Pumunta sa nilalaman

Masahe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagmamasahe ng likod sa isang spa

Ang masahe ay paghagod o paghimas ng mga malambot na himaymay ng katawan, kabilang dito ang balat, kalamnan, at kasukasuan.[1][2] Karaniwang ipinangmamasahe ang mga kamay, daliri, siko, tuhod, baraso, paa o isang aparato.[3][4] Pampatanggal ng istres o sakit sa katawan ang mga karaniwang layunin ng masahe.[5][6] Masahista ang tawag sa mga taong nagpadalubhasa sa pagmamasahe.[7]

Sa mga sitwasyong propesyonal, minamasahe ang mga kliyente habang nakahiga sa lamesa, nakaupo sa silya, o nakahiga sa sinapinang sahig.[8] Samut't sari ang mga modalidad sa industriya ng pagmamasahe, kabilang dito ang (ngunit hindi limitado sa): pagdidiin sa kalamnan, pagsasaid ng kulani, medikal, pang-isport, integrasyong estruktural, Suweko, Taylandes at trigger point.[9]

Mga uri at pamamaraan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang akupresyon ay isang paraan na nahahawig sa akupungktura. Batay ito sa konsepto ng buhay-enerhiya na dumadaloy sa mga "meridyano" ng katawan. Sa masasheng ito, dinidiinan ang mga puntong akupungktura sa layuning malinis ang mga bara sa mga meridyanong iyon. Maaaring ipangdiin ang mga daliri, palad, siko, daliri ng paa o mga iba't ibang aparato.

Iminungkahi ng ilang medikal na pag-aaral na maaaring makatulong ang akupresyon sa paglutas ng pagduduwal at pagsusuka, sa pagbawas ng sakit sa sasapnan, ulo, tiyan, bukod sa iba pang mga bagay, bagama't napatunayang may mataas na posibilidad ng pagkiling ang mga naturang pag-aaral.[10]

Paaralan ng pagmamasahe sa Estonya na nagtuturo ng pagmamasaheng Suweko.

Ang pinakakilala at pinakakaraniwang kategorya ng pagmamasahe ang masaheng Suweko. Nag-iiba ang mga teknik sa masaheng Suweko mula magaan hanggang madiin.[11] Limang uri ng hagod ang ginagamit ng masaheng Suweko. Ang mga limang saligang hagod ang effleurage (pagdausdos), petrissage (pagmasa), tapotement (maindayog na pagtapik), pagdiin at pagyugyog.[12]

Inaakala na si Per Henrik Ling ang nagbuo ng masaheng Suweko, ngunit si Johann Georg Mezger, isang Olandes na praktisyoner, ang nagpangalan ng mga salitang Pranses sa mga saligang hagod.[13] Ginagamit lang ang "masaheng Suweko" o "Swedish massage" sa mga bansang nag-iingles at nag-oolandes, at sa Ungriya. Sa ibang lugar, tinatawag itong "masaheng klasiko".

Natuklasan ng mga klinikal na pag-aaral na ang masaheng Suweko ay nakababawas ng talamak na sakit, pagod,[14][15] paninigas ng kasukasuan at nakabubuti sa pagkilos ng mga pasyente na may osteoartritis sa tuhod.[16]

Paggamit sa medisina at terapiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pangunahing propesyonal na nagmamasahe sa panterapyutikang paraan ay mga masahista, tagapagsanay sa palakasan, terapistang pisikal at mga praktisyoner ng mga tradisyonal na Tsino at iba pang silanganing medisina. Nagtatrabaho itong mga praktisyoner sa mga iba't ibang tagpuang medikal at maaaring pumunta sa mga pribadong tirahan o negyoso.[17] Kabilang sa mga kontraindikasyon sa masahe ang namumuong dugo sa ugat, mga sakit sa dugo o pag-iinom ng warfarin, mga napinsalang daluyan ng dugo, nanghihinang buto mula sa kanser, osteoporosis, o nabaliang buto, at lagnat.[17]

Mga benepisyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagmamasaheng de-brotsa habang nakababad sa langis

