Pumunta sa nilalaman

Lillian Gish

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lillian Gish
Si Gish noong 1921
Kapanganakan14 Oktubre 1893(1893-10-14)
Kamatayan27 Pebrero 1993(1993-02-27) (edad 99)
Lungsod ng New York, Estados Unidos
TrabahoAktres[a]
Aktibong taon1902–1988
Magulang
Kamag-anakDorothy Gish (kapatid)
Pirma

Si Lillian Diana Gish (Oktubre 14, 1893 – Pebrero 27, 1993) ay isang Amerikanong aktres, na itinuturing na isa sa mga pangunahing indibidwal ng maagang industriya ng pelikula sa Estados Unidos. Tinaguriang ang "Unang Ginang ng Pelikulang Amerikano",[b] madalas siyang ihanay bilang isa sa mga pangunahing aktres ng panahon ng mga pelikulang tahimik.[1]

Gumanap si Gish sa mga pelikula ng direktor na si D.W. Griffith noong dekada 1920s. Bagamat una siyang umarte sa pelikulang maiksi na An Unseen Enemy (1912), nakilala ang kanyang pangalan dahil sa pagganap niya sa The Birth of a Nation (1915). Umani rin siya ng mga papuri mula sa kritiko para sa kanyang pagganap sa Intolerance (1915) at Broken Blossoms (1919). Noong 1920, dinirek niya ang kanyang kapatid para sa pelikulang Remodelling Her Husband. Lumipat siya sa Metro-Goldwyn-Mayer noong 1925, at doon, binigyang-laya siya ng istudyo para sa mga pelikulang ginanapan niya, katulad ng La Bohème (1926) at sa The Wind (1928), ang pinakahuling niyang pag-arte sa isang pelikulang tahimik.

Umarte rin si Gish sa mga pelikulang may tunog pagsapit ng dekada 1930s, mula sa pelikulang One Romantic Night (1930). Gayunpaman, bihira na lang siyang umarte at bumalik sa teatro. Nakakuha siya ng isang nominasyon para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres sa Gawad Academy para sa pelikulang Duel in the Sun (1946). Malaki rin ang kanyang mga pagganap para sa mga pelikulang Portrait of Jennie (1948), The Night of the Hunter (1955), A Wedding (1978) at Sweet Liberty (1986). Bukod sa pelikula at teatro, lumabas din siya sa mga teleserye sa telebisyon mula noong dekada 1950s. Huli siyang gumanap sa pelikulang The Whales of August (1987), kung saan nakatanggap siya ng mga papuri. Namatay siya noong 1993 dahil sa pagpalya ng puso, ilang buwan bago ang kanya sanang sentenaryo.

Itinuturing si Gish bilang isa sa mga prominenteng aktres noong panahon ng mga pelikulang tahimik. Ayon sa listahan ng American Film Institute, ika-17 siya sa pinakamahuhusay na aktres ng klasikal na pelikulang Amerikano.[2] Natanggap ni Gish ang isang honorary award mula sa Gawad Academy para sa kanyang mga kontribusyon sa industriya, at noong 1984, tinanggap niya ang Lifetime Achievement Award ng American Film Institute.

Si Lillian at Dorothy Gish noong 1903 kasama si Helen Ray. Unang gumanap ang magkapatid na Gish sa teatro bago sila pumasok sa mundo ng pelikula.

Ipinanganak si Lillian Gish noong ika-14 ng Oktubre 1893 sa lungsod ng Springfield sa Ohio, Estados Unidos. Siya ang panganay na anak nina James Leigh Gish at Mary Robinson McConnell. Kapatid niya si Dorothy, na naging isang sikat na aktres din.

Dahil sa pagiging lasinggero ng kanilang tatay, ang nanay nila ang sumuporta lamang sa kanila. Nag-debut sa pag-arte sa teatro si Gish noong 1902 kasama ng kapatid niya. Lumipat sila kalaunan sa Silangang St. Louis sa Illinois at nagtayo ng isang negosyo sa tabi ng isang teatro. Matapos masunog ang naturang teatro, lumipat sila sa lungsod ng New York, kung saan nakilala nila si Gladys Smith, na nagpajkilala sa kanila sa direktor na si D.W. Griffith.[1] Artista ni Griffith si Smith, na umaarte sa ilalim ng pangalang Mary Pickford, at sa tulong niya, pumirma ang magkapatid na Gish ng isang kontrata sa ilalim ng Biograph Studios.[3]

Si Gish sa pelikulang Broken Blossoms (1919), kasama si Richard Barthelmess.

