Johnston
Kategorya | Sans-serif |
---|---|
Klasipikasyon | Humanista |
Mga nagdisenyo | Edward Johnston |
Petsa ng pagkalikha | 1916 |
Mga baryasyon | New Johnston Johnston Delf Smith Johnston 100 P22 Underground ITC Johnston |
Kilala din bilang | Underground, Johnston's Railway Type |
Ang Johnston (o Johnston Sans) ay isang sans serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni at ipinangalan kay Edward Johnston. Kinimisyon ang paggawa nito noong 1913 ni Frank Pick, komersyal na tagapamahala ng Underground Electric Railways Company of London (kilala din bilang 'The Underground Group'), bilang bahagi ng kanyang balak na patatagin ang identidad ng kompanya.[1] Original na nilikha ang Johnston para sa imprenta (na may isang planadong taas na 1 pulgada o 2.5 sentimetro), ngunit mabilis itong nagamit para sa mga karatulang enamel sa himpilan ng mga sistemang Underground (o sa ilalim ng lupa).[2]
Bilang pangkorporasyong tipo ng titik, hindi na ilabas ang Johnston sa publikong lisenya hanggang sa kamakailan lamang, at sa gayon, mas naging malawak ang paggamit ng Gill Sans.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Green, Oliver; Rewse-Davies, Jeremy (1995). Designed for London: 150 years of transport design (sa wikang Ingles). London: Laurence King. pp. 81–2. ISBN 1-85669-064-4.
- ↑ Howes, Justin (2000). Johnston's Underground Type (sa wikang Ingles). Harrow Weald, Middlesex: Capital Transport. pp. 36–44. ISBN 1-85414-231-3.
- ↑ "Font Designer – Edward Johnston" (sa wikang Ingles). Linotype GmbH. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-15. Nakuha noong 2007-11-05.