Pumunta sa nilalaman

Qin Shi Huang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Shih Huang Ti)
Qin Shi Huang
秦始皇
Hari ng Qin
Panahon ika-7 ng Mayo 247 – 220 BK
Sinundan Haring Zhuangxiang
Emperador ng Tsina
Panahon 220 BK – ika-10 ng Setyembre 210 BK
Sumunod Qin Er Shi
Anak Kinoronahang Prinsipe Fusu
Qin Er Shi
Prinsipe Gao
Prinsipe Jianglü
Buong pangalan
Ancestral name: Ying ()
Clan name: Zhao ()
Given name: Zheng ()
Lalad Dinastiyang Qin
Ama Haring Zhuangxiang
Ina Queen Dowager Zhao
Kapanganakan ika-7 ng Pebrero 260 BK
Kamatayan ika-10 ng Agosto 210 BK (50-taong gulang)
Qin Shi Huang
Ang "Qin Shi Huang" sa selyong iskrip (itaas) at modernong (ibaba) Tsino characters
Tsino秦始皇
Kahulugang literalUnang Emperador ng Qin
Shi Huang Di
Tsino始皇帝
Kahulugang literal"Unang Tsinong Emperador"
Haring Zheng ng Qin
Tsino
Zhao Zheng
Tradisyunal na Tsino趙政
Pinapayak na Tsino赵政
Ying Zheng
Tsino嬴政

Si Qin Shi Huang (Tsino: 秦始皇), ipinanganak bilang Ying Zheng (嬴政) at kilala rin bilang Hari Zheng ng Qin (秦王政) ay ipinanganak na prinsepe ng estado ng Qin at naging unang emperador ng Tsina pagkatapos masakop ng Qin ang lahat ng Mga Naglalabanang Estado. Pinag-isa niya ang buong Tsina noong 221 BK. Sa halip na panatiliin ang titulo na "hari" na ginamit ng mga nakaraang pinuno ng Shang at Zhou, siya ay namahala bilang Kauna-unahang Emperador (始皇帝) ng Dinastiyang Qin simula 220 hanggang 210 BK. Ang kaniyang sariling imbentong titulo na "emperador" (皇帝) ay magpapatuloy na gamitin ng mga Tsinong pinuno sa susunod na dalawang libong taon.

Mga pangalan at titulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapanganakan at kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mga Talata ng Dakilang Mananalaysay na isinulat ni Sima Qian sa panahon ng Dinastiyang Han, ang unang naging emperador ay ang panganay na lalaking anak ng prinsipe ng Qin na si Yiren, kung sino ay kinilala bilang Haring Zhuangxiang ng Qin. Si Lü Buwei ay isang mayamang mangangalakal mula sa Estado ng Wey na nakilala ang prinsipe ng Qin na si Yiren habang naninirahan sa looban ng korte ng Zhao bilang isang bihag upang magarantiya ang pansamantalang kapayapaan sa pagitan ng dalawang estadong ito.[1] Umibig sa unang pagkikita si prinsipe Yiren sa isang kabit ni Lü Buwei. Sumang-ayon si Lü na maging asawa ni Yiren ang kanyang kabit na kinilala bilang Babaeng Zhao (Zhao Zi) hango sa Estado ng Zhao. Nagsilang ng isang sanggol si Babaeng Zhao noong ika-18 ng Pebrero; at pinangalanang Zhao Zheng - ang pangalang Zheng (正) ay kinuha sa kanyang buwan ng kapanganakang Zhengyue (正月), ang unang buwan sa Tsinong kalendaryong buwan. Ang mga pakana ni Lü Buwei ay kalaunang nakatulong sa pagiging hari ni Yiren sa 250 BK.

Gayunman, inangkin din ng Mga Talata ng Dakilang Mananalaysay na ang unang emperador ay hindi tunay na anak ni Prince Yiren ngunit kay Lü Buwei.[2] Ayon sa bersyon na ito, noong ipinakilala na ni Lü Buwei ang nagsasayaw na babae sa prinsipe, kabit siya ni Lü Buwei at nabuntis na niya at ipinanganak ang sanggol matapos ang hindi karaniwang mahabang panahon ng pagbubuntis. Ayon sa mga pagsasalin ng Mga Salaysay ni Lü Buwei, nanganak si Zhao Ji sa darating na emperador sa lungsod ng Handan sa 259 BK, ang unang buwan ng ika-48 taon ng paghahari ni Zhaoxiang ng Qin.[3]

Ang kaisipan na ang emperador ay isang anak sa labas na malawak na pinaniniwalaan sa buong kasaysayan ng Tsina ang nagdagdag sa karaniwang negatibong pagtingin sa Unang Emperador.

Bilang Hari ng Qin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa 246 BK, nang mamatay si Haring Zhuangxiang matapos ang isang maikling panahon ng kapangyarihan na tatlong taon lamang, siya ay sinundan sa trono ng kanyang 13-taon gulang na anak na lalaki.[4] Noong panahon, bata pa rin si Zhao Zheng kaya gumanap bilang pansamantalang punong ministro si Lü Buwei ng Estado ng Qin, na nakikipagdigmaan pa rin sa iba pang anim na mga estado.

