Medan
Medan | ||
---|---|---|
Kota Medan "Lungsod ng Medan" | ||
| ||
Palayaw: | ||
Bansag: Bekerja sama dan sama-sama bekerja (Working together and everybody work) | ||
Kinaroroonan sa Hilagang Sumatra | ||
Interactive map of Medan | ||
Mga koordinado: 3°35′N 98°40′E / 3.583°N 98.667°E | ||
Bansa | Indonesya | |
Lalawigan | Hilagang Sumatra | |
Itinatag | 1 Hulyo 1590 | |
Pamahalaan | ||
• Alkalde | Dzulmin Eldin[1] | |
• Bise-Alkalde | Akhyar Nasution | |
Lawak | ||
• Lungsod | 265.10 km2 (102.36 milya kuwadrado) | |
• Metro | 1,991.1 km2 (768.8 milya kuwadrado) | |
Taas | 2.5–37.5 m (8–123 tal) | |
Populasyon | ||
• Lungsod | 2,229,408 | |
• Kapal | 8,400/km2 (22,000/milya kuwadrado) | |
• Metro | 4,601,565 | |
• Densidad sa metro | 2,300/km2 (6,000/milya kuwadrado) | |
Demonym | Medanese | |
Sona ng oras | UTC+7 (IWST) | |
Area code | (+62) 61 | |
Plaka ng sasakyan | BK | |
Websayt | pemkomedan.go.id |
Ang Medan (Pagbigkas sa Malay: [meˈdan]) ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Hilagang Sumatra, Indonesya. Ito ay ang pinakamataong lungsod sa Sumatra at ang panlimang pinakamatao na mismong lungsod (city proper) sa Indonesya na may tinatayang populasyon na 2,229,408 noong 2016 sa loob ng mga hangganan ng lungsod.[2] Ang kalakhang pook ng Medan na kilala nang opisyal bilang Mebidangro, ay tahanan ng 4.6 na milyong katao, kaya ito ang panlimang pinakamataong kalakhang pook sa bansa at ang pinakamalaki sa labas ng Java.[3] Isang multikultural na daklungsod ang Medan at isang maabalang lungsod na nangangalakal na hinahangganan ng Kipot ng Malacca. Isang daanan ang Medan patungo sa kanlurang bahagi ng Indonesya, at itinataguyod ng Pantalan ng Belawan at ng Paliparang Pandaigdig ng Kualanamu, kapuwang nakaugnay sa sentro ng lungsod sa pamamagitan ng isang mabilisang daanan at daambakal. Ayon sa National Development Planning Agency, isa ang Medan sa apat na pangunahing mga sentral na lungsod sa Indonesya, kasama ang Jakarta, Surabaya, at Makassar.[4][5]
Itinatag ang lungsod ni Guru Patimpus, isang lalaking Karones na nagpangalan ng isang malusak na lupain sa tagpuan ng mga Ilog Deli at Babura bilang Kampung Medan Putri. Paglaon, ito ay naging bahagi ng Sultanato ng Deli na itinatag ni Tuanku Gocah Pahlawan noong 1632. Noong ika-18 dantaon, nakitrabaho si Sultan Mahmud Al Rasyid Perkasa Alam, ang ikawalong pinuno ng sultanato, kay Jacob Nienhuys, isang Olandes na mangangalakal ng tabako na nanguna sa pagbubukas ng mga malalaking taniman ng tabako sa Medan. Sa tulong nina Sultan Ma'mun Al Rasyid Perkasa Alam na ikasiyam na sultanato, at nina Tjong Yong Hian and Tjong A Fie na mga kilalang negosyanteng Tsino, ang mabilis na paglago ng ekonomiya ay nagpabago sa Medan upang maging isang malaking sentro ng pangangalakal na may palayaw na "het land dollar," o "ang lupa ng pera." Itinatag ang Daambakal ng Deli para sa pagpapadala ng goma, tsaa, tabla, langis ng palma, at asukal sa Pantalan ng Belawan. Dagliang naging kabisera ng estado ng Silangang Sumatra ang Medan noong 1947, bago ito naging panlalawigang kabisera ng Hilagang Sumatra noong gitnang bahagi ng dekada-1950.
