Rafael Palma
Itsura
Rafael Palma | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Oktubre 1874 |
Kamatayan | 24 Mayo 1939 |
Trabaho | Senador |
Si Rafael V. Palma ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 24 Oktubre 1874. Ang kanyang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.
Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong abogasya. Siya ay naging bahagi ng La Independencia o Ang Kalayaan, isang malaganap na pahayagan noong panahon ng Kastila.
Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea ng Pilipinas. Siya rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya ay nagretiro sa politika.
Ang tinaguriang Tagabunsod ng Pilipinismo ay mapayapang yumao sa gulang na 65 noong 24 Mayo 1939.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.