Si Zhao Chengjiao, ang Panginoong Chang'an (长安君),[5] ay ang lehitimong kalahating kapatid na lalaki ni Zhao Zheng, sa parehong ama ngunit mula sa ibang ina. Matapos manahin ni Zhao Zheng ang trono, nag-alsa si Chengjiao sa Tunliu at sumuko sa estado ng Zhao. Ang mga natirang mga abay at pamilya ni Chengjiao ay ipinapatay ni ng Zhao Zheng.[6]

Pagtangkang kudeta ni Lao Ai

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagtanda ni Haring Zheng, ikinatakot ni Lü Buwei na matuklasan ng batang hari ang kanyang pag-uugnayan sa kanyang inang si Babaeng Zhao. Nagpasya siya na idistansya ang kanyang sarili at maghanap ng pamalit para sa reynang biyuda. Nakahanap siya ng isang lalaking nagngalang Lao Ai.[7]

Unang tangkang pagpaslang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Patuloy ang pagsakop ng iba't ibang mga estado nina Haring Zheng at ng kanyang mga hukbo. Ang estado ng Yan ay maliit, mahina at madalas na ginugulo ng mga sundalo.[8] Wala itong tapat para sa estadong Qin. Kaya nagpakana si Kinoronohang Prinsipe Dan ng Yan ang pagtangka ng pagpaslang upang alisan si Haring Zheng, at nagmakaawa kay Jing Ke na pumunta sa misyon sa 227 BK. Sinamahan ni Qin Wuyang si Jing Ke sa pakana. Ang bawat isa ay dapat na magpresenta ng mga regalo kay Haring Zheng: isang mapa ng Dukang at ang pugot na ulo ni Fan Wuji.

Ikalawang tangkang pagpaslang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Gao Jianli ay isang malapit na kaibigan ni Jing Ke, na ninais ipaghiganti ang kanyang kamatayan.[9]

Pag-iisa ng Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang Emperador ng Qin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga administratibong reporma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga repormang pang-ekonomiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikatlong tankang pagpaslang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa 230 BK, ang estado tinalo ng estado ng Qin ang estado ng Han. Isang Han na aristokrata na nagngalang Zhang Liang ay sumumpa ng paghihiganti sa emperador ng Qin.

Gawaing-bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Dakilang Pader ng Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kanal ng Lingqu

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Salamankang Gamot ng Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod ay ilan sa mga miyembro ng pamilya ni Qin Shi Huang:

Nagkaroon si Qin Shi Huang ng 50 mga anak (mga 30 anak na lalaki at 15 anak na babae), ngunit karamihan sa kanilang mga pangalan ay hindi kilala. Siya ay nagkaroon ng maraming mga babaeng kaapid ngunit ay tila hindi kailanman naghayag na isang emperatris.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ssu-Ma Ch'ien. Burton Watson (trans.) Records of the Grand Historian: Qin Dynasty 3rd ed, pp. 35 & 59. Columbia University Press (New York), 1996. ISBN 0-231-08169-3.
  2. Huang, Ray. China: A Macro History Edition: 2, revised. (1987). M.E. Sharpe publishing. ISBN 1-56324-730-5, ISBN 978-1-56324-730-9. pg 32|language=Ingles
  3. Lü, Buwei. Translated by Knoblock, John. Riegel, Jeffrey. The Annals of Lü Buwei: Lü Shi Chun Qiu : a Complete Translation and Study. (2000). Stanford University Press. ISBN 0-8047-3354-6, ISBN 978-0-8047-3354-0.
  4. Donn, Lin. Donn, Don. Ancient China. (2003). Social Studies School Service. Social Studies. ISBN 1-56004-163-3, ISBN 978-1-56004-163-4. pg 49.
  5. 司馬遷《史記·卷043·趙世家》:(赵悼襄王)六年,封长安君以饶。
  6. Records of the Grand Historian Chapter - Qin Shi Huang:八年,王弟长安君成蟜将军击赵,反,死屯留,军吏皆斩死,迁其 民於临洮。将军壁死,卒屯留、蒲鶮反,戮其尸。河鱼大上,轻车重马东就食。 《史记 秦始皇》
  7. Mah, Adeline Yen. (2003). A Thousand Pieces of Gold: Growing Up Through China's Proverbs. Published by HarperCollins. ISBN 0-06-000641-2, ISBN 978-0-06-000641-9. p 32-34.
  8. Sima Qian. Dawson, Raymond Stanley. Brashier, K. E. (2007). The First Emperor: Selections from the Historical Records. Oxford University Press. ISBN 0-19-922634-2, ISBN 978-0-19-922634-4. pg 15 - 20, pg 82, pg 99.
  9. Elizabeth, Jean. Ward, Laureate. (2008). The Songs and Ballads of Li He Chang. ISBN 1-4357-1867-4, ISBN 978-1-4357-1867-8. p 51
  10. Wikisource Records of the Grand Historian Chapter 6
  11. 11.0 11.1 《史记·高祖本纪》司马贞《索隐》写道:“《善文》称隐士云赵高为二世杀十七兄而立今王,则二世是第十八子也。”
  12. 张文立:《秦始皇帝评传》,陕西人民教育出版社,1996,第325~326页。


Tsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.