Lumabas si Gish sa mga pelikulang maiiksi ni Griffith noong unang bahagi ng dekada 1910s, simula sa An Unseen Enemy (1912). Sa panahong ito, hindi ganong kalaki ang merkado para sa pelikula, kaya naman umarte pa rin ang magkapatid na Gish sa teatro. Gayunpaman, nagsimulang umusad ang career ni Lillian sa pelikulang The Birth of a Nation (1915). Lalo pa siyang nakilala sa mga sumunod na pelikula ni Griffith, tulad ng Intolerance (1915) at Broken Blossoms (1919). Partikular na pinuri siya ng mga kritiko sa kanyang estilo ng pag-arte.[1] Naranasan niya ang pagiging direktor para sa pelikulang Remodelling Her Husband (1920),[1] na pinagbidahan ng kapatid niya. Ito lang ang kanyang kaisa-isang pelikulang dinirek; ayon sa kanya sa isang panayam ukol rito, isang "panlalaking trabaho" ang pagdidirek ng pelikula.[3]

Lumago pa lalo ang career ni Gish sa dekada 1920s, kung saan umalis siya sa Biograph Studios noong 1922 at lumipat sa Metro-Golden-Mayer noong 1925.[1] Dito, nabigyang-laya si Gish na kontrolin ang takbo ng kuwento ng mga pelikulang pinaggaganapan niya, isang napakapambihirang pribilehiyo. Kabilang sa mga pelikulang may kontrol siya ay ang La Bohème (1926) at sa The Wind (1928), ang kanyang pinakahuling pelikulang tahimik.

Si Gish sa produksiyong Broadway na Uncle Vanya (1930).

Pagsapit ng mga pelikulang may tunog noong dekada 1930s, bihira na lang siyang lumabas sa mga pelikula, kumpara noong panahong ng mga pelikulang tahimik. Lumabas siya sa pelikulang One Romantic Night (1930), ang kanyang kauna-unahang kredit sa isang pelikulang may tunog. Sa panahong ito, bumalik muli si Gish sa teatro, kung saan umarte siya sa mga produksiyon ng Uncle Vanya (1930), Camille (1932), Hamlet (1936), at marami pang iba.[1] Bahagyang bumalik sa pelikula si Gish nung sumunod na dekada, una sa pelikulang The Commandos Strike at Dawn (1942), at partikular na sa Duel in the Sun (1946), kung saan siya nakatanggap ng isang nominasyon para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres mula sa Gawad Academy.

Si Gish sa kanyang apartment sa lungsod ng New York noong 1973.

Noong dekada 1950s, nagsimula ring lumabas si Gish sa mga teleserye at pelikulang pantelebisyon. Bagamat bihira na lang siyang lumabas sa mga pelikula mula sa puntong ito, naging adbokasiya niya ang pagtangkilik at pagpreserba sa mga pelikulang tahimik. Noong 1971, natanggap niya ang isang honorary award mula sa Gawad Academy para sa kanyang "superlatibong pag-arte at para sa mga naiambag niya sa paglago ng mga pelikula."[1][c] Noong 1984, siya ang pangalawang babaeng nakatanggap sa Lifetime Achievement Award ng American Film Institute. Huli siyang gumanap sa pelikulang The Whales of August (1987), kung saan nakatambalan niya si Bette Davis at umani siya ng mga papuri mula sa mga kritiko.[1]

Namatay siya noong ika-27 ng Pebrero 1993 sa edad na 99 sa lungsod ng New York, ilang buwan bago ang kanya sanang sentenaryo.[4]

