Pumunta sa nilalaman

San Francisco (sans-serif na tipo ng titik)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Francisco
KategoryaNeo-grotesque
FoundryApple Inc.
Petsa ng pagkalabas2015
Mga baryasyonSF, SF Compact, SF Mono, SF Serif
Websaythttps://developer.apple.com/fonts/

Ang San Francisco ay isang neo-grotesque na sans-serif na pamilya ng tipo ng titik na ginawa ng Apple Inc. Una itong nilabas sa mga tagagawa o developer noong Nobyembre 18, 2014.[1][2] Ito ang unang bagong pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ng Apple sa halos 20 taon at kinuha ang inspirasyon sa Helvetica at DIN.[1]

May apat na baryante ang San Francisco na pamilya ng tipo ng titik: "SF" (o "SF UI") para sa macOS, iOS, at tvOS; "SF Compact" para sa watchOS; "SF Mono" para sa Xcode, Terminal, at Console na mga aplikasyon; at "SF Serif" para sa Apple Books.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Brownlee, John (Nobyembre 19, 2014). "Apple Releases Its Most Important Typeface in 20 Years". Fast Company (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-06-13.
  2. Williams, Owen (Nobyembre 18, 2014). "Meet Apple's new font, designed for its smartwatch". The Next Web (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 13, 2015.
  3. "Fonts". Apple Developer (sa wikang Ingles). Apple Inc. Nakuha noong 2015-06-13.
  4. Nowell, Peter. "Apple Reveals San Francisco Monospaced Font" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-19. Nakuha noong 2019-02-28.