Optima
Kategorya | Sans-serif |
---|---|
Klasipikasyon | Humanista |
Mga nagdisenyo | Hermann Zapf |
Foundry | Stempel Linotype |
Mga baryasyon | Optima Nova |
Ang Optima ay isang humanista na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Hermann Zapf at nilabas ng D. Stempel AG foundry sa Frankfurt, Alemanya.
Bagaman inuuri bilang isang sans-serif, mayroon ang Optima ng banayad na paglaki sa mga terminal na may pinapahiwatig ang isang glipikong serif. Kinuha ang inspirasyon ng Optima sa klasikal na mga kapital na Romano at ang ukit sa batong lapida noong panahon ng Renasimiyento na nakita ni Zapf sa Florence sa isang pista sa Italya noong 1950.[1]
Nilayon ni Zapf ang Optima na maging isang pamilya ng tipo ng titik na maaring magamit sa parehong teksto sa katawan at sa pagpapamagat. Upang patunayan ang maraming gamit nito, ginawa ni Zapf ang buo niyang aklat na About Alphabets sa regular na bigat.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Haley, Allen. "Optima" (PDF) (sa wikang Ingles). Monotype Imaging. Nakuha noong 9 Oktubre 2015.
- ↑ Shaw, Paul. "About More Alphabets review". Blue Pencil letter design (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Nobyembre 2015.