New York Jets
Ang New York Jets ay koponan ng mga Amerikanong propesyonal na manlalaro ng football na naka base sa New York. Sila ay miyembro ng Eastern Division of the American Football Conference (AFC) sa National Football League (NFL), Ang koponan ay naglaro ng kanilang home games sa East Rutherford, New Jersey at Giants Stadium na ipinangalan sa isa pang koponan na miyembro ng NFL , ang New York Giants. “The Meadowlands” ang tawag ng Jets sa venue na lahat ng kanilang home games.
Ang headquarters at pasilidad para sa pagsasanay ay nasa Hofstra University na nasa Hempstead, New York sa Long Island. Mayroon ding bagong ginagawang pasilidad at corporate headquarters sa Florham Park, New Jersey.
Nagsimula ang koponan noong 1960 bilang charter member ng American Football League na may pangalang New York Titans. Napalitan ang pangalan matapos itong bilhin ng Sonny Werblin noong 1963. Di malaunan ang Jets ay sumali sa NFL bilang parte ng AFL-NFL Merger.
Ang Jets ay ang natatanging miyembro ng AFL team na tumalo sa NFL club sa AFL-NFL World Championship Game kung saan tinalo ng Jets ang Baltimore Colts sa Super Bowl III.
Franchise history
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na kinilala bilang New York Titans, ang koponan ay naglaro ng kanilang home games sa Polo Grounds. Ngunit sa kabila ng paglalaro ng mga kilalang koponan, ang mga laro any hindi masyadong pinanood ng tao. Matapos magtaglay ng record na 5–9 noong 1962, nawalan ng katiyakan ang kanilang kinabukasan bilang koponan. Isinalba mula sa pagkalugi ni Sonny Werblin at Leon Hess ang Jets ng bilhin nila it okay Harry Wismer noong 13 Marso 1964. Di nagtagal, nabili ni Hess ang share ng kanyang mga partners at napanatili nya ang solong pagmamay-ari ng koponan hanggang sa kanyang pagkamatay. Ang namahala ng kanyang mga ari-arian ay nagdesisyon na ibenta ang koponan sa tagapagmana ng Johnson & Johnson na si Robert Wood Johnson IV noong taong 2000.
Matapos bilhin nina Werblin at Hess ang koponan, muli nilang ibinalik ang pangalang New York Jets. Ang kulay ng koponan ay binago din mula sa mga kulay asul at ginto ay naging berde at puti na siya ring kulay ng mga gasolinahang pagmamay-ari ni Hess.
Pagkalipas ng isang buwan, kinuha ng Jets si Weeb Ewbank bilang head coach. Siya ay may back-to-back panalo ng kampeyonato ng NFL noong 1958 at 1959 kasama ang mga Baltimore Colts at siya ay isa sa pinakarerespetong coaches ng laro.
Glory years: 1965–1969
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1965, pinapirma ng Jets ng $427,000 ang quarterback ng University of Alabama na si Joe Namath na mas pinili ang Jets kaysa sa St. Louis Cardinals, ang koponan na may hawak ng kanyang rights. Dahil dito pati na rin ang paglipat ng Jets sa bagong Shea Stadium at ang bagong kasunduan ng AFL sa NBC, ay nagtamo ang Jets ng mataas popularidad na makikita sa dami ng tumatangkilik sa kanilang mga laro. Ang tagumapy ni Namath sa Jets ay nagdulot ng pagkakaisa ng AFL at NFL na naganap noong 1970.
Napanatili ng Jets ang mahusay na laro dahil na rin sa mahusay na pinakita ni Namath. Noong 1967, pinangunahan niya ang Jets para sa pinakamataas nitong record na 8-5-1. Gayundin, natamo ni Namath ang kanyang 4,000 yards sa 14 na laro na nagbunga ng record na kauna-unahang propesyonal na quarterback na nagtala ng 4,000 yards sa isang season. Ito ay maituturing na pambihira sa dahilang ang 3,000 yards passing ay ikinokonsidera na mahusay na record nung panahon n iyon.
