Pumunta sa nilalaman

Pag-ikot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pag-ikot o rotasyon (mula Kastila rotación) ay ang pabilog na paggalaw ng isang bagay sa isang sentro (o punto) ng pag-ikot. Ang lapyang pangheometriya (geometric plane) na iniikutan nito ay tinatawag na lapyang iniikutan (rotation plane), habang ang linyang guniguni (imaginary line) na tumatagos mula sa sentro at nakatadlong (perpendicular) sa lapyang iniikutan nito ay tinatawag namang aksis ng pag-ikot (rotation axis). Kayang mapaikot palagi ang isang tatlong-dimensiyong bagay ng kahit anong bilang ng aksis.

Kung umiikot ang isang bagay sa sarili niya, kadalasan dahil sa sentro ng bugat (mass) nito, masasabing "pumipihit" (spinning) ito. Sa kabilang banda naman, kung may iniikutan naman ang isang bagay, kadalasan dahil naman sa dagsin, masasabi naman ito ay "lumiligid" (orbiting) sa bagay na iyon.

Sa kaso ng pagpihit, ang salubungan ng kalapagan (surface intersection) nito ay tinatawag na taluktok o polo (pole). Sa kaso naman ng pagliligid, ang dulo naman ng aksis ng pag-ikot nito ay tinatawag na polong nililigiran.

Isang halimbawa ng pagpihit at pagligid ay ang mga planeta. Pumipihit ang Mundo sa sarili niya, habang nililigiran naman nito ang Araw.

MatematikaPisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.