Pumunta sa nilalaman

Surge protector

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang protektor ng surge o surge protector na may mga nakasuksok na mga plag.

Ang surge protector[1] (bigkas: serdj pro-tek-tor) o protektor ng surge ay isang pahabang kasangkapan o aparatong nagsisilbi bilang maliit na adaptor na umaayon at bumabalanse sa daloy ng kuryente bago pa lamang matanggap ng kagamitang elektroniko ang dagsa ng kuryente. Pinapananggalang ng aparatong ito ang mga kasangkapang gumagamit ng kuryente, tulad ng kompyuter, mula sa pagkasira dahil sa labis na bugso ng kuryente. Ito ang pumapagitna sa isang kompyuter, o iba pang mga aparatong elektroniko at elektriko, at sa plag[2] at sa saksakan na nilalabasan ng kuryente (outlet). Nakatutulong sa surge protector at sa mga pinangangalagaan nitong mga kasangkapan kung nakikiisa ang taong gumagamit sa pagsasara muna ng mga kagamitang elektriko at elektriko bago isaksak o alisin sa pagkakasaksak sa saksakang de-kuryente ang mga plag.

  1. Digest, Reader's (2001). 1,001 Computer Hints & Tips. Pleasantville, New York / Montreal, Canada: The Reader's Digest Association, Inc. ISBN 076213388. {{cite book}}: Check |first= value (tulong); Check |isbn= value: length (tulong); External link in |publisher= (tulong)
  2. English, Leo James (1977). "Plag ng kuryente, plug". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.