Noong 1968, masasabing narating ng Jets ang rurok ng kanilang pananatili sa laro at hudyat ng pagkahinog ng AFL. Sa pangunguna ni Namath, ang koponan ng Jets ay nanguna sa AFL matapos nitong talunin ang Oakland Raiders 27–23 sa makapigil hiningang labanan sa championship game. Ang nasabing panalo ay nagbigay ng pagkakataon sa Jets na kumatawan sa kanilang liga sa unang pagkakataon sa Super Bowl. Sila ay nakipagtunggali sa mga kampiyon ng NFL katulad ng Baltimore Colts. Noong panahon na iyon ang AFL ay ipinapalagay na mas mahinang liga kumpara sa NFL kung kaya’t ang palagay din ng marami ay mahinang koponan ang Jets. Tatlong araw bago ang laban ng Jets, si Namath ay tumanggap ng parangal bilang Player of the Year mula sa Miami Touchdown Club. Sa kabila nito, ang kanyang koponan ay patuloy na tumanggap ng mga kutya at patutsada mula sa mga tagahanga ng Colt. Hindi natinag si Namath, sinabi pa niya na “Ang Jets ang mananalo sa Linggo. Sinisigurado ko.” Ang sinabing iyon ni Namath ay pinatunayan niya ng ang kanyang koponan na Jets ay tinalo ang Colts 16–7 na masasabing isang malaking upsets sa kasaysayan sa larangan ng football. Ang panalo ng Jets ay nagpatunay din na may kakayahan ang AFL na makipagtunggali sa NFL.
The 1970s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumalamin ang career ni Namath sa koponan ng Jets lalu na at ang pagsasama ng AFL at NFL ay naging pinal noong 1970. Subalit sa mga taong 1970, 1971 at 1973, hindi nakapaglaro ng husto si Namath dahil sa mga pinsalang kanyang tinamo lalung lalu na ang pinsala niya sa tuhod na nakaapekto sa kanyang liksi at kilos na naglimita sa kanyang kahusayan sa paglalaro. Nang mga sumunod na taon, lalung naramdaman ng koponan ang kawalan ni Namath kung kaya’t siya ay ipinaubaya na lamang sa Los Angeles Rams nang mabigo ang koponan ng Jets para sa isang trade-off. Apat na laro lamang ang nagawa ni Namath sa Rams bago niya ipinahayag ang kanyang pagreretiro sa gulang na 34. Bagaman at nabilang si Namath sa Hall of Fame, marami ang nakakaalam na ito ay dahil sa ipinakita niyang husay hanggang taong 1969, sa kanyang pangunguna sa koponan ng Jets sa panalo nito sa Super Bowl III at bilang isang natatanging manlalaro ng professional football na hindi ordinaryong makikita sa ibang manlalaro.
Nang mawala na si Namath, si Walt Michaels ay kinuha ng Jets noong 1977 at siya ay nanatili doon sa loob ng anim na taon. Sa kanyang unang taon, ang Jets ay nagtapos sa 3–11 na naitala nito sa loob ng tatlong sunod na taon. Subalit, noong 1978 season, ang Jets ay muling sumigla ang laro sa pamamagitan ng quarterback na si Matt Robinson na siyang pumalit kay Richard Todd at siya ay nagtala ng 2,000 yards kung saan ang Jets ay nagtapos sa 8-8. Sa katunayan, ang Jets ay may talang 8–6 pagkatapos ng 14 games at mayroon sanang tsansa para sa playoff ngunit natalo ang kanilang huling 2 laban. Muling lumaro si Richard Todd bilang sentro para sa 1979 season at higit siyang mahusay kaysa dati ngunit nagtapos pa rin ang Jets sa 8-8.
The 1980s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi naging maganda ang laro ni Todd sa 1980 season kung saan siya ay tumanggap ng 30 interception, Dahil dito bumaba din ang Jets sa 4–12 kung saan ito ay naging panghuling puwesto sa AFC East. Ang pinakamababang puntos ng Jets ay ang 21–20 nilang pagkatalo sa 0–14 na New Orleans na nagtapos sa 1-15.
Ang 1981 season ay ang unang panalo ng Jets simula ng magsama ang AFL-NFL. Ang Jets ay nagtapos sa 10-5-1 at sila ay nagkaroon ng playoffs sa unang pagkakataon simula ng 1969 dahil sa 3,231 yards passing at 25 touchdowns ni Richard Todd. Subalit sa kanilang paghabol sa una nilang playoff game laban sa Buffalo Bills, ito ay nahinto dahil naitapon ni Todd ang interception niya sa teritoryo ng Bills sa huling minuto ng laro at dahil dito ang Jets ay na-eliminate. Ngunit ang isa sa magandang lugar ng Jets sa 1981 season ay ang kanilang defensive line.
