Opus Dei
Prelatura ng Banal na Cruz at ng Opus Dei ay isang prelatura ng Simbahang Katoliko na ang layunin ay palaganapin ang kaalaman na ang lahat ng tao ay tinatawag ng Diyos upang maging isang santo at ang pangkaraniwang buhay ay daan tungo sa kabanalan.
Ang Opus Dei ay itinatag ni San Josemaria Escriva noong 1928. Ito ay itinatag na isang prelatura pang-personal ni Papa Juan Pablo II noong 1982. Mayroong itong 85,000 na miyembro sa buong mundo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Opus Dei ay itinatag ni Josemaria Escriva noong ika-2 ng Oktubre ng 1928 sa Madrid pagkatapos maghintay sa Diyos ng ilang taon upang malaman ang kalooban nito para sa kanya. Ayon kay Escriva, nakita niya ang Opus Dei nang araw na iyon. Mula noon ay lumaganap ang Opus Dei sa buong daigdig—sa Italia, Francia, Estados Unidos, Mexico, Africa, Australia, Kazachstan, Latinoamerica, Lituania, Polonia, at iba pa. Dumating ito sa Pilipinas noong 1964. Mula sa Pilipinas, ito ay lumaganap sa iba't ibang bansa sa sudesteasya kagaya ng Singapur, Taiwan, Hong Kong.
Ang Opus Dei ay itinatag bilang prelaturang pangpersonal ni Juan Pablo II nang 28 November 1982. At si Josemaria Escriva ay ginawang santo nang 6 October 2002, ang taon ng kanyang pang 100 kaarawan.
Mensahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang itinuturo ng Opus Dei ay ang Pangkalahatang Pagtawag para sa Kabanalan na naging mensahe ng Simbahang Katoliko sa kanyang Pangalawang Konsilyong ng Vaticano. Ang mensaheng ito ay nababase sa sinabi ni Jesucristo: Mahalin ang Diyos ng inyong buong puso. Maging ganap kagaya ng inyong Amang ganap. Ang pagiging banal ay di lamang para sa mga pari. Ang kabanalan ay mararating ng lahat sa madaling paraan.
Ayon sa Papang Benedicto XVI sa kanyang komentaryo ukol sa buhay at itinuro ni Escriva, mayroon maling konsepto ng kabanalan na ito ay para lamang sa mga di-pangkaraniwang tao, na hindi ito para sa mga makasalanan na kagaya natin, at maraming pagkakamali. Ang santo, ayon sa Papa, ay yaong kumakausap sa Diyos bilang isang kaibigan, nagpapaubaya sa Diyos na gumawa, sapagka't Siya lamang ang may kayang gawing mabuti at masaya ang mundo.
Ang Opus Dei ay inatake sa Da Vinci Code bilang isang organisasyong pinagtatakpan ang mga lihim ng Simbahang Katoliko. Ang mga akusasyong ito ay karikatura ng tunay na Opus Dei. Pinili ang Opus Dei ng may-akda ng Da Vinci Code na si Dan Brown dahil marami na rin tinanggap ang Opus Dei na atake sa buong kasaysayan nito.
Kahit na binigyan ng aprobasyon ito ng obispo ng Madrid, ang Opus Dei ay pinaghinalaang nagtuturo ng mga maling doktrinang progresista at liberal ng kanyang itinuturo na puedeng maging banal ang karaniwang tao. Maraming pang ibang mga akusasyon ang sinabi ukol sa Opus Dei: ultrakonserbatibo, maraming sekreto, mayaman, etc. Sa ibang dako, ang mga manunulat at imbestigador na si John Allen Jr at si Vittorio Messori ay gumawa ng kanya kanyang pag-aaral ukol sa Opus Dei at sinabi nila na ang mga akusasyong ito ay mga mito lamang na walang kinalaman sa tunay na Opus Dei.