Kitsune
Sa alamat na Hapones, ang Kitsune (狐, キツネ, IPA: [kʲi̥t͡sɯne̞] ( makinig), literal na salitang Hapon para sa soro) ay mga matatalinong soro na taglay ang kakayahang paranormal na nadaragdagan habang tumatanda at tumatalino sila. Ayon sa alamat ng yōkai, may kakayahan lahat ng soro na magbagong-anyo at maging tao. Habang may ilang mga alamat ang nagsasabing ginagawa ito ng kitsune upang linlanging ang iba—tulad ng ginagawa ng ibang mga soro sa alamat—nilalarawan sila ng ibang istorya bilang tapat na mga tagapagbantay, kaibigan at kasintahan.
Malapit na namuhay ang mga soro at tao sa sinaunang Hapon; nagdulot ang pagsasamang ito sa mga alamat tungkol sa mga nilalang na ito. Napakalapit na naiiugnay ang Kitsune sa kami o espiritu na Shinto na si Inari, at nagsilbing bilang mensahero nito. Pinagtibay ang gampanin na ito ang kahalagaan ng pagiging supernatural. Kapag mas madami ang buntot ng isang kitsune—na maaring dumami hanggang siyam—nagiging mas matanda, mas matalino, at mas makapangyarihan. Dahil sa kanilang potensyal at impluwensya, may ilang mga tao ang nag-aalay sa kanila bilang isang diyos.
Sa kabaligtaran, kadalasang nakikita ang mga soro bilang "mangkukulam na hayop," lalo noong mapamahiing panahong Edo (1603–1867), at inakala ang mga ito bilang goblin na hindi makakapagkatiwalaan (katulad ng ibang mga badyer o pusa).[1]
Mga pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga alamat mula sa Tsina na nagkukuwento ng mga espiritung soro na tinatawag na húli jīng (Tsino: 狐狸精) na maaring magkaroon ng buntot hanggang sa siyam. Nahiram ang konseptong ito ng mga espiritung soro sa kalinangang Hapones sa pamamagitan ng mga mangangalakal bilang kyūbi no kitsune (九尾の狐, lit. na 'sorong may siyam-na-buntot').[3] Marami sa pinakamaagang nanatiling kuwento ay naitala sa Konjaku Monogatarishū, isang ika-11 dantaon na koleksyong Hapones na pampanitikang salaysaying Hapomes, Tsino, at Indiyano.[4]
Sinabi ni Smyers (1999) na naipakilala ang ideya ng soro bilang mapang-akit at ang koneksyon ng mga mitong soro sa Budismo, sa alamat na Hapones sa pamamagitan ng mga istoryang Tsino, subalit pinapanatili na may ibang kuwentong soro ang naglalaman ng elemento na tangi lamang sa Hapon.[5]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi alam ang buong etimolohiya. Ang pinakalumang alam na paggamit ng salita ay sa tekstong Shin'yaku Kegonkyō Ongi Shiki, na pinetsahan noong 794. Kabilang sa iba pang lumang mapagkukunan ang Nihon Ryōiki (810–824) at Wamyō Ruijushō (c. 934). Nakasulat ang mga mapagkukunan na ito sa Man'yōgana, na malinaw na natutukoy ang pangkasaysayang anyo ng salita (kapag nilalarawan ito sa isang transliterasyon ng alpabetong Latin) bilang ki1tune. Kasunod ng ilang pagbabagong pamponolohiya diyakroniko, nagiging kitsune ito.
Maraming mungkahing pang-etimolohiya ang binagay, bagaman may pangkalahatang pagsang-ayon:
- Minungkahi ni Myōgoki (1268) na tinatawag na ganito ang mga ito dahil ito ay "laging (tsune) dilaw (ki)".
- Noong maagang panahong Kamakura, ipinapahiwatig ng Mizukagami na nangangahulugan ito na "dumating (ki) [perpekpetibong aspetong partikulong tsu] sa silid-tulugan (ne)", mula sa isang alamat na ang isang kitsune ay maaring maging babaeng tao ang anyo, pakasalan ang isang lalaki, at magkaroon ng anak.
