Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga lungsod sa Tsina ayon sa populasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Tsina ay ang pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamalaking lungsod nito, Shanghai, ay ang pinakamalaking mismong lungsod (city proper) sa buong mundo na may 26.3 milyong katao magmula noong 2019. Ayon sa pangkat ng pagsasaliksik na Demographia noong 2017, may 102 Tsinong lungsod na may higit sa isang milyong katao sa "urban area", tulad ng pinaliwanag ng metodolohiya ng pangkat.[1]

Pagkahulugan at klasipikasiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Batay sa paghahati-hating pampangasiwaan ng Tsina, may tatlong antas ng mga lungsod: ang mga munisipalidad (直辖市), mga antas-prepektura na lungsod (prefecture-level cities, 地级市), at mga antas-kondado na lungsod (county-level cities, 县级市). Ang mga Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Hong Kong at Macau ay hindi kasama sa klasipikasyong pampangasiwaan na ito.

Ang mga munisipalidad at antas-prepektura na lungsod ay hindi mga "lungsod" sa pinaka-estriktong kahulugan ng salita, sa halip ang mga salitang ito ay nagnangahulugan sa isang yunit-pampangasiwaan na binubuo ng isang urban core ("lungsod" sa pinaka-estriktong kahulugan) at mga pumapaligid na rural o hindi-masyadong urbanisadong pook na kadalasang mas-malaki ang lawak sa urban core.

Halos palaging may nilalamang maraming kondado, antas-kondado na lungsod, at iba pang mga katulad na sub-division ang mga antas-prepektura na lungsod. Upang itangi ang antas-prepektura na lungsod mula sa kanyang tunay na pook urbano ("lungsod" sa pinaka-estriktong kahulugan), ginagamit ang katawagang "市区" (shìqū; "pook urbano"). Subalit ang katawagang ito ay kadalasang sumasaklaw sa mga rehiyong naik na may karaniwang lawak na higit sa 3,000 kilometro kuwadrado (o 1,000 milya kuwadrado), kung minsa'y tanging urban core samantalang sa kabilang dako nama'y aabutin ng agglomeration ang mga city limit. Dahil diyan, ang katawagang "urban core" ay maaring maihahambing sa salitang "city limit" sa Pilipinas at ibang bansa, ang "shìqū o "urban area" ay maaring maihahambing sa isang "metropolitan area", at ang munisipalidad ay isang pagtatakdang politikal na nagangahulugan sa mga rehiyong sa ilalim ng pamamahala ng pamahalaang munisipal at walang maihahambing dibisyon.

Nilalaman ng talaang ito ang lahat ng mga lungsod na may katagang pampangasiwaan na "sub-provincial city" (副省级城市), karamiha'y "antas-prepektura na lungsod" at "panlalawigang kabisera" (省会), mga "Natatanging Sonang Ekonomiko" (经济特区城市), mga "pambansang sentral na lungsod" (国家中心城市) at ilang antas-konseho na lungsod (council-level cities). Ang mas-malaking bilang ng munisipalidad ay ang mas-malawak na populasyon ng lugar-pampangasiwaan (administrative area population), na kinabibilangan ng mga pook-naik at pook-rural ayon sa senso noong 2010.[2]

Ayon sa Senso 2010

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sagisag:

⍟ = Pambansang kabisera * = Panlalawigang kabisera † = Natatanging Sonang Ekonomiko # = Pambansang sentral na lungsod