Bago dekada 1930s

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pelikula Karakter Impormasyon
1912 An Unseen Enemy (Di-Makitang Kalaban) Kapatid na Babae maiksing pelikula
Two Daughters of Eve (Dalawang Anak ni Eba) Ekstra sa Teatro
So Near, yet So Far (Napakalapit, ngunit Napakalayo) Kaibigan
In the Aisles of the Wild (Sa mga Pasilyo ng Kagubatan) Batang Anak
The One She Loved (Ang Kanyang Minahal) di alam
The Painted Lady (Ang Pinintang Ginang) Belle sa Pista ng Sorbetes hindi na-credit; maiksing pelikula
The Musketeers of Pig Alley (Ang mga Musketero ng Pig Alley) Batang Babae maiksing pelikula
Gold and Glitter (Ginto at Kinang) Batang Babae
My Baby (Bebe Ko) di-alam
The Informer (Ang Impormante) ekstra
Brutality (Kalupitan) Nasa Teatro
The New York Hat (Ang Sumbrero ng New York) Kustomer ng Tindahan / Nasa Simbahan
The Burglar's Dilemma (Ang Problema ng Magnanakaw) Bumati sa May Kaarawan
A Cry For Help (Paghingi ng Tulong) Kasambahay
1913 Oil and Water (Langis at Tubig) Nasa Unang Audience hindi na-credit; maiksing pelikula
The Unwelcome Guest (Ang Di-Imbitadong Panauhin) Nasa Subastahan
A Misunderstood Boy (Ang Di Naintindihang Lalaki) Anak maiksing pelikula
The Left-Handed Man (Ang Lalaking Kaliwete) Anak ng Matandang Sundalo
The Lady and the Mouse (Ang Babae at ang Daga) Unang Anak
The House of Darkness (Ang Tahanan ng Kadiliman) Nars
Just Gold (Ginto Lang) Ang Sweetheart
A Timely Interception (Napapanahong Pagharang) Anak ng Magsasaka
A Mothering Heart (Ang Puso ng Ina) Batang Asawa
An Indian's Loyalty (Ang Katapatan ng Indiyano) Anak ng Rantsero
During the Round-Up (Habang Nagtitipon) Anak ng Rantsero
A Woman in the Ultimate (Ang Babae sa Pinakahuli) Verda
A Modest Hero (Isang Mapagkumbabang Bayani) Asawa
So Runs the Way (Kaya Tumatakbo ang Paraan) Asawa ni Fred
Madonna of the Storm (Ang Madonna ng Bagyo) Nanay
The Battle at Elderbush Gulch (Ang Labanan sa Elderbush Gulch) Melissa Harlow
The Conscience of Hassan Bey (Ang Konsensya ni Hassan Bey) Anak ng Gumagawa ng Basahan
The Little Tease (Ang Maliit na Tukso) Babaeng Naka-bandana
1914 The Green-Eyed Devil (Ang Demonyong May Berdeng Mata) Mary Miller
Judith of Bethulia (Judith ng Bethulia) Ang Batang Ina
The Battle of the Sexes Jane Andrews nawawalang pelikula
The Hunchback (Ang Kuba) Ang Ampon (sa Pagtanda) maiksing pelikula
The Quicksands (Ang Mga Kumunoy) di-alam
Home, Sweet Home (Tahanan, O Tahanan) Kasintahan ni Payne
Lord Chumley (Ginoong Chumley) Eleanor Butterworth maiksing pelikula
The Rebellion of Kitty Belle (Ang Rebelyon ni Kitty Belle) Kitty Belle
The Angel of Contention (Ang Anghel ng Pagtatalo) Nettie ang Anghel
Man's Enemy (Kalaban ng Tao) Grace Lisle
The Tear That Burned (Ang Luhang Nasunog) Anita ang Tamad
The Folly of Anne (Ang Katangahan ni Anne) Anne
The Sisters (Ang Magkapatid na Babae) May
1915 The Birth of a Nation (Ang Kapanganakan ng isang Bansa) Elsie
The Lost House (Ang Nawawalang Bahay) Dosia Dale nawawalang maiksing pelikula
Enoch Arden Annie Lee maiksing pelikula
Captain Macklin (Kapitan Macklin) Beatrice nawawalang maiksing pelikula
The Lily and the Rose (Ang Liryo at Ang Rosas) Mary Randolph maiksing pelikula
1916 Pathways of Life (Mga Daanan ng Buhay) di-alam
Daphne and the Pirate (Si Daphne at ang Pirata) Daphne La Tour
Sold For Marriage (Binenta para sa Kasal) Marfa
An Innocent Magdalene (Inosenteng Magdalena) Dorothy Raleigh nawawalang pelikula
Intolerance (Kawalang-paraya) Ang Babaeng Nag-uuga sa Duyan / Ina Walang-hanggan
Diane of the Follies (Si Diane ng mga Kalokohan) Diane nawawalang pelikula
The Children Pay (Ang mga Bata ang Nagbabayad) Millicent
The House Built Upon Sand (Ang Tahanang Itinayo sa Buhangin) Evelyn Dare nawawalang pelikula
1917 Souls Triumphant (Mga Kaluluwang Matagumpay) Lillian Vale
1918 Hearts of the World (Mga Puso ng Mundo) Marie Stephenson
The Great Love (Ang Dakilang Pag-ibig) Susie Broadplains nawawalang pelikula
Lillian Gish in a Liberty Loan Appeal (Si Lillian Gish sa isang Apela sa Utang sa Kalayaan) Bilang Siya
The Greatest Thing in Life (Ang Pinakadakilang Bagay sa Buhay) Jeannette Peret
1919 A Roamnce of Happy Valley (Romansa sa Masayang Lumbak) Jenie Timberlake
Broken Blossoms (Mga Nasirang Bulaklak) Lucy Barrows
True Heart Susie True Heart Susie
The Greatest Question (Ang Pinakamatinding Katanungan) Nellie Jarvis
1920 Way Down East (Bandang Silangan) Anna Moore
1921 Orphans of the Storm (Mga Ulila ng Bagyo) Henriette Girard
1923 The White Sister (Ang Puting Kapatid) Angela Chiaromonte
1924 Romola Romola
1925 Ben-Hur: A Tale of the Christ (Ben-Hur: Isang Kuwento ng Kristo) Manonood sa karera ng mga chariot cameo (hindi na-credit)
1926 La Bohème (Ang Bohimyano) Mimi
The Scarlet Letter (Ang Pulang Sulat) Hester Prynne
1927 Annie Laurie Annie Laurie
The Enemy (Ang Kalaban) Pauli Arndt bahagyang kumpleto
1928 The Wind (Ang Hangin) Letty Huling ginanapang pelikulang tahimik