Noong 1983 season, si Joe Walton ang naging bagong coach ng Jets kung saan pinangunahan niya ang koponan sa record na 7-9. Pagkatapos ng 1983, ang paggamit ng Jets sa Shea Stadium base sa usapan nila ng pamunuan nang siyudad at nag-expire na at kinailangan nilang muling makipag deal. Naharap sila sa malaking bayarin ng renta hanggang 1978 dahil na rin sa hindi nila pagkalaro ng home games hanggang ang Mets ang kumumpleto ng kanilang laban. Madalas na ginagamit ng Mets ang kanilang kalagayan na pangunahing koponan sa kanilang paglalaro sa Shea Stadium marahil upang mapwersa ang Jets sa mga malalayong venue sa unang panahon pa lamang ng season.
Matapos hindi magkasundo ang Jets at ang siyudad ng New York tungkol sa mga pagsasaayos ng Shea Stadium gayundin ang pagsang-ayon ng New Jersey Sports and Exhibition Authority na makapaglaro ng kanilang home games sa Giants Stadium na naka base sa East Rutherford, New Jersey sa simula ng 1984, ang Jets ay naglaro ng kanilang huling laban sa Shea Stadium noong 1983 na sa sinamaang palad ay natalo 34–7 sa Pittsburgh Steelers. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, ang unang laro ng Jets sa Giants Stadium ay laban sa Steelers kung saan sila ay muling natalo. Ngunit ang stadium ay may ayos at pinta na naayon sa Giants na may kulay pula at asul at kung mapapansin ay may ginawang pagbabago para sa laro ng Jets katulad ng mga empleyado sa stadium na may mga dalang bandila ng Jets na iwinawagayway at pati na rin ang mural na makikita sa loob ng stadium. Bukod dito, ang Giants ay nagpakita ng nakakainganyang panimula upang mas maraming tagahanga ang manuod ng mga laban lalu na ang mga taga New Jersey bagama’t hindi ito masyadong madali sa mga fans ng Jets na karamihan ay nasa Long Island. Kung walang tren na magseserbisyo sa pagitan ng Long Island at
Wetlands kung saan naroon ang Meadowlands, mahihirapan ang mga tagahanga ng Jets na pumunta sa ma-traffic na lugar ng New York.
Sa kabila ng paglipat ng Jets sa Giants Stadium, nagdesisyon ang organisasyon ng Jets na panatilihin ang “New York” Jets, base na rin sa naging desisyon ng Giants noong 1976. Inasahan nila na mas lalawak ang kanilang tagahanga bagaman at malayo ito sa mga taga Long Island at Hofstra University.
Sa kanilang unang season sa kanilang bagong tahanan, ang beteranong quarterback na si Pat Ryan ang siyang naglaro at noong 1983 ang first round draft pick na si Ken O’Brien naman ang pumalit. Ngunit ang koponan ay bumagsak sa 7–9 na record. Noong 1985, si O’Brien ay nagtala ng 25 touchdowns (kasama ang 7 ni Mickey Shuler at 5 ni Wesley Walker), 8 lamang na interceptions at apat na rushers para sa 18 touchdowns on the ground.
Sa kanilang unang season sa kanilang bagong tahanan, ang beteranong quarterback na si Pat Ryan ang lumaro at noong 1983, ang first round draft pick na si Ken O’Brien ang pumalit ngunit ang koponan ay nagtala lamang ng 7–9 rekord. Noong 1985, si O’Brien ay nagtapon ng 25 touchdowns (kasama ang 7 ni Mickey Shuler at 5 ni Wesley Walker), 8 lamang na interceptions, apat na rushers para sa 18 touchdowns on the ground. Ang Jets ay nagtala ng 11–5 record para sa playoff at nag host ng kanilang unang playoff game sa loob ng 16 na taon subalit sila ay nabigo ng talunin sila ng kampiyon ng AFC na New England Patriots 126-14.
Sa panimula ng 1986 season, ang Jets ay nagtala ng 9 na sunud-sunod na panalo 10-1. Si Wesly Walker ay nakasalo ng 12 touchdowns kasama ang second-year na manlalaro na si Al Toon na nakasalo ng 8. Subalit hindi nagpatuloy ang magandang simula nang limang beses silang matalo ng sunud-sunod hanggang sa huli sa record na 10-6. Si Pat Ryan ay muling naglaro bilang panimulang quarterback para sa playoffs at tinalo nila ang Kansas City Chiefs sa unang round. Subalit sa kanilang laban sa Browns sa Cleveland para sa divisional playoff match-up, sila ay nabigo at nawalan ng pagkakataon na makapaglaro sa AFC Championship game.
