Pumunta sa nilalaman

Lahmu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Laḫmu o Lache (Wikang Griyego, Λάχή) ay isang Diyos mula sa mitolohiyang Akkadiano.

Ang Lahmu o mabuhok ang pangalan ng isang nag-iingat at mapagkawanggawang Diyos na panganay na anak nina Abzu at Tiamat. Siya at ang kapatid na babaeng si Laḫamu ang mga magulang nina Anshar (Amang kalangitan) at Kishar (inang mundo) na nanganak sa mga Diyos ng panteon na Mesopotamiano. Si Laḫmu ay pinapakita bilang isang may balbas na lalake na may pulang sash-uKusarikku o Taong Toro. Sa mga panahong Sumeyro, ang Laḫmu ay maaaring nangangahulugang "ang isang maputik". Si Lahmu ay nagbantay sa mga tarangkahan ng templong Abzu nina Enki at Eridu. Siya at ang kanyang kapatid na si Laḫamu ay mga Diyos na primordial sa Enuma Elish at maaaring nauugnay sa Lahamu na isa sa mga nilalang ni Tiamat sa epiko.

Ang Bethlehem ay ipinangalan kay Lahmu o orihinal na tinawag na Beit Lahmu (Bahay ni Lahmu) noong ika-14 siglo BCE na binanggit sa mga Liham ng Amarna bago ang panahon ng paglitaw ng Israel.