Pumunta sa nilalaman

New York (tipo ng titik)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
New York
KategoryaSerif
KlasipikasyonTransisyunal
Mga nagdisenyoSusan Kare
FoundryApple Computer

Ang New York ay isang transisyunal na serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo noong 1983 ni Susan Kare para sa kompyuter na Macintosh, at muling binago noong 1988 nina Charles Bigelow at Kris Holmes. Ito ang pamantayang bitmap na serif na tipo ng titik para sa mga naunang operating system ng Macintosh. Orihinal na binigyan ng pamagat na “Ardmore”, pinalitan ang pangalan nito sa New York (na tumutukoy sa lungsod ng New York) bago ang inisyal na paglabas nito bilang bahagi ng iskimang pagpapangalan na "World Class Cities" (Uring Sanlibutan na mga Lungsod) na ginagamit ng kasamang tagapagtatag ng Apple Computer na si Steve Jobs.[1]

Dinisenyo bilang isang tipong bitmap, nilabas sa kalaunan ang New York sa pormat na TrueType, bagaman iba ang disenyo nito mula sa bersyong bitmap.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Susan Kare. “The Original Macintosh: World Class Cities” Folklore, Hinango Enero 16, 2007 (sa Ingles).
  2. "Notes on Apple 4 Fonts", Charles A. Bigelow and Kris Holmes, Setyembre 1991 (sa Ingles)