Kalansay ng tao
Ang kalansay ng tao ay kapwa binubuo ng mga pinagsanib at nag-iisang mga butong sinusuportahan at tinutulungan ng mga ligamento, tendon, laman at kartilahiyo. Nagsisilbi ito bilang balangkas na sumusuporta sa mga organo, angkla ng mga masel, at pumapananggalang para sa mga organong katulad ng utak, mga baga at puso.
Ang pinakamahaba at pinakamigat na buto sa loob ng katawan ay ang femur, at ang pinakamaliit ay ang stapes na nasa loob ng panggitnang tainga. Sa isang may-gulang na tao, binubuo ang kalansay ng 20 bahagdan ng kabuuang timbang ng katawan.
Kinabibilangan ang mga pinagsanib na mga buto ng balakang at kranyo. Hindi lahat ng mga buto ay tuwirang magkakaugnay: may anim na buto sa loob ng panggitnang tainga na silang tinatawag na mga osikel (tatlo sa bawat gilid) na kaugnay lamang ng bawat isa. Ang butong hyoid, na nakalagay sa loob ng leeg at nagsisilbi bilang pinakakabitan ng dila, ay hindi kaugnay ng kahit na anong ibang mga buto sa loob ng katawan, sapagkat sinusuportahan ng mga masel at mga ligamento.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Human skeleton " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.