Pumunta sa nilalaman

Michael Collins

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Michael Collins
Si Michael Collins.
Kapanganakan31 Oktubre 1930[1]
  • (Kalakhang Lungsod ng Roma Capital, Lazio, Italya)
Kamatayan28 Abril 2021[2]
  • (Collier County, Florida, Estados Unidos ng Amerika)
LibinganPambansang Libingan ng Arlington[3]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahoopisyal, astronaut, abyador, negosyante, pilotong tagasubok,[4] awtobiyograpo, artista, entrepreneur
Pirma

Si Michael Collins (ipinanganak noong 30 Oktubre 1930) ay isang Amerikanong dating astronota at pilotong manunubok. Napili bilang kabahagi ng pangatlong bahagi ng labing-apat na mga astronota noong 1963, lumipad siya sa kalawakan nang dalawang ulit. Ang una niyang paglipad sa kalawakan ay ang Gemini 10, kung kailan siya at ang pilotong nag-aatas na si John Young ay nagsagawa ng dalawang pakikipagtagpo sa ibang sasakyang pangkalawakan at si Collins at nagsagawa ng dalawang mga gawain habang nasa labas ng sasakyan (extra-vehicular activity o EVA). Habang lumilibot siya sa Buwan, nagawa nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang unang paglapag ng tao sa ibabaw ng buwan. Isa siya sa 24 na mga tao na nakalipad papunta sa Buwan.

Bago naging isang astronota, nag-aral siya sa Akademyang Pangmilitar ng Estados Unidos, at mula roon ay sumali siya sa Lakas na Panghimpapawid ng Estados Unidos at nagpalipad ng mga F-86 sa Himpilang Panghimpapawid ng Chambley-Bussieres, Pransiya. Natanggap siya sa U.S. Air Force Experimental Flight Test Pilot School (Paaralan ng Pilotong Manunubok ng Paglipad na Eksperimental ng Puwersang Panghimpapawid ng Estados Unidos) sa Himpilan ng Lakas na Panghimpapawid ng Edwards noong 1960. Hindi siya naging matagumpay sa pagsali sa pangalawang pangkat ng mga astronota, subalit natanggap para sa pangatlong pangkat.

Pagkaraang magretiro mula sa NASA noong 1970, kumuha siya ng isang trabaho sa Kagawaran ng Estado bilang Katulong na Kalihim ng Estado para sa mga Bagay-bagay na Pangmadla. Pagkalipas ng isang taon, naging direktor siya ng Pambansang Museo ng Himpapawid at Kalawakan. Hinawakan niya ang tungkulin hanggang sa 1978, nang bumaba siya mula sa tungkuling ito upang maging undersecretary (literal na "kalihim na nasa ilalim") o "pangalawang ministro" ng Smithsonian Institution. Noong 1980, tinanggap niya ang hanapbuhay bilang Pangalawang Pangulo ng LTV Aerospace. Nagbitiw siya mula sa tungkuling ito noong 1985 upang simulan ang sarili niyang negosyo.

Kasal siya kay Patricia Collins, at mayroon silang tatlong mga anak: sina Kate, Ann, at Michael.

TalambuhayEstados UnidosAstronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "Michael Collins"; hinango: 9 Oktubre 2017.
  2. "Michael Collins, 'Third Man' of the Moon Landing, Dies at 90". 28 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Modified Military Funeral Honors with Funeral Escort are Conducted for U.S. Air Force Maj. Gen. Michael Collins in Section 51". 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Neil Armstrong". 26 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)