Ligtas na pagtatalik
Ang Ligtas na pakikipagtalik o tiwasay na pakikipagtalik ay isang gawaing seksuwal na nilalahukan ng mga tao na nagsasagawa ng mga pag-iingat laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted disease, mga STD) katulad ng AIDS.[1] Tinatawag din ito bilang mas ligtas na pakikipagtalik o seks na may proteksiyon, habang ang hindi ligtas, mapanganib o pagtatalik na walang pananggalang o proteksiyon ay isang gawaing seksuwal na kinalalahukan ng mga taong hindi nag-iingat. May ilang mga mapagkukunang mga babasahin na mas nais gamitin ang katagang katulad ng mas ligtas na pakikipagtatalik upang mas tumpak na maiharap o maisalamin ang katotohanang mas nababawasan ng mga gawaing ito, subalit hindi natatanggal ng lubusan, ang panganib ng pagkahawa sa sakit o karamdaman.[2] Sa kamakailang mga taon, ang katawagang "impeksiyong nakukuha sa pakikipagtalik" (sexually transmitted infections, mga STI) ay mas ninanais sa halip na katagang "sakit na nakukuha sa pakikipagtalik", dahil mayroon ang STI ng mas malawak na nasasakupang kahulugan; ang isang tao ay maaaring nahawa, at maaaring makahawa ng iba pa, na hindi nagpapakita ng mga tanda ng pagkakaroon ng karamdaman.
Naging mas tanyag ang mga gawaing pangligtas na pagtatalik noong hulihan ng dekada 1980 bilang resulta ng epidemya ng AIDS. Ang pagtataguyod ng ligtas na pagtatalik ay isa na ngayon sa mga layunin ng edukasyong pangpagtatalik. Itinuturing ang ligtas na pakikipagtalik bilang isang estratehiyang pambawas ng perhuwisyo (harm reduction) na nakatuon sa pagbabawas ng mga panganib.[3][4]
Hindi lubos ang pagbawas ng panganib ng ligtas na pagtatalik; halimbawa, ang nabawas na panganib sa tumatanggap na kapareha na mahawa ng HIV mula sa mga seropositibong mga katalik (mga kaparehang hindi positibo ang resulta sa pagsusuring pang-HIV) na hindi nagsusuot ng mga kondom na maihahambing sa kung nagsusuot sila ay tinatayang may kaantasang nasa apat hanggang limang ulit ang pagkakaiba ng antas ng kaligtasan o kapanganiban.[5]
Bagaman ang ilang mga gawaing pangligtas na pagtatalik ay maaaring gamitin bilang kontrasepsiyon, karamihan sa mga anyo o uri ng kontrasepsiyon ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa lahat o anumang mga impeksiyong nakukuha sa pakikipagtalik; gayun din, ilang mga gawaing pangligtas na pagtatalik, katulad ng pagpili ng katalik o kapareha at ugali o kaasalang pangseks na mababa ang panganib, ay hindi mabibisang mga uri ng kontrasepsiyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Compact Oxford English Dictionary, Oxford University Press, 2009, Pinuntahan noong 23/09/09". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-16. Nakuha noong 2011-12-14.
- ↑ "The American Heritage Dictionary of the English Language, ikaapat na edisyon, Houghton Mifflin Company, 2009, Napuntahan noong 23/09/09". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-29. Nakuha noong 2011-12-14.
- ↑ "Global strategy for the prevention and control of sexually transmitted infections: 2006 – 2015. Breaking the chain of transmission" (PDF). World Health Organization. 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-03-23. Nakuha noong 26 Nobyembre 2011.
- ↑ "STI Epi Update: Oral Contraceptive and Condom Use". Public Health Agency of Canada. 23 Abril 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-27. Nakuha noong 26 Nobyembre 2011.
- ↑ Vittinghoff E, Douglas J, Judson F, McKirnan D, MacQueen K, Buchbinder SP. (1999). Per-contact risk of human immunodeficiency virus transmission between male sexual partners. Am J Epidemiol. 150(3):306-11. PMID 10430236