Paghahati ng selula
Ang paghahati ng selula ay isang proseso na kung saan nahahati ang selula, tinatawag na magulang na selula, sa dalawa o higit pa na mga selua, tinatawag na mga anak na selula. Kadalasang maliit na bahagi ng isang siklo ng selula ang paghahati ng selula. Tinatawag na mitosis ang ganitong uri ng paghahati ng sihay sa mga eukaryote, at nag-iiwan ng isang anak na sihay na may kakayahang maghati muli. Tinatawag na dalawahang paghiwalay (binary fission) ang katumbas na uri ng paghahati ng selula sa mga prokaryote. Sa isa pang uri ng paghahati ng selula na mayroon lamang sa mga eukaryote, tinatawag na meiosis, permanenteng nabago ang sihay sa isang punla (gamete) at hindi na maaaring hatiin muli hanggang pagpupunlay (fertilization).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.