Ipinakita ng mga nirepasong pananaliksik sa medisina na kabilang sa mga benepisyo ng pagmamasahe ang pampawala ng kirot, pagbawas sa pagkabalisa at depresyon, at pansamantalang pagbaba sa presyon ng dugo, pintig ng puso, at kabalisahan.[18] Ipinakita rin ng karagdagang pagsisiyasat ang agarang pagtaas at pagbilis ng paggaling ukol sa paggana ng mga kalamnan.[19] Kabilang sa mga teorya ng maaaring magawa ng pagmamasahe ang pinabuting regenerasyon at pagpapanibagong-hubog ng mga kalamnan sa buto,[20] paghaharang sa nosisepsyon,[21] pag-aaktiba sa parasimpatikong sistemang nerbiyos, na nagpapasigla sa paglabas ng mga endorpina at serotonina, na humahadlang sa fibrosis[22] o peklat, pagtataas ng daloy ng limpa, at pagpapabuti ng tulog.[17][23]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Masahe: monolingual Tagalog definition of the word Masahe" [Masahe: monolingguwal na kahulugan sa Tagalog ng salitang Masahe.]. www.tagalog.com. Nakuha noong 9 Abril 2024.
  2. Zerwekh, JoAnn (25 Oktubre 2018). Illustrated Study Guide for the NCLEX-RN® Exam E-Book: Illustrated Study Guide for the NCLEX-RN® Exam E-Book (sa wikang Ingles). Elsevier Health Sciences. p. 204. ISBN 978-0-323-54736-9.
  3. Behrens, Barbara J. (29 Setyembre 2020). Biophysical Agents: Theory and Practice [Mga Ahenteng Biyopisikal: Teorya at Gawa] (sa wikang Ingles). F.A. Davis. ISBN 978-1-7196-4300-9.
  4. Sous, Dr Mahmoud (19 Nobyembre 2021). HOLISTIC APPROACH TO YOUR HEALTH AND WELLNESS [PAMAMARAANG HOLISTIKO SA IYONG KALUSUGAN AT KABUTIHAN] (sa wikang Ingles). Writers Republic LLC. p. 1. ISBN 978-1-63728-998-3.
  5. "5 lợi ích sức khỏe mà massage đem lại". suckhoedoisong.vn (sa wikang Biyetnames). 13 Oktubre 2022. Nakuha noong 20 Marso 2024.
  6. Turk, Dennis C.; Winter, Frits (10 Marso 2020). The Pain Survival Guide: How to Become Resilient and Reclaim Your Life [Gabay na Makaligtas sa Kirot: Paano Maging Matatag at Bawiin ang Iyong Buhay] (sa wikang Ingles). American Psychological Association. ISBN 978-1-4338-3274-1.
  7. "masahista - Diksiyonaryo". www.tagalog.com. Nakuha noong 9 Abril 2024.
  8. Kumar, Parmod (2020-09-03). Sports Medicine, Physiotherapy and Rehabilitation (sa wikang Ingles). Friends Publications (India). p. 159. ISBN 978-93-88457-98-9.
  9. "MASSAGE THERAPHY ON SPORTS INJURIES" [PAGMAMASAHE SA MGA PINSALA SA ISPORT] (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Marso 2024.
  10. Lee EJ, Frazier SK (Oktubre 2011). "The efficacy of acupressure for symptom management: a systematic review" [Ang bisa ng akupresyon sa paglutas ng sintomas: isang sistematikong pagsusuri]. Journal of Pain and Symptom Management (sa wikang Ingles). 42 (4): 589–603. doi:10.1016/j.jpainsymman.2011.01.007. PMC 3154967. PMID 21531533.
  11. Braun MB (2008). Introduction to Massage Therapy [Panimula sa Pagmamasahe] (sa wikang Ingles) (ika-Third (na) edisyon). Lippincott Williams & Wilkins. p. 16.
  12. "Swedish Massage" [Masaheng Suweko] (sa wikang Ingles). Massagereister.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 September 2012. Nakuha noong 18 October 2013.
  13. Calver R. "Pages from history: Swedish massage" [Mga pahina mula sa kasaysayan: Masaheng Suweko] (sa wikang Ingles). Massage Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2007. Nakuha noong 25 Disyembre 2006.
  14. Sritoomma N, Moyle W, Cooke M, O'Dwyer S (February 2014). "The effectiveness of Swedish massage with aromatic ginger oil in treating chronic low back pain in older adults: a randomized controlled trial". Complementary Therapies in Medicine. 22 (1): 26–33. doi:10.1016/j.ctim.2013.11.002. PMID 24559813.