- Minungkahi ni Arai Hakuseki sa Tōga (1717) na nangangahulugan ang ki na 'baho', partikulong mapang-angkin ang tsu, at may kaugnayan ang ne sa inu, ang salita para sa 'aso'.
- Minungkahi ni Tanikawa Kotosuga saWakun no Shiori (1777–1887) na nangangahulugan ang ki na 'dilaw', partikulong pang-angkin ang tsu, at may kaugnayan ang ne sa neko, ang salita para sa 'pusa'.
- Ipinanukala ni Ōtsuki Fumihiko sa Daigenkai (1932–1935) na nagmula ang salita sa kitsu, na isang onomatopeya para sa pagtahol ng isang soro, at ne, na maaring isang panggalang na tumutukoy sa isang tagapaglingkod ng isang dambana ni Inari.
- Minumungkahi din Nozaki na orihinal na onomatopeyiko ang salita: kinakatawan ng kitsu ang tahol ng soro at naging pangkalahatang salita para sa 'soro'; pinapahiwatig ng -ne ang mapagpamahal na kalooban.[6]
Lipas na ang salitang Kitsu; sa makabagong Hapones, isinusulat ang isang sigaw ng soro bilang kon kon o gon gon.
Iniuugnay ang isang malawak na kilalang pambayang etimolohiya ng salita[7] sa pagtulog at pag-uwi sa tahanan: sa klasikong Hapones, nangangahulugan ang kitsu-ne na 'umuwi at matulog', at nangangahulugan ang ki-tsune na 'laging umuuwi'.[8] Mukhang nakakabit ito sa isang partikular na kuwento; ito ang isa sa pinakalumang mayroon pang kuwentong kitsune,[7] at hindi tulad ng karamihan kung saan nagbabagong-anyo ang isang kitsune sa isang babaeng tao, hindi nagtatapos sa trahedya ang isang ito.[4][8] Mula sa salin ni Hamel:[7]
Ginugol ni Ono, isang residente ng Mino (sabi ng isang sinaunang alamat na Hapones noong A.D. 545), ang mga panahon na hinahanap-hanap ang kanyang huwaran ng magandang babae. Nakilala niya siya noong isang gabi sa isang malawak na kapatagan at pinakasalan siya. Kasabay ng kapanganakan ng kanyang anak, nanganak din ng tuta ang aso ni Ono na habang lumalaki at naging kaaway ng babae ng kapatagan. Nagmakaawa ang babae sa kanyang asawa na patayin ito, subalit tumanggi siya. Sa wakas, isang araw, inatake siya ng aso ng galit na galit na nawalan siya ng tapang, naging bulpino uli, tumalon sa isang bakod at tumakas.
"Maaring soro ka muli," tawag ni Ono sa kanya, "subalit ikaw ang ina ng aking anak at lagi kitang mamahalin. Maari kang bumalik kung nais mo; malugod na tatanggapin kita."
Kaya, bawat gabi, bumalik siya at natulog sa kanyang mga braso.
Naging ganoon ang etimolohiyang pambayan dahil nagbalik ang soro sa kanyang asawa tuwing gabi bilang isang babae subalit umaalis tuwing umaga bilang isang soro na tinatawag na kitsune.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Casal, U.A. The Goblin Fox and Badger and Other Witch Animals of Japan (sa wikang Ingles). Nanzan University Press. pp. 1–93.
- ↑ Yoshitori, Tsukioka. "from the series One hundred aspects of the moon" (sa wikang Ingles). National Gallery of Victoria, Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-26. Nakuha noong 2016-04-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wallen, Martin (2006). Fox (sa wikang Ingles). London: Reaktion Books. pp. 69–70. ISBN 9781861892973.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Goff, Janet (Abril 1997). "Foxes in Japanese culture: beautiful or beastly?" (PDF). Japan Quarterly (sa wikang Ingles). 44 (2).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smyers 1999, pp. 127–8 (sa Ingles)
- ↑ Nozaki 1961, p. 3 (sa Ingles)
- ↑ 7.0 7.1 7.2 Hamel 2003, p. 89 (sa Ingles)
- ↑ 8.0 8.1 Smyers 1999, p. 72 (sa Ingles)