Pumunta sa nilalaman

Miriam Quiambao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Miriam Quiambao (ipinanganak 20 Mayo 1975) ay isang artista sa Pilipinas. Si Miriam ay napili sa taunang patimpalak-kagandahan, ang Binibining Pilipinas, upang sumali sa isang patimpalak kagandahan, ang Binibining Mundo (Miss World). Natanggalan ng korona ang orihinal na napiling kinatawan sa Binibining Kalawakan (Miss Universe) na si Denise Quinones kung kaya't napiling ipalit si Miriam para sa naturang patimpalak kung saan walumpu't apat na mga bansa ay may kinatawan noong taong 1999. Sa araw ng paunang patimpalak kung saan pinili ang sampung binibini na magtutunggali para sa korona, napatid si Miriam sa laylayan ng kanyang kasuotan habang bumababa ito sa hagdan. Sa halip na mawalan ng lakas-loob, ipinagpatuloy ni Miriam ang paglakad at itinaas ang kanyang mga braso na maubod namang sinalubong ng malakas na palakpakan. Napatunayan niya sa lahat na hindi sagabal ang kanyang pagkatapilok at siya ay tinawag bilang isa sa sampung huling binibini na naglaban para sa korona. Matapos kabahan at halos masamid habang sinasagot ang huling katanungan, tingnghal si Miriam bilang pangalawa sa katapusan ng patimpalak na napanalunan ng binibini mula sa bansang Botswana na si Mpule Kwelagobe.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.