Max Planck
Max Planck | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 23 Abril 1858 |
Kamatayan | 4 Oktobre 1947 | (edad 89)
Nasyonalidad | Aleman |
Nagtapos | Pamantasang Ludwig Maximilian ng Munich |
Kilala sa | Konstanteng Planck Postuladong Planck Batas ni Planck ng radyasyon ng katawang itim |
Parangal | Gantimpalang Nobel sa Pisika (1918) |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |
Institusyon | Pamantasan ng Kiel Pamantasan ng Berlin Pamantasan ng Göttingen Kaiser-Wilhelm-Gesellschaft |
Doctoral advisor | Alexander von Brill |
Doctoral student | Gustav Ludwig Hertz Erich Kretschmann Walther Meißner Walter Schottky Max von Laue Max Abraham Moritz Schlick Walther Bothe Julius Edgar Lilienfeld |
Pirma | |
![]() | |
Talababa | |
Siya ang ama ni Erwin Planck na pinarusahan ng kamatayan noong 1945 ng Gestapo dahil sa kaniyang pakikilahok sa tinatawag na sapakatang Hulyo 20 (ang balak na pagpaslang kay Adolf Hitler). |
Si Max Karl Ernst Ludwig Planck[1][2] (23 Abril 1858 – 4 Oktubre 1947) ay isang pisikong Aleman. Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel noong 1918 "bilang pagkilala sa kanyang mga serbisyong ibinigay sa pagsusulong ng pisika sa pamamagitan ng kanyang pagkakatuklas ng enerhiyang quanta". Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng teoriyang quantum at isa sa pinakamahalagang pisiko ng ika-20 dantaon. Si Planck ay nakagawa ng maraming mga ambag sa pisikang teoretikal ngunit siya ay pangunahing kilala sa kanyang papel bilang tagpagpasimula ng teoriyang quantum. Ang teoriyang ito ay nagpabago ng pagkaunawa sa mga prosesong atomiko at subatomiko kung paanong ang teoriya ng relatibidad ni Albert Einstein ay nagpabago ng pagkaunawa sa espasyo at panahon. Ang mga ito ay bumubuo ng pundamental na mga teoriya ng ika-20 siglong pisika. Ang mga ito ang nagtulak sa sangkatauhan na baguhin ang ilang mga pinakaiingatang paniniwalang pilosopikal nito at nagdulot ng mga aplikasyong pang-industriya at pang-hukbo na umaapekto sa maraming mga aspeto ng modernong pamumuhay.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Planck ay ipinanganak noong Abril 23, 1858, sa Kiel, Alemanya. Siya ay anak ni Julius Wilhelm Planck, isang propesor ng Konstitusyonal na Batas. Nag-aral si Planck sa Unibersidad ng Munich at Berlin, nakakuha ng kanyang titulo ng doktor sa pilosopiya noong 1879. Naglingkod siya bilang Privatdozent sa Munich mula 1880 hanggang 1885 at naging Associate Professor ng Teoretikal na Pisika sa Kiel hanggang 1889. Sa taong iyon, pinalitan niya si Gustav Kirchhoff bilang propesor sa Universidad ng Berlin, kung saan nagsilbi siya hanggang sa kanyang pagretiro noong 1926. Siya ay naging Pangulo ng Lipunang Kaiser Wilhelm para sa Pagpapalago ng Agham hanggang 1937 at hinirang na miyembro ng Akademiyang Prusyano ng mga Agham noong 1894, na kalaunan ay naging Permanenteng Kalihim nito noong 1912. Si Planck ay kilala sa kanyang mga pundasyong kontribusyon sa teoryang quantum, na inilathala sa Annalen der Physik. Binuod niya ang kanyang trabaho sa dalawang maimpluwensyang aklat: Thermodynamik (1897) at Theorie der Wärmestrahlung (1906). Bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa agham, siya ay nahalal na isang Dayuhang Miyembro ng Royal Society noong 1926 at natanggap ang Copley Medal noong 1928.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cline, Barbara Lovett. "Max Planck," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693
- ↑ Christoph Seidler (24 Abril 2008). "Gestatten, Marx Planck". Spiegel. Nakuha noong 2008-07-29.
- ↑ "Max Planck - Biographical". NobelPrize.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-15.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pisika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.