Kapitan Ahab
- Huwag ikalito kay Ahab na naging hari ng Israel.
Si Ahab, na nakikilala rin bilang Kapitän Ahab (Captain Ahab), ay ang talagang maituturing bilang pangunahing tauhan sa kuwentong pinamagatang Moby-Dick na isinulat ng Amerikanong manunulat na si Herman Melville. Ang kuwento ng Moby-Dick ay tunay na tungkol kay Kapitan Ahab. Siya ay isang matandang mandaragat na ibinuhos ang panahon ng kaniyang buhay sa pagtatangka na mahuli ang malaking buhakag na ang pangalan ay Moby Dick. Naging isang obsesyon ni Kapitan Ahab ang paghuli kay Moby-Dick. Sa hulihan ng salaysay, nawasak ang barko ni Kapitan Ahab at iisang tao lamang ang nakaligtas.[1]
Si Ahab ay ang malupit na kapitan ng barkong Pequod na mayroong hangaring monomanyakal na patayin si Moby-Dick, ang buhakag puminsal sa kaniya habang nasa dalampasigan ng Hapon[2] noong panahon ng isang nakaraang paglalayag na panghuhuli ng buhakag. Bagaman isa siyang Quaker, naghahangad siya ng paghihiganti bilang paglabag sa nakikilalang pasipismo ng kaniyang relihiyon. Ang pangalan ni Ahab ay kapangalan ng isang tauhan sa Bibliya na masamang pinuno na sumasamba sa anito, na nasa Aklat ng mga Hari, at ang kaugnayang ito ang nag-udyok kay Ishmael na magtanong, pagkaraang unang marinig ang pangalan ni Ahab, ng ganito:
"Nang mapatay ang masamang haring iyan, hindi ba't dinilaan ng mga aso ang kaniyang dugo?"
— Moby-Dick, Kabanata 16. "The Ship" (Ang Barko)[3]
Nang punahin ni Ishmael ang lahat ng mga kaugnayan sa ganitong pangalan, binulyawan siya ng isa sa mga kasamahan ni Ahab, na nagbigay ng diin na "Hindi siya ang nagbigay ng pangalan sa kaniyang sarili."
Kaunting kabatiran lamang ibinigay hinggil sa buhay ni Ahab bago pa makatagpo si Moby-Dick, bagaman nalalaman na siya ay naulila habang nasa batang gulang. Habang tinatalakay kay Starbuck ang layunin ng kaniyang paglalakbay, ibinunyag na nagsimula siyang manghuli ng mga buhakag sa edad na 18 at nagpatuloy sa larangang ito sa loob ng 40 mga taon, na nangangahulugang siya ay mayroon nang 58 mga taong gulang[4] at naglagi lamang sa lupa nang mababa pa kaysa sa tatlong mga taon. Nabanggit din na mayroong siyang "asawang bata", na pinakasalan niya sa kahulihang bahagi ng kaniyang buhay, at mayroon silang isang anak na lalaki, subalit hindi binanggit ang kanilang mga pangalan.
Sa huli, inilagay ni Ahab sa panganib ang mga tauhan ng Pequod (maliban na lamang kay Ishmael) at tiyak na kamatayan dahil sa kaniyang pagkahumaling kay Moby-Dick. Habang nagaganap ang panghuling pagtugis, ipinukol ni Ahab ang kaniyang panghuling salapang habang isinisigawa ang tanyag na ngayong mga pananalita ng paghihiganti na:
…hanggang sa huli, nakikipagbuno ako sa iyo; magmula sa puso ng impiyerno, sinasaksak kit; para sa kamuhian, iniluluwa ko ang aking huling hininga sa iyo.
— Moby-Dick, Kabanata 135. "Ang Pagtugis.—Ikatlong Araw"[5]
Ang salapang o harpon ay sumabit at nalagak sa laman ni Moby-Dick, at si Ahab na na nasilo ng isang tali na nakakabit sa sarili niyang salapang na ito ay hindi magawang pakawalan ang sarili. Nahila at nakaladkad si Ahab ng nasaktang buhakag, papunta at pasisid sa loob ng malawig na kawalan at kalaliman ng dagat. Ang katangian ng kamatayan ni Ahab ay mayaman sa sagisag. Namatay siya dahil sa sarili niyang salapang, isa siyang biktima ng sarili niyang baluktot na kahumalingan at kagustuhang makapaghiganti. Sa kalaunan, winasak ng buhakag ang mga bangkang panghuli ng buhakag at ang mga tauhan nito, at pinalubog niya ang barkong Pequod.
Ang nakaganyak kay Ahab na tugisin si Moby-Dick ay ginalugad sa sumusunod na talata (isinalinwika mula sa orihinal na nasa wikang Ingles):
Lumangoy ang Puting Buhakag sa harapan niya bilang isang monomanyakong pagkakatawangtao (
— inkarnasyon) ng lahat ng mga ahensiyang malisyoso na nararamdaman ng ilang malalalim na mga tao na kumakain sa loob nila, hanggang sa maiwan silang nabubuhay na mabuhay na mayroong kalahati ng isang puso at kalahati ng isang baga. Ang ganiyang hindi mahihipo at hindi maunawaang masamang hangarin ay magmula pa noong simula; na sa nasasakupan nito ay itinatalaga ng mga Kristiyano ng makabagong panahon ang kalahatian ng mga daigdig; na pinapakundanganan ng sinaunang mga Opita ng silangan sa kanilang estatuwang dimonyo;—hindi nagpatihulog si Ahab at sinamba ito na katulad nila; subalit nahihibang na inilipat ang ideya nito sa napopoot na puting buhakag, isinabak niya ang kaniyang sarili, na sadyang luray na, laban dito. Lahat ng talagang nakapagngangalit at nakapagpapaligalig; lahat ng nakakapukaw ng latak ng mga bagay-bagay; lahat ng katotohanan na mayroong malisya (masamang hangarin) sa loob nito; lahat ng nakapaglalamat ng mga litid at nakapagpapatigas ng utak; lahat ng marurupok na mga kadimonyuhan (demonismo) ng buhay at isipan; lahat ng kasamaan, para kay Ahab na baliw, ay mga pangitain nagkatawangtao, at ginawang maging sadyang masasalakay kay Moby-Dick. Ibinunton niya sa umbok ng puting buhakag ang katuusan ng lahat ng pangkalahatang kapootan at kamuhian na nararamdaman ng kabuoan ng kaniyang lahi magmula kay Adan at pasulong pa; at pagkaraan, na parang ang dibdib niya ay naging isang dikdikan, isinambulat niya ang balot ng kaniyang pusong nagniningas sa ibabaw nito., Moby-Dick, Chapter 41. "Moby Dick"[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS MOBY DICK?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 78. - ↑ Melville p. 159
- ↑ "Chapter 16. The Ship". Project Gutenberg. Nakuha noong Agosto 11, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Melville p. 620
- ↑ "Chapter 135. The Chase.—Third Day". Project Gutenberg. Nakuha noong Agosto 11, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chapter 41. Moby Dick". Project Gutenberg. Nakuha noong Agosto 11, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.