1990s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1960, kinuha ng Jets si Dick Steinberg mula sa New England Patriots upang maging General Manager. Ang una niyang ginawa ay kinuha niya si Bruce Coslet, ang offensive coordinator ng Cincinnati Bengals bilang head coach. Ang opensibang pamamaraan ni Coslet ang naghatid sa Bengals sa 1988 Super Bowl kung saan muntik na nilang talunin ang San Francisco 49ers. Noong 1991, kasama si Brad Baxter na nagtala ng career-high na 11 rushing touchdowns, gumanda ang laro ng Jets na nagtala ng 8–8 kung saan sila ay nanalo sa finals laban sa Miami Dolphins at nagkaroon ng pagkakataon sa playoffs at mapigilan ang karibal na Dolphins. Sa kabila ng magandang laro, naging mahigpit ang laban nila sa Houston Oilers sa kanilang pambungad na round playoff game kung saan sila ay natalo 17-10.
Matapos ang kanilang tagumpay sa 1991 season, mataas ang inaasahan ng tagahanga ng mga Jets. Pinili ni Coslet ang second-year quarterback na si Browning Nagle bilang starter kaysa kay Ken O’Brien na sa simula ay maganda ang inilaro at kanilang inasahan na magpapatuloy ngunit sa banding huli ay nabigo din sila at nagtala lamang ng 4-12. Sa taong din iyon ang defensive lineman na si Dennis Byrd ay nagtamo ng pinsala ng ito ay bumunggo sa kasamahang si Scott Merseraeau sa kanilang laban sa Kansas City. Mabuti na lamang at ang steroid treatment ay muling nagpalakad kay Byrd pagkalipas lamang ng ilang buwan.
Matapos ang 1992 season, muling nangailangan ang Jets ng quarterback at ipinalit nila ang third-round pick para sa beteranong quarterback ng Cincinnati Bengals na si Boomer Esiason. Naging matagumpay ang samahan nina Coslet at Esiason sa Cincinnati at inasahan na sila ay magtatagal. Subalit muli na namang nabigo ang mga tagahanga ng Jets ng ito ay mabigo na makapasok sa playoffs sa kartang 8–8 na talo nila sa Houston sa kanilang final game. Dahil dito, tinanggal si Coslet bilang head coach at ipinalit si Peter Carroll.
Sa labas ng field, tumaas ang morale ng Jets dahil nakuha nito ang WFAN-AM na isang high profile na estasyon sa bansa at nakakuha ng rights na mga laro ng Jets. Kahit na may mga kontrata ang WFAN sa iba pang koponan ng New York, kulang sila ng kontrata para sa pro football franchise at ng ang WCBS-AM ay nagdesisyon na hindi na muling i-renew ang sports rights na kanila ng nakuha, sinamantala ng WFAN ang pagkakataon na i-cover ang laro ng Jets. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa Jets na maabot ang mga tagahanga kahit sa pamamagitan ng programa sa radio.
Matapos ang 1996 season, ang Jets ay muling pinangunahan ng coach ng New England Patriots na katatapos palang maglaro sa Super Bowl na si Bill Parcells. Interesado si Parcells sa Jets dahil makakabalik siya sa lugar ng New York kung saan naging matagumpay siya sa Giants gayundin naman ang oportunidad na maging coach at magkaroon ng kontrol sa mga desisyon ukol sa mga tao.
Ang mga draft picks na nakuha ng Jets ay nagbigay sa koponan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang laro lalu na ng makuha nila si Keyshawn Johnson, ang wide receiver mula sa USC na siyang nanguna sa draft pick Ito any nagbigay sa Jets ng skill position na manlalaro na matagal na nilang kailangan simula pa noong panahon ni Joe Namath. Ang bunga nito ay madaling nakita. Si Neil O’Donnel na galling sa Pittsburgh Steelers ay nagtapon ng 17 touchdowns at si Adrian Murrell ay tumakbo ng 1,000 yards. Nagtapos ang Jets sa kartang 9–7 ngunit hindi sila nakapasok sa playoffs dahil sa isang nakapagtatakang tawag ni Parcells laban sa Detroit Lions. Gayunman, ang Jets ay nagpakita ng kasiyahan sa paglalaro kung kaya’t muli nilang nakuha ang respeto ng liga at ng mga tagasunod nito.
