Sinuiju
Sinŭiju 신의주시 | |
---|---|
Transkripsyong | |
• Chosŏn'gŭl | 신의주시 |
• Hancha | 新義州市 |
• Revised Romanization | Sinuiju-si |
• McCune-Reischauer | Sinŭiju-si |
Isang malaking liwasan sa sentro ng Sinŭiju noong Agosto 2012, kasama ang isang bantayog ni Kim Il-sung. | |
Bansag: The emblem Magnolia. | |
Mapa ng lalawigan ng Hilagang P'yŏngan na nagpapakita ng kinaroroonan ng Sinŭiju | |
Mga koordinado: 40°06′N 124°24′E / 40.100°N 124.400°E | |
Bansa | Hilagang Korea |
Lalawigan | Hilagang P'yŏngan |
Administrative divisions | 49 tong (mga 'mneighborhood), 9 ri (mga nayon) |
Lawak | |
• Kabuuan | 180 km2 (70 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008)[1] | |
• Kabuuan | 359,341 |
• Wikain | P'yŏngan |
Ang Sinŭiju ((Pagbabaybay sa Koreano: [ɕi.nɰi.dzu]); Sinŭiju-si) ay isang lungsod sa Hilagang Korea na nakatapat sa Dandong, Tsina sa kabilang panig ng pandaigdigang hangganan ng Ilog Yalu. Ito ay kabisera ng lalawigan ng Hilagang P'yŏngan. Bahagi ng lungsod ay nakasama sa Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Sinŭiju, na itinatag noong 2002 upang magsubok sa pagpapakilala sa pampamilihang ekonomiya.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaunlad bilang pangunahing pamayanan noong pamumuno ng Hapon sa Korea sa dulo ng isang tulay ng daambakal sa kabilang panig ng Ilog Yalu (Amrok), matatagpuan ito 7 milya kanluran ng kondado ng Ŭiju, ang lumang lungsod kung saang nagmula ang pangalang Sinŭiju (na nangangahulugang “Bagong Ŭiju”). Bilang isang bukas na pantalan, lumago ito lalo na sa konersiyo kalakip ng industriyang pagtotroso na gumagamit ng Ilog Yalu upang dalhin ang troso. Dagdag diyan, pinausbong ang industriyang kimikal pagkaraang itinayo ang Hidroelektrikong Saplad ng Sup'ung sa dakong itaas sa ilog.
Noong Digmaang Koreano, pansamantalang nilipat ni Kim Il-sung at ng kanyang pamahalaan ang kabisera sa Sinŭiju, kasunod ng kanilang paglisan ng P'yŏngyang[2][3] - bagaman paglapit ng mga puwersang UNC (United Nations Coalition), lumipat ang pamahalaan sa Kanggye.[3] Dinanas din ng lungsod ang mabigat na pagkasira mula sa pambobomba mula himpapawid bilang bahagi ng estratehikong pagbobomba ng Hilagang Korea ng Hukbong trategic bombing of North Korea ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos. Itinayo muli ang lungsod magmula wakas ng digmaan.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinahangganan ang Sinŭiju ng Ilog Yalu, at ng mga kondado ng P'ihyŏn at Ryongch'ŏn. Ang taas ng lungsod ay 4 talampakan, o mga isang metro, sa ibabaw ng lebel ng dagat. May ilang mga pulo sa bunganga ng Ilog Yalu - Pulo ng Wihwa-do, Pulo ng Imdo, Pulo ng Ryuch'o-do, at Pulo ng Silangang Ryuchodo (Tongryuch'o-do).
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang isang sentro ng magaang industriya sa Hilagang Korea, ang Sinŭiju ay may plantang gumagawa ng naka-enamel na kagamitang bakal. Gayundin, mayroon itong pagawaan ng tela, gilingan ng papel at isang pabrika ng afforestation. Ang timog-kanlurang daungan nito ay may pagawaan ng mga barko, bagaman ang pangunahing gawain ng pagawaang ito ay ang wari bagang paglalansag ng mga barko para sa kapirasong metal at ibang mga maaari pang gamitin na materyales sa halip ng paggawa ng mga bagong barko. Ang lugar ay may mga planta ng pagreresiklo na ulitang ginagamit ang maraming mga materyales, kabilang ang mga produktong hindi pinapahintulot ang muling paggamit sa Tsina.[4][5][6] Matatagpuan ang Sinŭiju Cosmetics Factory sa Namsinŭiju (Timog Sinŭiju).
