Pumunta sa nilalaman

Radar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
A long-range radar antenna, known as ALTAIR, used to detect and track space objects in conjunction with ABM testing at the Ronald Reagan Test Site on Kwajalein Atoll.
Long-range radar antenna, used to track space objects and ballistic missiles.
Israeli military radar is typical of the type of radar used for air traffic control. The antenna rotates at a steady rate, sweeping the local airspace with a narrow vertical fan-shaped beam, to detect aircraft at all altitudes.
Radar of the type used for detection of aircraft. It rotates steadily, sweeping the airspace with a narrow beam.

Ang radar ay maaaring isang aparato o isang sistema na pangkaraniwang binubuo ng nagtutugmaan o sinkronisadong kasangkapang pangpagpapadala ng transmisyon o transmitter at kasangkapang pantanggap ng transmisyon (receiver) na naglalabas ng mga alon ng radyo. Ang mga pagtalbog o repleksiyon ng mga alon na pangradyo ay pinupruseso upang maipakita, at ginagamit upang mapuna o mapansin at mahanap ang mga bagay o mga tampok na katangian ng isang kapatagan. Ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na mapapansin sa pamamagitan ng radar ay mga salimpapaw, at pati na ang tampok na mga katangian ng kapatagan ng isang planeta.[1] Bilang isang aparato, ang radar ay nakakapansin ng pagkakaroon at kinalalagyan ng mga bagay sa pamamagitan ng pagsukat sa tagal ng panahon ng pagbalik ng alingawngaw ng isang alon ng radyo magmula sa radar, pati na ang direksiyon o kinapupuntahan ng pagbalik ng along ito.[2]

Dahil sa katangian ng radar na makapansin o makapuna ng bagay o mga tampok na katangian ng mga bagay-bagay, ang salitang radar ay naging pakahulugan kung minsan bilang isang diwa o kasangkapan ng pagkakaroon ng kamalayan o kawarian hinggil sa isang bagay,[2] o kaya bilang saklaw ng pabatid o talakayan.[1] Katulad halimbawa ng sa paggamit ng salitang radar sa pariralang "ang mga artistang lihim na magkasintahan ay kumikilos na hindi napupuna ng radar ng midya at mga tsismosa", o kaya sa pariralang "ang sikat na mga basketbolistang iyan ay nawala na sa radar magmula noong matalo nang tatlong ulit".[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 radar, merriam-webster.com
  2. 2.0 2.1 2.2 radar, dictionary.reference.com


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.