Upang mapanatili ang tagumpay ng 1997 season, kinuha ni Parcells ang running back ng Patriots na si Curtis Martin at ang quarterback ng Baltimore Ravens na si Vinny Testaverde bilang mga free agents para sa 1998 season na siyang naging matagumapay na taon para sa kop[onan simula pa noong 1960s. At sa pangunguna din ni Parcells, ibinalik ng Jets ang dating classic logo at istilo ng uniporme bagaman at sa mas matingkad na kulay berde. Sabi ni Parcells, nung siya ay batang coach, nakita niya ang matagumapy na taon ng Jets noong huling taon ng dekada 60 na naglalaro sa unipormeng iyon.
Dahil sa piling manlalaro na ginusto ni Parcells, nakita ang magandang resulta nito sa koponan. Matapos maglaro si Glenn Foley bilang starting sa mga unang laro, pinili naman ni Parcells si Testaverde na nagtapos na may 29 touchdowns, si Martin ay tumakbo ng 1,287 yards at 8 touchdowns samantalang si Keyshawn Johnson at Wayne Chrebet ay may 1,000 yards receiving. Nanalo ang Jets sa 10 ng kanilang 11 laro at nagtapos sa 12–4 na nagtala ng panalo ng koponan sa isang season
Ang pag-asa ng Jets para sa 1999 season ay namadali sa kanilang unang laro laban sa New England Patriots nang sa unang laro ng pangalawang quarter ay nasira ang Achilles tendon ni Testaverde. Dahil dito siya ay pinalitan ng backup quarterback na si Rick Mirer para sa 4–6 na record. Pagkatapos noon ay si Ray Lucas naman ang naging starter na natalo sa unang dalawang starts ngunit nanalo din sa sumunod na apat na laro na nagbigay sa Jets ng 8–8 na record.
Bago ang 1999 season, ang nagmamay-ari sa Jets sa matagal ng panahon na si Leon Hess ay sumakabilang buhay sa idad n 85. Siya ang kumuha kay Parcells at kung ano ang papel ni Parcells sa bagong may-ari ay hindi nagimg malinaw. Katulad ng nangyari kay Parcells sa New England, ang may-ari na kumuha sa kanya ay napalitan din agad ng bagong may-ari. Sa kabila ng kagustuhan ng bagong may-ari na si Woody Johnson na manatili si Parcells bilang head coach, umalis din si Parcells bilang head coach sa huling yugto ng season bagaman at nanatili siyang hepe ng Football Operations ng koponan.
2000s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng bagong coach na si Herman Edwards na nagsilbing assistant head coach at defensive backs sa ilalim ni Tony Dungy ng Tampa Bay Buccaneers, ang Jets ay nahanay
sa 2001 season sa isang matinding kompetisyon sa AFC East. Ang koponan ay nagawang isalba ang wild card playoff berth na may 53 yard na game-winning field goal laban sa Oakland Raiders sa huling minuto ng laro na nagdulot ng rematch laban sa Raiders sa panimula ng postseason game. Subalit ang naging resulta ay hindi naging pabor sa Jets.
Pinatunayan na ang AFC East ay may mas matinding kompetisyon sa taong 2002. Ang apat na miyembrong koponan ay naglaban ng husto hanggang buwan ng Disyembre. Hindi nakapaglaro si Testaverde at siya ay pinalitan ni Chad Pennington na nagpatunay na siya ang kailangan ng koponan na nagtapon ng 22 touchdowns at 6 lamang na interceptions.at ng panalo sa huling lingo laban sa Green Bay Packers. Kasama ng Patriots sa panalo nito laban sa Dolphins, sila ay nagtamo ng titulo ng AFC East sa kartang 9-7. Nakatawid sa unang playoff game ang Jets na may 41–0 blowout ng Indianapolis Colts ngunit bumagsak sa second half laban sa palagiang kampeyon ng AFC na Raiders sa divisional playoff.
2004
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago nagsimula ang season, nagpumirma ang contract ng dating Linebacker ng Oakland Raiders na si Eric Barton at ang dating Arizona Cardinals Cornerback na si David Barrett.