Kalakalan sa Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang malaking bahagi ng pandaigdigang kalakalan ng Hilagang Korea, kapuwa ligal at iligal, ay dumadaan sa Sinŭiju at Dandong, sa kabila ng Ilog Yalu sa Tsina.[7]
Gitnang pamilihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula noong 2002, nakasentro ang buhay-komersiyo sa Pamilihan ng Chaeha-dong.[8] Batay sa imaheng buntabay na kinuha noong ika-30 ng Oktubre 2012, nawasak na ang pamilihan at kasalukuyang ginagawa na isang bagong liwasan.[8]
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sinŭiju ay may populasyon na 359,341 noong 2008,[1] isang pagdagdag mula sa tinatayang populasyon nito na 352,000 noong 2006.
Mga pook-palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga kilalang pook-palatandaan at pasilidad sa Sinŭiju ay ang Sinŭiju High School, Sinŭiju Commercial High School, Eastern Middle School, Sinŭiju Light Industry University, Sinŭiju University of Medicine at ang Sinuiju University of Education. Kabilang sa mga matanwing lugar ang Tonggun Pavilion, Waterfall, at Hot Springs.
Mayroon din isang ruweda na nakatanaw sa Ilog Yalu na iniulat na sira.[9]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "2008 Census of Population of the Democratic People's Republic of Korea conducted on 1–15 October 2008" (PDF). United Nations Statistics Division. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 31 Marso 2010. Nakuha noong 23 Septiyembre 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ Sandler, Stanley (1999). The Korean War: No Victors, No Vanquished. The University Press of Kentucky. p. 108.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Mossman, Billy (2005 Hunyo 2005). United States Army in the Korean War: Ebb and Flow November 1950-July 1951. University Press of the Pacific. p. 51.
{{cite book}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Rank, Michael (15 Marso 2013). "North Korean-Taiwan nuclear waste deal thwarted over export permit". NK Economic Watch. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2011. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rank, Michael (30 Hunyo 2008). "North Korea in bid to recycle toxic waste". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-12. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalian-based Huatai Recycling Resources Co Ltd" (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2020. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jane Perlez and Yufan Huang (31 Marso 2016). "A Hole in North Korean Sanctions Big Enough for Coal, Oil and Used Pianos". The New York Times. Nakuha noong Abril 3, 2016.
China accounts for about 90 percent of North Korea's trade. Half of that business is estimated to flow through Dandong...
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Market expansion: Sinuiju". North Korea Economic Watch. 3 Abril 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2011. Nakuha noong 9 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kane, Daniel (Oktubre 22, 2010). "Observations from Dandong". NK News. Nakuha noong 18 Disyembre 2016.
Further in shore I spotted Sinuiju's signature monument, the Ferris wheel that doesn't move.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga karagdagang babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Cathcart, Adam, and Charles Kraus, “Peripheral Influence: The Sinŭiju Student Incident of 1945 and the Impact of Soviet Occupation in North Korea,” Journal of Korean Studies, Vol. 13 (2008), pp. 1–28.
- Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- City profile of Sinuiju Naka-arkibo 2016-03-10 sa Wayback Machine.
- North Korea Uncovered Naka-arkibo 2008-12-22 sa Wayback Machine., (North Korea Google Earth) see a mapping of Sinuiju's main infrastructure, power lines, railroad, detention center, and Kim Jong Il residence, plus a whole lot more.
- (Trip-city.com: Sinuiju) Naka-arkibo 2021-03-08 sa Wayback Machine.
Ranggo | Pangalan | Paghahating pampangasiwaan | Pop. | Ranggo | Pangalan | Paghahating pampangasiwaan | Pop. | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pyongyang Hamhung |
1 | Pyongyang | Pyongyang Capital City | 3,255,288 | 11 | Sunchon | Timog Pyongan | 297,317 | Chongjin Nampo |
2 | Hamhung | Hilagang Hamgyong | 768,551 | 12 | Pyongsong | Timog Pyongan | 284,386 | ||
3 | Chongjin | Hilagang Hamgyong | 667,929 | 13 | Haeju | Timog Hwanghae | 273,300 | ||
4 | Nampo | Timog Pyongan | 366,815 | 14 | Kanggye | Chagang | 251,971 | ||
5 | Wonsan | Kangwon | 363,127 | 15 | Anju | Timog Pyongan | 240,117 | ||
6 | Sinuiju | North Pyongan | 359,341 | 16 | Tokchon | Timog Pyonggan | 237,133 | ||
7 | Tanchon | Timog Hamgyong | 345,875 | 17 | Kimchaek | Hilagang Hamgyong | 207,299 | ||
8 | Kaechon | Timog Pyongan | 319,554 | 18 | Rason | Rason Special Economic Zone | 196,954 | ||
9 | Kaesong | Hilagang Hwanghae | 308,440 | 19 | Kusong | Hilagang Pyongan | 196,515 | ||
10 | Sariwon | Hilagang Hwanghae | 307,764 | 20 | Hyesan | Ryanggang | 192,680 |