Lennartz. "The 2nd International Olympic Games In Athens 1906" (PDF). Journal of Olympic History. Blg. Dec. 2001–Jan. 2002. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Septiyembre 2018. Nakuha noong 26 May 2019. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  19. "Rome Games moved to London". realclearsports.com. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2015. Nakuha noong 23 Enero 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Stockholm/Melbourne 1956". Swedish Olympic Committee. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2008. Nakuha noong 1 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Tim Pile. "Hong Kong saddles up for the Olympics". The Daily Telegraph. Blg. 25 June 2008. London. Nakuha noong 29 Hulyo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "2008 Beijing Olympic home page". International Olympic Committee. Nakuha noong 4 Mayo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)