Mula dekada 1930s

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pelikula Karakter Impormasyon
1930 One Romantic Night (Isang Gabing Romantiko) Prinsesa Alexandra Unang pagganap sa isang pelikulang may-tunog
1933 His Double Life (Kanyang Dobleng Buhay) Alice Hunter
1942 Commandos Strike at Dawn (Aatake ang mga Komando sa Takipsilim) Ginang Bergesen
1943 Top Man (Pinakaakmang Ginoo) Beth Warren Kilala rin sa pamagat na Man of the Family (Ang Ginoo ng Pamilya)
1946 Miss Susie Slagie's Miss Susie Slagie
Duel in the Sun (Duelo sa Araw) Laura Belle Nominado para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres ng Gawad Academy
1948 Portrait of Jennie (Larawan ni Jennie) Inang Maria ng Grasya
1955 The Cobweb (Ang Agiw) Victoria Inch
The Night of the Hunter (Gabi ng Mangangaso) Rachel Cooper
1958 Orders to Kill (Mga Utos na Pumatay) Ginang Summers
1960 The Unforgiven (Ang Di Pinatawad) Mattilda Zachary
1966 Follow Me, Boys! (Sundan Niyo Ako, Mga Lalaki!) Hetty Seibert
1967 Warning Shot (Babalang Putok) Alice Willows
The Comedians (Mga Komedyante) Gng. Smith
1969 Arsenic and Old Lace (Arseniko at Lumang Puntas) Martha Brewster pelikulang pantelebisyon
1976 Twin Detectives (Kambal na Detective) Billy Jo Haskins
1978 Sparrow (Maya) Balo
A Wedding (Isang Kasal) Nettie Sloan
1981 Thin Ice (Manipis na Yelo) Lola pelikulang pantelebisyon
1983 Hobson's Choice (Pinili ni Hobson) Bb. Molly Winkle
Hambone and Hillie (Hambone at Hillie) Hillie Radcliffe
1986 Sweet Liberty (Matamis na Kalayaan) Cecelia Burgess
1987 The Whales of August (Mga Balyena ng Agosto) Sarah Webber Huling pagganap sa pelikula