Binansagang Dutch Parijs van Sumatra ang Medan dahil sa pagkahawig nito sa Paris. Kinilala ng Lamudi, isang pandaigdigang web portal sa pag-aaring real, ang Medan bilang isa sa anim na mga lungsod sa Asya na may matatampok at napapanatili na ilang mga sityong kolonyal na arkitektura, habang nasasabay nito ang paglago bilang isang kalakhang lungsod.[6] Kinikilala rin ang Medan bilang "City of Million Shophouses" (Lungsod ng Milyong mga Tindahang-Bahay), sapagkat karamihan sa populasyon nito ay nagtatrabaho sa sektor ng pangangalakal, nagbubukas ng mga tindahan sa ilalim ng kanilang mga kabahayan. Nitong mga nakaraang taon, sumailalim ang lungsod sa napakabilis na pagpapaunlad, na siyang nagpataas ng halaga ng mga ari-ariang pamahayan sa Medan. Ayon sa Bank Indonesia (BI), tumaas ang bilnuro ng bili (price index) ng ari-ariang pamahayan ng Medan sa 212.17 noong ikaapat na bahagi ng 2014, mula sa 205.24 noong ikaapat na bahagi ng 2013, at sa 214.41 noong unang bahagi ng 2015.[7]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa talaarawan ng isang mangangalakal na Portuges noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon, nagmula ang pangalang Medan mula sa salitang Tamil na Maidhan (kilala rin bilang Maidhāṉam , Tamil: மைதானம்), nagngangahulugang Lupa, na kinuha mula sa wikang Malay. Sinasabi rin ng isa sa mga diksiyonaryong Karo-Indonesia na sinulat ni Darwin Prinst SH at nilathala noong 2002 na maaari ring mangahulugang "gumaling" ang salitang Medan.
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng Köppen climate classification, itinatampok ng Medan ang klimang tropikal na maulang gubat (Af) at walang tunay na tagtuyo.[8] Gayunpaman, mapapansin ang mas-mabasa-basa at mas-matuyong mga buwan ang Medan. Sa katamtaman, ang pinakatuyong buwan nito na Pebrero ay nakararanas ng sangkatlong pag-ulan ng pinakabasang buwan na Oktubre. Pumapalo ang mga tempeartura ng lungsod sa 27 °C (81 °F) sa buong taon. Ang taunang pag-ulan aa Medan ay nasa 2,200 millimetro (87 pulgada).
Datos ng klima para sa Medan (Polonia), taas: 27 m or 89 tal, 1977–1994 | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 35 (95) |
36.1 (97) |
36.1 (97) |
37.2 (99) |
36.1 (97) |
37.2 (99) |
37.2 (99) |
37.2 (99) |
36.1 (97) |
35 (95) |
35 (95) |
34.4 (93.9) |
37.2 (99) |
Katamtamang taas °S (°P) | 31.6 (88.9) |
32 (90) |
32.7 (90.9) |
32.9 (91.2) |
33.4 (92.1) |
33.3 (91.9) |
32.9 (91.2) |
33.3 (91.9) |
31.9 (89.4) |
31.7 (89.1) |
31 (88) |
30.9 (87.6) |
32.3 (90.1) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 25.5 (77.9) |
26.12 (79.02) |
26.6 (79.9) |
27.2 (81) |
27.2 (81) |
26.9 (80.4) |
26.9 (80.4) |
26.9 (80.4) |
26.6 (79.9) |
26.1 (79) |
26.1 (79) |
25.8 (78.4) |
26.493 (79.693) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.2 (72) |
22.6 (72.7) |
23.2 (73.8) |
23.5 (74.3) |
23.3 (73.9) |
23.6 (74.5) |
23.5 (74.3) |
22.8 (73) |
22.2 (72) |
22.6 (72.7) |
23 (73) |
22.5 (72.5) |
22.9 (73.2) |
Sukdulang baba °S (°P) | 18.3 (64.9) |
18.3 (64.9) |
18.3 (64.9) |
19.4 (66.9) |
18.3 (64.9) |
17.2 (63) |
16.1 (61) |
18.3 (64.9) |
18.8 (65.8) |
17.7 (63.9) |
15.5 (59.9) |
18.3 (64.9) |
15.5 (59.9) |
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) | 92 (3.62) |
115 (4.53) |
97 (3.82) |
157 (6.18) |
178 (7.01) |
141 (5.55) |
167 (6.57) |
185 (7.28) |
263 (10.35) |
387 (15.24) |
253 (9.96) |
228 (8.98) |
2,263 (89.09) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 14 | 19 | 13 | 18 | 22 | 15 | 13 | 17 | 24 | 22 | 20 | 19 | 216 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 96 | 106 | 111 | 105 | 111 | 144 | 124 | 108 | 78 | 74 | 84 | 84 | 1,225 |
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[9] and Worldwide Bioclimatic Classification System (daily mean and record temperature)[10] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Deutscher Wetterdienst (sun, 1961–1990)[11][a] |
Mga paghahating pampangasiwaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Medan sa 21 mga distrito (Indones: kecamatan) na nakatala sa baba, at nahahati pa ang mga ito sa 151 mga neighborhood o nayon (kelurahan):[12][13]
- Medan Amplas
- Medan Area
- West Medan
- Medan Baru
- Medan Belawan
- Medan Deli
- Medan Denai
- Medan Helvetia
- Medan Johor
- Medan Kota
- Medan Labuhan
- Medan Maimun
- Medan Marelan
- Medan Perjuangan
- Medan Petisah
- Medan Polonia
- Medan Selayang
- Medan Sunggal
- Medan Tembung
- Medan Kualamu
- East Medan
- Medan Tuntungan
Batay sa mapa, nakagitna ang lungsod sa paligid ng Medan Petisah, Medan Baru, Medan Polonia, Medan Maimun, Medan Kota, at West Medan na nagsisilbing sentro ng lungsod. Ang Medan Labuhan ay isa sa pinakamalaking mga distrito ayon sa look maliban sa Medan Belawan at Medan Marelan na nasa hilagang bahagi ng lungsod. Nagsisilbing lugar papuntang rehensiya ng Karoland ang Medan Tuntungan, sa lungsod ng Binjai ang Medan Helvetia, at sa Tebing Tinggi at Pematang Siantar ang Langkat at Medan Amplas