  15. Lovas J, Tran Y, Middleton J, Bartrop R, Moore N, Craig A (February 2017). "Managing pain and fatigue in people with spinal cord injury: a randomized controlled trial feasibility study examining the efficacy of massage therapy". Spinal Cord. 55 (2): 162–166. doi:10.1038/sc.2016.156. PMID 27897186.
  16. Perlman AI, Ali A, Njike VY, Hom D, Davidi A, Gould-Fogerite S, Milak C, Katz DL (Pebrero 2012). "Massage Therapy for Osteoarthritis of the Knee: A Randomized Dose-Finding Trial" [Pagmamasahe para sa Osteoartritis sa Tuhod: Isang Randomisadong Pagsubok sa Paghahanap ng Dosis]. PLOS ONE (sa wikang Ingles). 7 (2): e30248. Bibcode:2012PLoSO...730248P. doi:10.1371/journal.pone.0030248. PMC 3275589. PMID 22347369.
  17. 17.0 17.1 17.2 "Massage Therapy as CAM" [Pagmamasahe bilang CAM] (sa wikang Ingles). The National Center for Complementary and Integrative Health (NCCIH). 1 Setyembre 2006. Nakuha noong 26 Setyembre 2007.
  18. Moyer CA, Rounds J, Hannum JW (Enero 2004). "A meta-analysis of massage therapy research" [Isang meta-analisis ng pananaliksik sa pagmamasahe]. Psychological Bulletin (sa wikang Ingles). 130 (1): 3–18. CiteSeerX 10.1.1.509.7123. doi:10.1037/0033-2909.130.1.3. PMID 14717648.
  19. Dupuy O, Douzi W, Theurot D, Bosquet L, Dugué B (2018). "An Evidence-Based Approach for Choosing Post-exercise Recovery Techniques to Reduce Markers of Muscle Damage, Soreness, Fatigue, and Inflammation: A Systematic Review With Meta-Analysis" [Pagpipili ng Mga Teknik sa Paggaling Pagkatapos Mag-ehersisyo Batay sa Ebidensya upang Mabawasan ang Mga Pananda ng Pinsala, Pananakit, Pagod, at Pamamaga ng Kalamnan: Isang Sistematikong Pagsusuri na May Meta-Analisis]. Frontiers in Physiology (sa wikang Ingles). 9: 403. doi:10.3389/fphys.2018.00403. PMC 5932411. PMID 29755363.
  20. Miller BF, Hamilton KL, Majeed ZR, Abshire SM, Confides AL, Hayek AM, Hunt ER, Shipman P, Peelor FF, Butterfield TA, Dupont-Versteegden EE (Enero 2018). "Enhanced skeletal muscle regrowth and remodelling in massaged and contralateral non-massaged hindlimb" [Pinabuting regenerasyon at pagpapanibagong-hubog ng mga kalamnan sa buto sa minasahe at kontralateral na di-minasaheng biyas]. The Journal of Physiology (sa wikang Ingles). 596 (1): 83–103. doi:10.1113/JP275089. PMC 5746529. PMID 29090454.
  21. Chen L, Michalsen A (Abril 2017). "Management of chronic pain using complementary and integrative medicine" [Pagkakaya sa talamak na kirot gamit ang mga medisinang komplementaryo at integratibo]. BMJ (sa wikang Ingles). 357: j1284. doi:10.1136/bmj.j1284. PMID 28438745. S2CID 23149656.
  22. Bove GM, Harris MY, Zhao H, Barbe MF (Pebrero 2016). "Manual therapy as an effective treatment for fibrosis in a rat model of upper extremity overuse injury" [Terapiyang manu-mano bilang mabisang paggamot sa fibrosis sa isang modelong daga ng pinasala sa labis na paggamit ng braso]. Journal of the Neurological Sciences (sa wikang Ingles). 361: 168–80. doi:10.1016/j.jns.2015.12.029. PMC 4729290. PMID 26810536.
  23. Owais S, Chow CH, Furtado M, Frey BN, Van Lieshout RJ (Oktubre 2018). "Non-pharmacological interventions for improving postpartum maternal sleep: A systematic review and meta-analysis" [Di-paramalohikal na interbensiyon upang mapabuti ang postpartum na pagtulog ng ina: Isang sistematikong pagsusuri at meta-analisis]. Sleep Medicine Reviews (sa wikang Ingles). 41: 87–100. doi:10.1016/j.smrv.2018.01.005. PMID 29449122. S2CID 23827078.