Likas na pagkatao
Ang likas na pagkatao (Ingles: human nature), na tinatawag ding kalikasan ng tao, ay kinabibilangan ng mga katutubo o taal na ugali at sariling mga katangian ng tao, o kaya ng mga katangiang kailangan o natatangi upang matawag ang isang nilalang bilang isang tao. Kabilang sa mga katangiang ito ang paraan ng pag-iisip, pagdama, at pagkilos na likas na taglay ng tao.
Kasama sa pinakamatatanda at pinakamahahalagang mga katanungan sa pilosopiyang kanluranin ang mga sumusunod: kung ano ang mga katangiang ito, kung ano ang nagdurulot ng mga ito, at kung paano nagaganap ang mga pagsasanhing ito, at kung gaano namamalagi o pirmihan ang likas na pagkatao. Ang mga tanong na ito ay may partikular na mahahalagang mga pagkakadawit sa larangan ng etika, politika, at teolohiya. Bahagyang dahilan nito ang maaaring ituring ang likas na pagkatao kapwa bilang isang napanggagalingan ng mga pamantayan ng kaasalan o mga paraan ng pamumuhay, pati na ang lumilitaw na mga balakid o mga pag-ampat sa pagkakaroon ng pagkakataong makapamuhay ng isang mabuting buhay.
Ang masasalimuot na mga implikasyon ng ganyang mga katanungan ay kinakaharap din sa sining at panitikan, habang ang maramihang mga sangay ng Araling Pantao ay sama-samang bumubuo ng isang mahalagang sakop ng pag-uusisa sa likas na pagkatao, at ang katanungan ng kung ano ang kahulugan ng pagiging isang tao. Ang mga sangay ng kapanabayang agham na may kaugnayan sa pag-aaral ng likas na pagkatao ay kinabibilangan ng antropolohiya, sosyolohiya, sosyobiyolohiya, at sikolohiya, partikular na ang sikolohiyang pang-ebolusyon at sikolohiyang pangkaunlaran. Ang tinatawag na ang pagtatalo hinggil sa "kalikasan laban sa pagpapalaki at pag-aalaga" ay isang malawak mapagsama at kilalang-kilalang pagkakataon ng isang talakayan hinggil sa likas na pagkatao sa mga likas na agham.
Pahapyaw na kasaysayan ng diwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang diwa ng kalikasan o kataalan ay isang pamantayan kung saan ang paggawa ng mga pagpapasya o paghahatol ay isang payak na pagpapalagay sa pilosopiyang Griyego. Partikular na ang pagtanggap ng "halos lahat" ng mga pilosopong klasikal na ang isang mabuting buhay ng tao ay isang buhay ayon sa kalikasan.[1]
Hinggil sa paksang ito, ang pagharap ni Socrates, na paminsan-minsang itinuturing bilang isang pagharap na teleolohikal, ay naging nangingibabaw pagsapit ng kahulihan ng mga kapanahunang klasikal at midyibal. Ang ganitong pagharap ay nakauunawa sa likas na pagktao ayon sa paghuli at pormal na mga sanhi (kawsalidad). Ang ganiyang mga pagkakaunawa sa kalikasan ng tao ay tumatanaw sa kalikasang ito bilang isang "ideya," o "porma" ng isang tao.[2] Ayon sa pagtalakay na ito, ang likas na pagkatao ay talagang nagsasanhi sa mga tao upang maging kung ano sila, at umiiral itong tila malaya sa indibidwal na mga tao. Ito naman ay paminsan-minsan nauunawaan bilang nagpapakita rin ng isang natatanging hugpungan sa pagitan ng likas na pagkatao at ng pagkadiyos (dibinidad o pagkabathala).
Subalit, ang pag-iral ng ganitong hindi nagbabagong likas na pagkatao ay isang paksa ng maraming pagtatalong nasa kasaysayan, na nagpatuloy sa makabagong kapanahunan. Laban sa ideyang ito ng isang pirmihang likas na pagkatao, ang kung tutuusin ay kalambutan ng tao ay natatanging mahigpit na pinagtalunan sa loob ng kamakailang mga daantaon — una ng maagang mga modernistang katulad nina Thomas Hobbes at Jean-Jacques Rousseau, at magmula noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ng mga palaisip na sina Hegel, Marx, Nietzsche, Sartre, mga estrukturalista at mga postmodernista.
Marami pang kamakailang mga pananaw na makaagham na katulad ng behaviorism, determinismo, at ang modelong kimikal sa loob ng modernong sikyatriya at sikolohiya, ang umaangkin bilang walang pinapanigan hinggil sa likas na pagkatao. Katulad ng sa lahat ng makabagong mga agham, naghahangad silang magpaliwanag na walang pagdulog o walang paghingi ng tulong magmula sa pagsasagawang o kasanhiang metapisikal. Maaari silang ialok na magpaliwanag ng pinagmulan at nakapasailalim na mga mekanismo ng likas na pagkatao, o kaya ay magpakita ng mga kakayahan para sa pagbabago at pagkakaiba-iba na maaaring walang katiyakang lumabag sa diwa ng isang pamalagiang likas na pagkatao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Strauss, Leo (1953), Natural Right and History, University of Chicago Press, p. 92:95
- ↑ Aristotle Metapisika, 1078b.