Pumunta sa nilalaman

Maharashtra

Mga koordinado: 18°58′12″N 72°49′12″E / 18.97°N 72.820°E / 18.97; 72.820
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nagpur)
Maharashtra

महाराष्ट्र  (Marathi)
Seal of Maharastra
Sagisag
Kinaroroonan ng Maharashtra (kulay pula) sa India
Kinaroroonan ng Maharashtra (kulay pula) sa India
Mapa ng Maharashtra
Mapa ng Maharashtra
Mga koordinado (Mumbai): 18°58′12″N 72°49′12″E / 18.97°N 72.820°E / 18.97; 72.820
Bansa India
RehiyonKanlurang India
ItinatagMayo 1, 1960
KabiseraMumbai
Pinakamalaking lungsodMumbai
Distrito36
Pamahalaan
 • KonsehoPamahalaan
 • GobernadorCh. Vidyasagar Rao
 • Pangunahing MinistoPrithviraj Chavan (INC)
 • LehislaturaBicameral
(288 + 78 puwesto)
 • Parliamentary constituency48
 • Mataas na HukumanMumbai High Court
Lawak
 • Kabuuan307,713 km2 (118,809 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-3
Populasyon
 (2011)[1]
 • Kabuuan112,372,972
 • Ranggoika-2
 • Kapal370/km2 (950/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
Kodigo ng ISO 3166IN-MH
HDIIncrease 0.689 (medium)
Ranggo ng HDIika-12 (2005)
Literacy82.9% (ika-6)
Ratio ng kasarian925 /1000 (2011)[2]
Wikang opisyalMarathi[3]
WebsaytMaharashtra

Ang Maharashtra ( /mɑːhəˈrɑːʃtrə/; IPA[məharaːʂʈrə], abbr. MH) ay isang estado sa kanlurang rehiyon ng India. May mahigit sa 110 milyong katao ang naninirahan dito kasama ang 15.2 milyon katao sa kabisera nitong Mumbai. Ang Mumbai naman ang sentro ng pananalapi ng India at dito matatagpuan ang mga punong-tanggapan ng mga pangunahing bangko, institusyong pampananalapi, at kompanya ng seguro sa bansa. Nakabase rin sa estado ang industriya ng pelikulang Hindi, Bollywood, at industriya ng pelikula at telebisyong Marathi. Patuloy na umaakit ng mga migrante mula sa iba't-ibang bahagi ng India ang Maharashtra dahil sa mga oportunidad nito sa pagnenegosyo at ang potensiyal na ibinibigay nito upang magkaroon ng higit na mataas na antas ng pamumuhay.

Kasama sa mga sinauna at medyebal na imperyo ng Maharashtra ang Dinastiyang Satavahana, Imperyo ng Western Chalukya, Imperyong Mughal at Imperyong Maratha. May lakíng 307,713 km², ito ay pinalilibutan ng Dagat Arabiano sa kanluran, at ng mga estado ng Karnataka, Telangana, Goa, Gujarat, Chhattisgarh, Madhya Pradesh at ang Union territory ng Dadra and Nagar Haveli. Ang mga pangunahing ilog sa estado ay ang Godavari, Krishna, Narmada at Tapti. Maraming destinasyong makasaysayan, likas, at relihiyo ang pinupuntahan ng mga turista sa Maharashtra gaya ng Pandharpur, Hazur Sahib Nanded, Shegaon, Shirdi, Mahabaleshwar, Satara, Nanded, Nagpur, Chikhaldara at Panhala. Ang lupain ng estado ay hindi angkop sa agrikultura na siyang nagtutulak sa mga tao sa kanayunan nito na magtungo sa mga kalungsuran, kaya naman ang populasyon sa mga lungsod ng Maharashtra ay higit pa sa kahit anong estado ng India. Ito rin ang may pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa mga estado ng India. Ilan sa malalaking lungsod nito ay ang Navi Mumbai, Pune, Nagpur, Nashik, Aurangabad, Kolhapur, Thane, Solapur, Amravati, Sangli at Nanded.

Pinakamayaman at pinakamaunlad ang Maharashtra sa mga estado ng India. Nag-aambag ito ng 25 bahagdan sa produksiyong industriyal at 23.3% sa GDP ng bansa noong 2010–2011.[4] Noong ngang 2011, ang per capitang kita ng estado ay INR 1.0035 lakh (US$1,600) higit sa pambansang antas ng kita na INR 0.73 lakh (US$1,200). Sa unang pagkakataon, lumagpas sa INR 1.20 lakh (US$2,000) ang per capitang kita ng Maharashtra noong 2013, at siyang naging pinakamaymang estado ng India. Malaking bahagi ng ekonomiya ng estado ay mula sa sektor ng argrikultura at mga industriya. Ang mga pangunahing industriya produktong kemikal, elektrikal at di-elektrikal na makinarya, tela, petrolyo at mga kaugnay na produkto.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2011 Census reference tables – total population". Pamahalaan ng India. 2011. Nakuha noong 16 Hulyo 2013.
  2. List of Indian states by sex ratio
  3. "Trivia". Maharashtra Tourism. Government of Maharashtra. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2021. Nakuha noong 16 July 2007.
  4. "India's top 25 states with highest GDP". Rediff.com. Nakuha noong 28 Agosto 2014. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)