Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Macedonia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Macedon)
Huwag ikalito sa Republika ng Hilagang Masedonya.
Macedonia
Μακεδονία
  • 808–168 BCE
  • 150–148 BCE
Araw na Vergina ng Macedon
Araw na Vergina
Kaharian ng Macedonia noong 336 BCE (kahel)
Kaharian ng Macedonia noong 336 BCE (kahel)
Kabisera
Karaniwang wikaSinaunang Macedoniano, Attic, Griyegong Koine
Relihiyon
Sinaunang relihiyong Griyego, Relihiyong Helenistiko
PamahalaanMonarkiya
Hari 
• 808–778 BCE
Caranus (una)
• 179–168 BCE
Perseus (huli)
LehislaturaSynedrion
PanahonKlasikong Antigidad
• Itinatag ni Caranus
808 BCE
512/511–493 BCE
492–479 BCE
359–336 BCE
338–337 BCE
335–323 BCE
323 BCE
322–275 BCE
168 BCE
Lawak
323 BC[4][5]5,200,000 km2 (2,000,000 mi kuw)
SalapiTetradrachm
Pinalitan
Pumalit
Mga Panahong Madilim na Griyego
Achaemenid Macedonia
League of Corinth
Imperyong Akemenida
Pauravas
Imperyong Lysimachiano
Imperyong Seleucid
Kahariang Ptolemaiko
Kahrian ng Pergamon
Macedonia province

Ang sinaunang kaharian ng Macedonia, kilala rin bilang Macedon o Macedonia lamang, o Imperyo ng Macedonia (mula sa wikang Griyegong Μακεδονία = Makedonίa) ay isang sinaunang kaharian sa hilaga ng sinaunang Gresya. Malapit dito ang kaharian ng Epirus (nasa kanluran nito) at Trasya (na nasa silangan nito). Matagal nang panahon ang nakakalipas, ito ang pinakamakapangyarihang kaharian sa Malapit sa Silangan at pangkasalukuyang Pakistan pagkaraang masakop ni Alejandro ang Dakila ang halos kalahatan ng mundong nakikilala sa Europa. Ito ang tinatawag na panahong Helenistiko (kabihasnang Helenistiko) sa kasaysayan ng Gresya. Sa paglaon, nasakop ito ng Imperyong Romano.

Ang Kaharian ng Macedonia ay itinatag at sa simula ay pinamunuan ng dinastiyang hari na Argead na sinundan ng mga dinastiyang Antipadrid at Antigonid]. Bago ang ika-4 siglo BCE, ang Macedonia ay isang maliit na kaharian sa laban ng mga lugar na sakop ng mga siyudad-estado ng Atenas, Sparta, Thebes, Gresya at sa maikling panahon ay nasa ilalim ng Imperyong Akemenida. Sa paghahari ng haring Argead na si Felipe II ng Argead(359–336 BCE), sinakop ng Macedonia ang panunahing lupain na Gresya at ang kahariang Odrysianong Thracian sa pamamagitan ng diplomasya. Sa isang binagong hukbo na mayroong mga phalanx, sinakop ni Felipe II ang mga matatandang kapangyariahan sa Atenas at These sa Labanan ng Chaeronea noong 338 BCE. Ang anak ni Felipe II na si Dakilang Alejandro na naguna sa isang pederasyon ng mga estadong Griyego ay nanguna sa buong Gresya nang wasakin niya ang Thebes pagkatapos itong maghimagsik. Sa mga sumunod na kampanya ni Dakilang Alejandro, pinabagsak niya ang Imperyong Akemenida at sinakop ang mga lugar hanggang sa Ilog Indus]. Sa isang maikling panahon, ang kanyang Kaharian ng Macedonia ay naging pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ito ay naglunsaad sa isang bagong panahong ng Sinaunang kabihasnang Griyego. Ang mga sining at panitikang Griyego ay yumabong sa mga sinakop na lupain at nagpaunlad sa pilosopiya, inhiyerya at siyensiya na kumalat sa buong mundo. Isa rito angmga kasulatan ni Aristoteles na nagturo kay Dakilang Alejandro na naging isang saligan sa Pilosopiyang Kanluranin. Sa kamatayan ni Dakilang Alejandro noong 323 BCE, nagkaroon ng digmaan ang Diadochi at ang paghahati ng Kaharian ni Dakilang Alejandro na Macedonia na naging sentro ng kultura at politika sa rehiyong Mediteraneo kasama ng Imperyong Seleucid, Kahariang Ptolemaiko at Kaharian ng Pergamon. Ang mga mahahalagang siyudad gaya ng Pella, Pydna, at Amphipolis ay nasangkot sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagkontrol sa teritoryong ito. Ang mga bagong siyudad ay itinatag gaya ng Thessalonica ng sumunggap sa tronong si Cassander. Ang pagbagsak ng Macedonia ay nagsimula sa mga Digmaan sa Macedonia at pag-akyat sa kapangyarihan ng Republikang Romano bilang nangungunang kapangyarihan sa rehiyong Mediterraneo. Sa wakas ng Ikatlong Digmaang Macedoniano noong 168 BCE, ang monarkiya ng Macedonia ay nabuwag at pinalitan ng mga estadong kliyenteng Romano. Ang isang maikling pagbuhay sa monarkiya sa Ikaapat na Digmaang Macedoniano noong 150–148 BCE ay nagwakas sa pagkakatatag ng probinsiyang Romano ng Macedonia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hatzopoulos 1996, pp. 105–106; Roisman 2010, p. 156.
  2. Engels 2010, p. 92; Roisman 2010, p. 156.
  3. 3.0 3.1 Sprawski 2010, pp. 135–138; Olbrycht 2010, pp. 342–345.
  4. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D. (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of World-Systems Research. 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. Nakuha noong 12 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D.". Social Science History. 3 (3/4): 121. doi:10.2307/1170959. JSTOR 1170959.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)