Inumpisahan ni Pennington at koponan ng Jets ang 2004 season sa kartang 5–0 bago natalo ng 2 sa kanilang 3 laro. Sa kabila ng pagsusumikap na maiangat ang katayuan ng koponan at sa kabila ng hindi pagkakalaro ni Pennington ng tatlong beses (nalaman ng malaunan na ito pala ay sa napinsalang rotator cuff), nagtapos ang Jets na may 10–6 na record at nagkamit ng wild card berth. Nagharap ang Jets at ang kampeyon ng AFC West, ang San Diego Chargers na pinangunahan ni LaDainian Tomlinson at Antonio Gates na nagmula sa Pro Bowlers Drew Brees. Sinamantala ng Jets ang pagkakamali ng San Diego kung saan sila ay nanguna 17–10 sa ilalim ng 20 segundo natitira sa regulasyon. Subalit ang linebacker na si Eric Barton ay naparusahan dahil sa magaspang na istilo ng depensa sa passer. Nagkaroon ng pagkakataon ang Brees para sa overtime at muling nakabawi ang jets sa pamamagitan ni Kicker Doug Brien na nagpakita ng 28-yard field goal sa may limang segundong natitira sa overtime.
Ang panalo ay naghatid sa Jets sa divisional round laban sa 15–1 Pittsburgh Steelers. Sa divisional round, nakipaglaro ang Jets laban sa Steelers na higit na pinapaboran. Habang ang opensa ay nagresulta lamang ng isang field goal, di malaunan ay nagtabla ang iskor sa 17–17 sa bandang huli ng ika-apat na quarter at si Doug Brien ay umasta para sa 47-yard subok na field goal na kung pumasok lamang ay pabor sana sa kanila.
Sa kabila nito ay sinikap pa rin ng Jets na lumaro ng husto sa pamamagitan ng pag sentro ng stratehiya sa 43-yard na field goal attempt kaysa sa pagsubok sa touchdown. Natalo ang Jets sa 33-yard na field goal ng Pittsburgh kicker na si Jeff Reed
2005
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang 2005 season ng Jets ay nagumpisa kasama si Laveranues Coles, ang WR ng Washington Redskins na ipinamigay kapalit ni Sanatana Moss at pagkuha kay Jay Fiedler ng Miami Dolphins bilang beteranong back-up para sa starter na si Pennington. Sa Draft, ipinalit ng Jets ang kanilang first-round na pagpili para sa Raiders Tight End na si Doug Jolley. Maraming tagahanga ng Jets ang nagsabi na mas mainam kung ang pinili ay ang tight end ng Virginia na si Heath Miller kaysa sa hindi estableng laro ni Jolley. Ginamit ng Jets ang kanilang unang pagpili (pangalawang round at pang labinlimang pick) upang kunin ang State kicker na si Mike Nugent na papalit sa paalis na si Doug Brien. Hinayaan ng Jets ang ilan nilang importanteng manlalaro na umalis sa pamamagitan ng libreng ahensiya o kaya ay ipalit sila sa hindi masyadong matagumpay na manlalaro tulad nina LaMont Jordan (nag-punta sa Oakland Raiders), Kareem McKenzie (nag-punta sa New York Giants), Sam Cowart (ipinamigay sa Minnesota Vikings kapalit ng 7th round pick na dati ipinamigay ng Minnesota Vikings kapalit ni Randy Moss), Jason Ferguson (nag-punta sa Dallas Cowboys), at si Anthony Becht (Tampa Bay Buccaneers).
Pumasok ang Jets sa season na may mataas na pag asa para sa Super Bowl ngunit ang kanilang inaasahan ay nasira sa ikatatlong lingo laban sa Jaguars ng si Chad Pennington ay muling napinsala ang balikat. Sa kasamang palad ang kanilang back up quarterback na si Jay Fiedler ay muling napinsala matapos ang anim na laro. Pareho silang inilagay sa reserba dahil sa pinsala hanggang sa natirang araw ng season. Dahil dito ang third-string quarterback na si Brooks Bollinger ang siyang naging starter ng koponan at ang nagretirong si Vinny Testaverde ay muling ibinalik bilang back up ni Bollinger. Matapos ang hindi magandang ipinakita ng Jets sa opensa sa kanilang pagkatalo, si Testaverde ay naging starter sa ika-limang lingo ng laro laban sa Tampa Bay Bucaneers. Ang matatag niyang kamay ang nanguna sa opensa at si Curtis Martin ay pumuntos ng dalawang touchdowns na nagbigay sa Jets ng 14–12 na panalo laban sa Bucaneers na wala pang talo.
Ngunit matapos ang panalo sa Tampa Bay, natalo sila sa kanilang pitong laban bago nila natalo ang Oakland Raiders sa ika-14 na lingo. Ang mga pinsala ng kanilang mga piling manlalaro tulad nina Derrick Blaylock at cornerback na si David Barrett, ang season-ending na pinsala ng wide receiver na si Wayne Chrebet, ang tight end na si Chris Baker, ang right tackle na si Jason Fabini, at Pro bowl starting center na si Kevin Mawae ay lubhang nakaapekto upang hindi sila makapaglaro ng mahusay.
