Pumunta sa nilalaman

Sinulog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pistang Sinulog
Dala-dala ang Banal na Batang Hesus, kilala roon bilang Santo Niño, pinupuri ng Reyna ng Pista ang Banal na Bata kasama ang kanyang pangkat.
Opisyal na pangalanPistang Sinulog-Santo Niño
Ibang tawagSinulog
Ipinagdiriwang ngLungsod ng Cebu
UriRelihiyoso / Kultural
Petsathird Sunday in January
DalasTaunan
Unang beses1980; 45 taon ang nakalipas (1980)

Ang Pistang Sinulog-Santo Niño (a.k.a Sinug) ay isang taunang kultural at relihiyosong pista na ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu, at nasa Lungsod ng Cebu ang sentro ng aktibidad. Itong pista ang sentro ng mga Kristiyanong pagdiriwang kay Santo Niño sa Pilipinas.

Itong pista ang itinuturing na pinakamalaking pista sa buong Pilipinas; umaakit ang bawat pagdiriwang ng pista ng 1 milyon hanggang 1.5 milyong tao bawat taon.[1] Bukod sa relihiyosong aspeto ng pagdiriwang, sikat din ang Sinulog dahil sa mga parti sa kalsada, kadalasang nangyayari sa gabi bago at sa gabi ng pangunahing kapistahan.[2] Binansagan ang pista ng "Pinakadakilang Pista sa Pilipinas."[3]

Ipinagdiriwang din ng ibang mga lugar sa Pilipinas ang kanilang sariling bersiyon ng pista bilang parangal kay Santo Niño, sa loob man ng Cebu kagaya ng Carmen, o sa labas ng Cebu, kabilang dito ang Tondo, Maynila, Kabankalan, Heneral Santos, Maasin, Cagayan de Oro, Butuan, Pagadian, Balingasag, Misamis Oriental at Don Carlos, Bukidnon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gavilan, Jodesz (Enero 16, 2016). "FAST FACTS: Things to know about Sinulog" [FAST FACTS: Mga bagay na dapat malaman tungkol sa Sinulog]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 10, 2017.
  2. Top Sinulog Parties! Naka-arkibo 2021-01-18 sa Wayback Machine. [Mga Primerong Parti]
  3. "Cebu's Sinulog: The Grandest Festival in the Philippines | Sugbo.ph" [Sinulog ng Cebu: Ang Pinakadakilang Pista sa Pilipinas | Sugbo.ph] (sa wikang Ingles). Enero 6, 2019. Nakuha noong Abril 21, 2022.