Labas sa pag-arte

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pelikula Posisyon Impormasyon
1920 Remodelling Her Husband (Pagmodelo Muli sa Asawa Niya) Direktor, manunulat ng iskrip
Taon Teleserye Episode Karakter Impormasyon
1949 The Ford Theatre Hour S1E6 "Outward Bound" (Papalabas) Ginang Midget
The Philco Television Playhouse S1E19 "The Late Christopher Bean" (Ang Yumaong Christopher Bean) Abby
1951 Celanese Theatre "The Joyous Season" (Ang Masayang Panahon) Sister Christina
Robert Montgomery Presents "Ladies in Retirement" (Mga Retiradong Ginang) di-alam
1952 Schlitz Playhouse of Stars S1E26 "The Autobiography of Grandma Moses" (Ang Awtobiograpiya ni Grandma Moses) Grandma Moses
1953 The Philco Television Playhouse "A Trip to Bountiful" (Paglalakbay sa Masagana) Carrie Watts
1954 Robert Montgomery Presents "The Quality of Mercy" (Ang Kalidad ng Awa) di-alam
The Campbell Playhouse "The Corner Druggist" (Ang Durugista sa Kanto) Bb. Harrington
1955 Kraft Television Theatre "I, Mrs. Bibb" (Ako, Gng. Bibb) Ginang Bibb
Playwrights '56 "The Sound and the Fury" (Ang Tunog at Galit) Ginang Compson
1956 Ford Star Jubilee S1E6 "The Day Lincoln Was Shot" (Ang Araw ng Pagbaril kay Lincoln) Mary Todd Lincoln
The Alcoa Hour S2E4 "Morning's At Seven" (Umaga'y Alas-siete) Esther Crampton
1960 The Play of the Week S1E25 "The Glass Harp" (Ang Alpang Salamin) Dolly Talbo
1962 The Defenders S2E14 "Grandma TNT" (Lola TNT) Laura Clarendon
1963 Mr. Novak S1E7 "Hello, Miss Phipps" (Kamusta, Bb. Phipps) Bb. Maude Phipps
Breaking Point S1E13 "The Gnu, Now Almost Extinct" (Ang Gnu, Ngayo'y Halos Ubos Na) Stella Manville
1964 The Defenders S3E34 "Stowaway" (Takas) Gng. Cooper
The Alfred Hitchcock Hour S9E32 "Body in the Barn" (Katawan sa Kamalig) Bessie Carnby
1981 The Love Boat S4E13 "The Successor" (Ang Susunod) Gng. Williams
1985 American Playhouse "Adventures of Huckleberry Finn" (Paglalakbay ni Huckleberry Finn) Gng. Loftus

Gawad Academy

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kategorya Pelikula Resulta
1946 Pinakamahusay na Pansuportang Aktres Duel in the Sun (Duelo sa Araw) Nominado
1971 Honorary Award Nanalo
  1. Naging direktor din at manunulat ng iskrip siya para sa pelikulang Remodelling Her Husband (1920).
  2. Ingles: First Lady of American Cinema
  3. Ingles: superlative artistry and for distinguished contribution to the progress of motion pictures
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 "Lillian Gish". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. "AFI's 100 YEARS…100 STARS" [100 TAON...100 BITUIN ng AFI]. American Film Institute (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 Charles Affron (March 12, 2002). Lillian Gish: her legend, her life [Lillian Gish: kanyang alamat, kanyang buhay] (sa wikang Ingles). University of California Press. ISBN 978-0-520-23434-5.
  4. Krebs, Albin (Marso 1, 1993). "Lillian Gish, 99, a Movie Star Since Movies Began, is Dead" [Patay Na si Lillian Gish, 99, isang Movie Star Simula Pa Noong Nagsimula ang Pelikula]. The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Abril 13, 2022.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.