Kahit sa panalo nila sa Raiders, ang Jets ay nagtamo ng panibagong pinsala na nagpababa ng moral ng mga manlalaro. Ang running back na si Curtis Martin ay hindi nakapaglaro dahil din sa pinsala sa tuhod na kinailangan ng arthroscopic na opera. Ang natatanging nagawa ng Jets sa huling araw ng season ay ang kanilang partisipasyon sa final ng Monday Night Football game na isinahimpapawid sa ABC kung saan sila ay natalo 31–21 laban sa Patriots. Natapos nila ang taon na may rekord na 4–12 at nakamit nila ang ika-apat na pick sa 2006 NFL Draft na siya nilang ginamit ng piliin nila ang D’Brickashaw Ferguson..
Noong 8 Enero 2006, tinapos ni Herm Edwards ang kanyang pananatili sa Jets bilang head coach at siya ay pumirma ng 4 na taon at $12,000,000 na kontrata bilang bagong head coach ng Kansas City Chiefs at pinalitan niya ang kanyang orihinal na mentor na si Dick Vermeil na siyang head coach ni Edward sa Philadelphia Eagles. Ang Jets ay tumanggap ng ika-4 na round draft pick mula sa Chiefs bilang kompensasyon kay Edwards na nasa ilalim pa rin ng kontrata sa Jets noong panahon na iyon. Tumanggap ng kritisismo ang Jets dahil sa ikinonsidera na kulang na kompensasyon para sa pagkawala ng kanilang head coach. Ang iba naman ay inisip na maswerte ang kabilang koponan na handing kunin si Edwards na may rekord na 5–15 sa kanyang huling 20 regular na season games.
2006
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-17 ng Enero, ang tapatan ng coaching ng Jets-Patriots ay muling lumitaw dahil sa pagkuha kay Eric Mangini, ang defensive coordinator ng New England. Ang unang bagay na ginawa ni Mangini ay ay ireorganisa ang coaching staff. Ang Offensive Coordinator na si Mike Heimerdinger at Defensive Coordinator na si Mike Westhoff ay nanatili. Ang buong staff ay ipinahayag noong oka- 20 ng Pebrero . Ang linebackers coach na si Bob Sutton bilang linebackers coach. Si Hermann ang defensive coordinator ng University of Michigan sa loob ng 20 taon bago siya pumunta sa New York.
Ang General Manager ng Jets na si Terry Bradway ay nagpahayag na siya ay bababa bilang GM sa ika-7 ng Pebrero. Ang Assistant GM na si Mike Tannenbaum ay siyang pinangalanan na bagong head GM nung araw ding iyon. Si Bradway ay nagpatuloy sa Jets bilang scouting consultant.
Bago nag-simula ang season, ipinamigay ang defensive end na si John Abraham sa Atlanta Falcons kapalit ng isang 1st round pick na ginamit para i-select si Nick Mangold.
Nagtapos ang Jets sa regular season na may record na 10–6 kung saan tinalo ang Minnesota Vikings, Miami Dolphins at ang Oakland Raiders sa kanilang huling 3 laro. Nakamit ng Jets ang spot para sa AFC Wild Card spot sa playoffs, ang panlimang seed at sorpresa para sa mga nagsasabing hindi sila tatagal.
Noong 7 Enero 2007, lumaban ang Jets sa kanilang karibal na New England Patriots. Ang Jets ay napahirapan at natalo sa Patriots sa regular na season. Habang maagang nanguna ang Jets 10–7 matapos ang field goal at 77-yard touchdown na sinasalo at itinatakbo ni Jerricho Cotchery na siyang pangalawang pinakamahabang pass play sa kasaysayan ng wild card, ang Jets ay hindi nakapuntos ng anumang touchdown at isinara ng Patriots ang laban matapos ang 2 turnovers ng opensa ng Jets. Nagtapos ang Jets sa 37–16 na talo. Ang hindi maitatagong rivalry sa pagitan ng Patriot head coach na si Bill Belichick at ang head coach ng Jets na si Eric Mangini. Hindi maayos ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan hindi sila magkasundo at ang kanilang relasyon ay madaling nailagay sa mga babasahin. Subalit, sa kabila noon, sila ay nagyayakap sa bawat pagtatapos ng mga games.
