Lilith
Si Lilith (Hebreo: לילית; lilit, o lilith) ang pangalang Hebreo ng isang pigura sa mitolohiyang Hudyo na pinakamaagang nabuo sa Talmud na Babilonyo. Siya ay pangkalahatang pinaniniwalaang hinango mula sa isang klase ng mga babaeng demonyo na Līlīṯu sa mitlohiyang Mesopotamiano na Asiryo at Babilonyo. Ang mga katagang lili at līlītu ay nangangahulugang mga espirito. Ang ki-sikil-lil-la-ke ay isinalin sa Si Gilgamesh at ang punong Huluppu na Lilith. Ang salitang Lilith ay binanggit sa Isaias 34:14.
Mga skrolyo ng Patay na Dagat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga skrolyo ng Patay na Dagat ay naglalaman ng isang reperensiya kay Lilith sa Mga Awit ng mga Pantas (4Q510-511) pragmento 1. Gaya ng tekstong Masoretiko ng Isaias 34:14 at hindi gaya ng plural na liliyyot o liliyyoth sa skrolyong Isaias 34:14 ng mga skrolyo ng Patay na Dagat , ang lilith sa 4Q510-511 ay singular. Ang tekstong ito ay nagbababala laban sa presensiya ng mga supernatural na masasama. Ito ay pinaniniwalaang isang imno ng eksorsismo.
Talmud
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong 3 reperensiya sa Lilith sa Babilonyong Talmud sa Gemara sa tatlong magkakahiwalay na Tractate ng Mishnah.
- Kung ang aborsiyon ay kamukha ni Lilith, ang ina nito ay hindi malinis sa kadahilanan ng kapanganakan sapagkat ito ay isang bata ngunit may mga pakpak. (Babylonian Talmud on Tractate Nidda 24b)
- Ang babae ay nagpapalago ng buhok tulad ni Lilith, umuupo kapag gumagawa ng tubig tulad ng hayop at nagsisilbing unan sa kanyang asawa. (Babylonian Talmud on Tractate Eruvin 100b)
- Ang isa ay hindi maaaring matulog sa bahay nang mag-isa at sinumang matutulog sa bahay nang mag-isa ay susunggaban ni Lilith. (Babylonian Talmud on Tractate Shabbath 151b)
Hudaismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Hudaismo, ang Alpabeto ni Ben Sira ay nagsasalaysay na si Lilith ang unang asawa ni Adan na nillikha sa parehong panahon (Rosh Hashanah) ng paglikha kay Adan. Ito ay salungat sa ikalawang asawa ni Adan na si Eba na nilikha mula sa isa sa tadyang ni Adan. Ang ideya na may mas nauna pa kay Eba ay matatagpuan rin sa Genesis Rabbah na maaring mas nauna pa sa Alpabeto ni Ben Sira. Ang kuwentong ito ay pinaniniwalaang nagmula sa pagtatangkang pagkasunduin ang mga magkasalungat na salaysay ng paglikha sa Genesis 1 at 2 na matagal nang nakikilala ng mga sinaunang Hudyo.
Ayon sa Genesis 1, nilikha muna ang mga ibon (ikalimang araw) at hayop bago likhain ang tao na lalake at babae (ikaanim na araw). Pagkatapos ng paglikha ng tao ay pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan (Genesis 1:31). "Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat."
Ayon sa Genesis 2, tila hindi pa tapos ang paglikha. Nilikha muna ang lalakeng si Adan bago likhain ang mga ibon at hayop (Gen. 2:19). Pagkatapos likhain ang ibon at hayop ay nilikha naman ang babaeng si Adan mula sa tadyang ni Adan.
Para sa mga sinaunang Hudyong rabbi, ang dalawang magkasalungat na salaysay ng paglikha sa Aklat ng Genesis 1 at 2 ay maipapaliwanag na ang Genesis 1 ay tumutukoy sa dalawang magkaibang paglikha.Para sa mga rabbi, ang Genesis 1 ay tumutukoy sa unang babae at ang Genesis 2 ay tumutukoy sa ikalawang babae na si Eba. Ang unang babae ay naging si Lilith sa Hudaismo.
Ayon sa Alpabeto ni Ben Sira, habang nililikhang mag-isa ng Diyos si Adan, hindi mabuti para sa tao na mag-isa. Kanya ring nilikha ang isang babae mula sa lupa gaya ng paglikha kay Adan at tinawag siyang Lilith. Agad na magsimulang mag-away sina Adan at Lilith. Sinabi ni Lilith na hindi siya hihiga sa ilalim ni Adam ngunit sa ibabaw lamang ni Adan. Sinabi ni Adan na hindi siya magpapailalim kay Lilith sapagkat siya ang superior. Tumugon si Lilith na sila ay pantay na parehong nilikha mula sa lupa. Hindi sila nakinig sa bawat isa. Nang makita ito ni Lilith, kanyang binigkas ang hindi mabibigkas na pangalan at lumipad sa hangin. Si Adan ay nanalangin sa maylalang at nagsabi sa Soberanya ng uniberso na ang babaeng ibinigay mo sa kanya ay lumayas. Ang maylalang ay nagpadala ng tatlong anghel upang ibalik si Lilith. Sinabi ng maylalang na kung papayag si Lilith na bumalik, ang ginawa ay mabuti. Kung hindi, pahihintulutan ni Lilith ang isang daang bata na mamatay araw araw. Iniwan ng mga anghel ang Diyos at hinabol si Lilith na kanilang naabutan sa gitna ng dagat na paglulunuran ng mga Ehipsiyo. Kanilang sinabi sa kanya ang sinabi ng Diyos ngunit hindi niya gustong bumalik. Sinabi ng mga anghel na lulunurin nila si Lilith sa dagat. Nakiusap si Lilith na iwanan nila siya at nagsabing siya ay nilikha lamang upang magsanhi ng sakit sa mga sanggol. Kung ang sanggol ay lalake, siya ay may dominyon sa kanya sa 8 araw pagkatapos ng kapanganakan at kung babae ay sa 20 araw. Nang marinig ito ng mga anghel, kanilang ipinilit na bumalik siya. Si Lilith ay sumupa sa pangalan ng Diyos na kapag nakikita niya sila o mga pangalan nila sa isang anting anting, siya ay walang kapangyarihan sa sanggol. Si Lilith ay pumayag na ang 100 bata ay mamatay araw araw. Ang 100 demonyo ay namamatay araw araw at sa parehong dahilan ay isusulat nila ang mga pangalan ng mga anghel sa mga anting anting ng mga bata. Kapag makikita ni Lilith ang kanilang mga pangalan, maaalala niya ang kanilang panunumpa at ang bata ay gagaling.