Mga kambal at kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]May malakapatid na mga ugnayan ang Medan sa mga sumusunod na lungsod:[14]
- George Town, Penang, Malaysia (1984)[14]
- Ichikawa, Chiba, Hapon (1989)[14]
- Gwangju, Timog Jeolla, Timog Korea (1997)[14][15]
- Chengdu, Sichuan, China (2002)[14]
- Milwaukee, Wisconsin, Estados Unidos (2014)[16]
- Liverpool, Nagkakaisang Kaharian
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Station ID for Kualanamu Medan is 96035 Use this station ID to locate the sunshine duration
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Eldin resmi jadi Walikota Medan". 28 Hunyo 2014. Nakuha noong 10 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Jumlah Penduduk menurut Jenis Kelamin dan Kabupaten/Kota Sumatra Utara 2011-2016". Badan Pusat Statistik Provinsi Sumatra Utara (sa wikang Indones). 3 Oktubre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2019. Nakuha noong 8 Abril 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-18. Nakuha noong 2019-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-05. Nakuha noong 2019-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://books.google.co.id/books?id=MMaqCLchf9UC&pg=PT114&lpg=PT114#v=onepage&q&f=false
- ↑ Feriawan Hidayat (29 Marso 2015). "Enam Kota Asia Paling Trendi untuk Menetap". Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2015. Nakuha noong 5 Hulyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Analysis (2015). "Transport infrastructure a key part of Medan's development plans". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-10. Nakuha noong 2019-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Medan, Indonesia Köppen Climate Classification (Weatherbase)". Weatherbase. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Septiyembre 2015. Nakuha noong 4 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "World Weather Information Service–Medan". World Meteorological Organization. Nakuha noong 18 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Worldwide Bioclimatic Classification System. "INDONESIA - POLONIA". www.globalbioclimatics.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2019. Nakuha noong 20 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Station 96035: Kualanamu Medan". Global station data 1961–1990—Sunshine Duration. Deutscher Wetterdienst. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2017. Nakuha noong 18 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.pemkomedan.go.id Naka-arkibo 17 August 2004 sa Wayback Machine. Info Data Kota Medan Naka-arkibo 10 May 2014 sa Wayback Machine.
- ↑ http://www.bppt-pemkomedan.info Naka-arkibo 2014-02-28 sa Wayback Machine. Kondisi Geografis Medan Naka-arkibo 2014-03-04 sa Wayback Machine.
- ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 "Medan Menjalin Hubungan Kota Kembar Keempat". Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2007. Nakuha noong 10 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sister Cities – General Information – Gwangju Info :: Welcome to Gwangju Metropolitan City". Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2014. Nakuha noong 4 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "City will host Indonesian sister city signing ceremony Thursday" (online magazine, press release). onMilwaukee.com. 28 Oktubre 2014. Nakuha noong 16 Nobyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabay panlakbay sa Medan mula sa Wikivoyage
- Official Government website (sa Indones)
- Medanesia – Medan Forum (sa Indones)
Ranggo | Pangalan | Lalawigan | Pop. | Ranggo | Pangalan | Lalawigan | Pop. | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Jakarta Surabaya |
1 | Jakarta | Jakarta | 10,075,310 | 11 | Makassar | South Sulawesi | 1,429,242 | Bekasi Bandung |
2 | Surabaya | East Java | 3,457,409 | 12 | Bogor | West Java | 1,030,720 | ||
3 | Bekasi | West Java | 2,663,011 | 13 | Batam | Riau Islands | 1,030,528 | ||
4 | Bandung | West Java | 2,470,802 | 14 | Pekanbaru | Riau | 1,005,014 | ||
5 | Medan | North Sumatra | 2,191,140 | 15 | Bandar Lampung | Lampung | 960,695 | ||
6 | Depok | West Java | 2,033,508 | 16 | Padang | West Sumatra | 880,646 | ||
7 | Tangerang | Banten | 1,999,894 | 17 | Denpasar | Bali | 863,600 | ||
8 | Semarang | Central Java | 1,584,881 | 18 | Malang | East Java | 845,973 | ||
9 | Palembang | South Sumatra | 1,558,494 | 19 | Samarinda | East Kalimantan | 797,006 | ||
10 | South Tangerang | Banten | 1,492,999 | 20 | Banjarmasin | South Kalimantan | 666,223 |