Kali Yuga
Ang Kali Yuga (Devanāgarī: कलियुग Padron:IPA-sa, literal na "Panahon ng demonyong Kali", o "panahon ng bisyo") ang huli sa mga apat na yugto na pinagdadaanan ng mundo bilang bahagi ng siklo ng mga yuga na inilalarawan sa mga kasalutang Hindu. Ang ibang mga panahon ang Satya Yuga, Treta Yuga atDvapara Yuga. Ang tagal at pasimula sa kasaysayan ng sangkatauhan ng Kali Yuga ay nagpalitaw sa iba't ibang mga interpretasyon. Ayon sa Surya Siddhanta, ang Kali Yuga ay nagsimula ng hating gabi (00:00) noong 18 Pebrero 3102 BCE[1] sa proleptikong Kalendaryong Huliyano o 14 Enero 3102 BCE sa proleptikong Kalendaryong Gregoriyano. Ang petsang ito ay itinuturing rin ng maraming mga Hindu na araw nang lumisan ang Panginoong Krishna sa mundo upang bumalik sa kanyang tahanan. Maraming mga interpeter ng mga kasulatang Hindu ay naniniwalang ang planetang mundo ay kasalukuyang nasa panahong Kali Yuga. Ang ibang mga may akda gaya nina Swami Sri Yukteswar,[2] and Paramhansa Yogananda[3] ay naniniwalang ngayon ay isang tumataas na Dvapara Yuga na nagpapakitang ang mga lebel ng mga siklo sa loob ng bawat pangunahing panahong Yuga bilang nasa pag-unlad na ang mga mas maliliit na siklo sa loob ng mga siklo ay kalaunang hahantong sa buong pag-unlad ng mga kalidad ng mga panahon. Ayon kay Aurbindo Ghosh, ang Kali Yuga ay tapos na ngayon. Ang Kali Yuga ay minsang naiisip na tatagal ng 432,000 taon bagaman ang ibang mga panahon ng pagtagal ay iminungkahi rin.[4]
Ang mga Hindu ay naniniwalang ang kabihasnan ng sangkatauhan ay espiritwal na babagsak sa panahong Kali Yuga[5] na tinutukoy na Panahon ng Kadiliman dahil ang tao ay malayo sa Diyos. Ang Hinduismo ay kadalasang simbolikong kumakatawan sa moralidad (dharma) bilang isang toro. Sa Satya Yuga na unang yugto ng pag-unlad, ang toro ay may apat na mga hita ngunit sa bawat panahon ng moralidad ay nababawasan sa isang apat. Sa panahon ng kali, ang moralidad ay mababawasan sa isa lamang isang-apat ng ginintuang panahon kaya ang toro ng Dharma ay may isa lamang hita.[6][7]
Ang Kali Yuga ay nauugnay sa Apokaliptikong demonyong si Kali. Ito ay hindi dapat ikalit sa diyosang si Kālī. Ang "Kali" ng Kali Yuga ay nangangahulugang "sigalutan, alitan, pag-aaway".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Induand the Rg-Veda, Page 16, By Egbert Richter-Ushanas, ISBN 81-208-1405-3
- ↑ The Holy Science, by Jnanavatar Swami Sri Yukteswar Giri, Yogoda Sat-Sanga Society of India, 1949
- ↑ Yogananda, Paramhansa. Autobiography of a Yogi. BiblioBazaar. pp. 200–201. ISBN 978-0-554-22466-4.
- ↑ See the article René Guénon, in particular the section on the Hindu doctrine of cosmic cycles: René Guénon#Hindu doctrine of cosmic cycles.
- ↑ Dimitri Kitsikis, L'Orocc, dans l'âge de Kali, Editions Naaman,1985, ISBN 2-89040-359-9
- ↑ "The Mahabharata, Book 3: Vana Parva: Markandeya-Samasya Parva: Section CLXXXIX". Sacred-texts.com. Nakuha noong 2013-01-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bhāgavata Purāṇa 1.16.20