Munisipalidad
Antas-prepektura na lungsod
50 Pinakamalaking Mga Lungsod sa Kalupaang Tsina ayon sa Populasyon ng Pook Urbano[3]
Ranggo Pangalan Lalawigan Populasyong urbano Retrato
1 Shanghai# 20,217,748
2 Beijing⍟# 16,704,306
3 Guangzhou*# Guangdong 10,641,408
4 Shenzhen† Guangdong 10,358,381
5 Tianjin# 9,583,277
6 Wuhan*# Hubei 7,541,527
7 Dongguan Guangdong 7,271,322
8 Chengdu*# Sichuan 7,112,045
9 Foshan Guangdong 6,771,895
10 Chongqing# 6,263,790
11 Nanjing* Jiangsu 5,827,888
12 Shenyang* Liaoning 5,718,232
13 Hangzhou* Zhejiang 5,578,288
14 Xi'an*# Shaanxi 5,206,253
15 Harbin* Heilongjiang 4,596,313
16 Suzhou Jiangsu 4,083,923
17 Qingdao Shandong 3,990,942
18 Dalian Liaoning 3,902,467
19 Zhengzhou*# Henan 3,677,032
20 Shantou Guangdong 3,644,017
21 Jinan* Shandong 3,527,566
22 Changchun* Jilin 3,411,209
23 Kunming* Yunnan 3,278,777
24 Changsha* Hunan 3,193,354
25 Taiyuan* Shanxi 3,154,157
26 Xiamen Fujian 3,119,110
27 Hefei* Anhui 3,098,727
28 Shijiazhuang* Hebei 3,095,219
29 Ürümqi* Xinjiang 2,853,398
30 Fuzhou* Fujian 2,824,414
31 Wuxi Jiangsu 2,757,736
32 Zhongshan Guangdong 2,740,994
33 Wenzhou Zhejiang 2,686,825
34 Nanning* Guangxi 2,660,833
35 Nanchang* Jiangxi 2,614,380
36 Ningbo Zhejiang 2,583,073
37 Guiyang* Guizhou 2,520,061
38 Lanzhou* Gansu 2,438,595
39 Zibo Shandong 2,261,717
40 Changzhou Jiangsu 2,257,376
41 Xuzhou Jiangsu 2,214,795
42 Tangshan Hebei 2,128,191
43 Baotou Inner Mongolia 1,900,373
44 Huizhou Guangdong 1,807,858
45 Yantai Shandong 1,797,861
46 Shaoxing Zhejiang 1,725,726
47 Liuzhou Guangxi 1,624,571
48 Nantong Jiangsu 1,612,385
49 Luoyang Henan 1,584,463
50 Yangzhou Jiangsu 1,584,237

Ang talaang ito ng dalawampung pinakamalaking pook-urbano sa Tsina ayon sa populasyon noong 2010 ay gumagamit ng datos na tinala ng Kapisanan para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (OECD) batay sa metodolohiya nito upang malaman ang mga economically linked area na may mataas na kapal ng populasyon sa Tsina na tinatawag nitong mga "functional urban area."[4] Isa itong pag-aakma ng metodolohiyang ginagamit ng OECD upang malaman ang mga functional urban area sa mga kasaping bansa ng OECD.[5] Sinasaklaw ng mga opisyal na hangganan ng mga Tsinong lungsod ang kapuwang pook urbano at rural; dahil diyan, hindi laging kumakatawan sa tunay na populasyong urbano.[6]

Ranggo Lungsod Populasyong urbano[7]
(2010, nasa milyon)
Dibisyong
Antas-Lalawigan
1 Shanghai 28.2 Shanghai
2 Shenzhen 21.7 Guangdong
3 Guangzhou 21.0 Guangdong
4 Beijing 19.2 Beijing
5 Wuhan 12.6 Hubei
6 Tianjin 11.6 Tianjin
7 Chengdu 11.3 Sichuan
8 Chongqing 11.1 Chongqing
9 Hangzhou 9.3 Zhejiang
10 Nanjing 8.3 Jiangsu
11 Xi'an 7.8 Shaanxi
12 Shantou 7.5 Guangdong
13 Changzhou 7.3 Jiangsu
14 Shenyang 7.0 Liaoning
15 Jinan 6.9 Shandong
16 Harbin 6.4 Heilongjiang
17 Qingdao 6.2 Shandong
16 Zhengzhou 5.8 Henan
19 Wenzhou 5.3 Zhejiang
20 Nanchang 4.2 Jiangxi
Ispesipiko sa Tsina
Para sa buong mundo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "More than 100 Chinese cities now above 1 million people". Guardian. 20 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "China: Provinces, Prefectures, Counties, Cities, Districts, Townships, Urban Areas - Population Statistics in Maps and Charts". www.citypopulation.de. Nakuha noong 2019-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "China: Provinces and Major Cities - Population Statistics, Maps, Charts, Weather and Web Information". www.citypopulation.de. Nakuha noong 2019-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "OECD Urban Policy Reviews: China 2015". Paris: OECD Publishing. 18 Abril 2015. Nakuha noong 01 Mayo 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. "Redefining "Urban": a new way to measure metropolitan areas". Paris: OECD Publishing. 14 Mayo 2012. Nakuha noong 01 Mayo 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  6. Kam Wing Chan. "The Problem with China's Urban Population Data" (PDF). East Asia Center. University of Washington. Nakuha noong 01 Mayo 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  7. "1. The Chinese Urban System and Its Challenges". OECD Urban Policy Reviews: China. OECD. 2015. p. 39.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Padron:China topics