Sa ika-14 na Oktubre 2007, ang New York Jets ay magdidiwang ng kanilang heritage sa espesyal na “Titans Throwback Day.” Ang Jets ay magsusuot ng asul at gintong kulay ng uniporme na suot ng mga New York Titans sa kanilang laro laban sa Philadelphia Eagles at Meadowlands.
2019
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa 2019, pumirma ang contract ng dating Pittsburgh Steelers running back na si Le'Veon Bell, dating Baltimore Ravens linebacker na si C.J. Mosley at ang dating Washington Redskins wide reciever na si Jamison Crowder. Ipinamigay din ang kanilang 5th round pick sa Oakland Raiders kapalit ng offensive guard na si Kelechi Osemele at ang 6th round pick na dating galing sa Chicago Bears.
2020
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa 2020, ipinamigay nila ang safety na si Jamal Adams sa Seattle Seahawks kapalit ni Bradley McDougald at ang dalawang first round picks.
Pro Football Hall of Famers
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Weeb Ewbank (coach, 1963–73)
- Don Maynard (WR, 1960–72)
- Joe Namath (QB, 1965–76)
- John Riggins (RB, 1971–75)
- Ronnie Lott (DB, 1993–94)
- Ewbank, Maynard
Retired numbers
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 12 Joe Namath
- 13 Don Maynard
- 73 Joe Klecko
- - - Weeb Ewbank (Jacket)
- 90 Dennis Byrd
Other Notable Alumni
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
|
|
Coaches of note
[baguhin | baguhin ang wikitext]Head coaches
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sammy Baugh (1960–1961) Win-Loss record: 14–14
- Bulldog Turner|Clyde "Bulldog" Turner (1962) Win-Loss record: 5–9
- Weeb Ewbank (1963–1973) Win-Loss record: 71-77-6
- Charley Winner (1974–1975) Win-Loss record: 9–14
- Ken Shipp (1975) Win-Loss record: 1–4
- Lou Holtz (1976) Win-Loss record: 3–10
- Mike Holovak (interim) (1976) Win-Loss record: 0–1
- Walt Michaels (1977–1982) Win-Loss record: 39-47-1
- Joe Walton (1983–1989) Win-Loss record: 53-57-1
- Bruce Coslet (1990–1993) Win-Loss record: 26–38
- Pete Carroll (1994) Win-Loss record: 6–10
- Rich Kotite (1995–1996) Win-Loss record: 4–28
- Bill Parcells(1997–1999) Win-Loss record: 29–19
- Al Groh] (2000) Win-Loss record: 9–7
- Herman Edwards (2001–2005) Win-Loss record: 39–41
- Eric Mangini (2006-present) Win-Loss record: 11–8
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Notes
Bibliography
- Chastain, Bill (2010). 100 Things Jets Fans Should Know & Do Before They Die. Chicago, IL: Triumph Books. ISBN 978-1-60078-522-1.
- Eskenazi, Gerald (1998). Gang Green: An Irreverent Look Behind the Scenes at Thirty-Eight (Well, Thirty-Seven) Seasons of New York Jets Football Futility. New York, NY: Simon and Schuster. ISBN 0-684-84115-0.
- Lange, Randy (2005). Stadium Stories: New York Jets. Guilford, CT: The Globe Pequot Press. ISBN 0-7627-3783-2.
- Ryczek, William J. (2009). Crash of the Titans: The Early Years of the New York Jets and the AFL (ika-revised (na) edisyon). Jefferson, NC: McFarland & Co. ISBN 978-0-7864-4126-6.
- Sahadi, Lou (1969). The Long Pass: The Inside Story of the New York Jets from the Terrible Titans to Broadway Joe Namath and the Championship of 1968. New York, NY: The World Publishing Company. ISBN 978-1-58567-933-1.
- Strother, Sidney (1988). NFL Top 40: The Greatest Pro Football Games Ever Played. New York, NY: Viking. ISBN 0-670-82490-9.
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website
- New York Jets at NFL.com
Padron:New York Jets Padron:New York Jets seasons Padron:Super Bowl III Padron:NFL Padron:American Football League navbox Padron:NewYorksports Padron:NewJerseysports
- Mabuting artikulo
- Good articles
- New York Jets
- American Football League teams
- National Football League teams
- American football teams in New Jersey
- American football teams in New York City
- American football teams in the New York metropolitan area
- Sports in East Rutherford, New Jersey
- Village of Hempstead, New York
- Sports clubs established in 1960