Pumunta sa nilalaman

Jason Moore

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jason Moore
Kapanganakan1984/1985 (gulang 39–40)
NasyonalidadAmerikano
Kilala saPagsusulat at pamamatnugot sa Wikipedia

Si Jason Moore (ipinanganak noong 1984 o 1985 ) ay isang Amerikanong patnugot ng Wikipedia na isa sa mga pinakaaktibong taga-ambag ng Wikipediang Ingles ayon sa bilang ng pamatnugot . Namamatnugot mula noong 2007 sa taguring "Another Believer ", siya ay nagpakadalubhasa sa pagsusulat tungkol sa mga kaganapang pankasalukuyan, na sumasaklaw at kabilang na ang pandemyang COVID-19, mga mga protesta tungkol kay George Floyd, at ang kalinangan ng Portland, Oregon, na kung saan siya namamalagi. Sa Wikipedia, si Moore ay lumikha at bumuo ng mga lipon ng mga tagapatnugot para sa magkasanib na gawain sa mga paksang ito. Bilang tagapag-ayos sa kilusang Wikimedia, nagtanghal si Moore ng mga pagkikita-kita at ng mga edit-a-thon upang ipagsanay ang mga bagong tagapatnugot.

Si Moore ay kabilang sa mga pinakaaktibong tagapatnugot ayon sa bilang ng pamatnugot sa Wikipediang Ingles.[1][2] Sa kabuuan ng kanyang kalahating milyong mga pamamatnugot [3] sa pangalang bansag na "Another Believer" [4] mula noong 2007, [5] Si Moore ay lumikha ng libu-libong pahina, kabilang na ang mga artikulo tungkol sa mga kasalukuyang mga pangyayari, likas na kalamidad, at mga pagsalakay ng mga terorista. Kabilang sa ilan sa mga artikulong ito ang 2021 Pagsalakay sa Kapitolyo ng Estados Unidos, ang 2022 Pamamaril sa Buffalo, at ang 2022 Pamamaril sa Laguna Woods. [6] Sa Wikipediang Ingles, si Moore ay gumawa ng mga lipon ng mga tagapatnugot ("WikiProjects") na nakatutok patungo sa sa paglilinang at pagpapabuti ng saklaw ng Wikipedia sa mga pangkasalukuyang pangyayari, katulad na lamang ng pandemya ng COVID-19. [7] Sa kasagsagan ng COVID-19, naitala at naisulat niya ang lumalala na pag-abot ng pandemya sa maraming estado ng Amerika, at ng mga bahagi ng pananalakal, at pamayanan nito. [8] Siya ay isang pangunahing tagapag-ambag sa mga artikulo tungkol sa mga protesta kasunod ng pagpatay kay George Floyd. [9] Sa pagsisimula ng pagpasok ng mga manggugulo sa pagsalakay sa Kapitolyo ng Estados Unidos noong 2021, pinangasiwaan niya, at ng marami pang mga tagaambag at patnugot ang pagdagsa ng bagong nilalaman ng lathala habang nangyari ang mga pangyayari sa kasagsagan nito. [10]

Si Moore sa isang Art+Feminism edit-a-thon sa Portland, Oregon, noong 2016

Nagsulat din siya tungkol sa mga paksa sa Portland, Oregon, tulad ng pangkabayong singsing, rosas, ang Yale Union Laundry Building, at ang talang 2011 Oregon Symphony Music for a Time of War. [11] Ang unang itinampok na artikulo ni Moore ay tungkol sa 2007 album na Rufus Does Judy sa Carnegie Hall. [12] Inilarawan niya ang kanyang pagkakahimok bilang "ang kagyat na kasiyahan sa pagpapabuti ng Internet sa napakadaling paraan" at ang kagalakan ng "pagbabahagi ng impormasyon sa mundo". [13] Inilarawan ng CNN Business si Moore bilang isang "influencer ng Wikipedia".

Maliban sa pamamatnugot, lumahok si Moore sa pagbuo ng kilusang Wikimedia sa pamamagitan ng pagtaguyod ng pagsasaayos ng mga lokal na pagkikita-kita at pagsasanay ng mga bagong tagapatnugot. Ang isang edit-a-thon noong 2013 na pinagayos niya sa Portland Art Museum [14] [15] ay nag-imbita sa mga tao na gumamit ng mga mapagkukunang institusyonal upang mapagpabuti ang kasaklawan tungkol sa mga lokal na alagad ng sining, mga samahan ng sining, at pampublikong sining. [16] Nagpatuloy siya sa pagtanghal ng mga pangyayari sa kapookan ng Portland, lalo na upang mapagpabuti ang saklaw ng Wikipedia sa mga sining ng Portland at mga babaeng alagad ng sining. [17] [18] Tumulong din si Moore na mapagpakaayos ang isang kaanib na outreach para sa LGBT ng Wikimedia Foundation at ang Wiki Loves Pride na kampanya nito upang mapabuti ang kalinangan ng LGBT at saklaw na kasaysayan na ugnay nito.

Buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Moore ay naipanganak noong 1984 o 1985. [19] Lumaki sa Houston, nagalak siya sa pagbasa ng mga libro at mga proyekto sa agham bilang isang mag-aaral. [20] Siya ay namamalagi sa Portland, sa 2022, kung saan siya ay nagtrabaho bilang isang digital strategist. [21] Noon ay nagtrabaho siya sa kagawaran ng pangangalap ng pondo ng Simponya ng Oregon. [22]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gedye, Grace (Pebrero 4, 2021). "When the Capitol Was Attacked, Wikipedia Went to Work". Washington Monthly. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 2, 2021. Nakuha noong Pebrero 4, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pasternack, Alex (Enero 14, 2021). "As a mob attacked the Capitol, Wikipedia struggled to find the right words". Fast Company. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2021. Nakuha noong Enero 14, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pasternack, Alex (Enero 14, 2021). "As a mob attacked the Capitol, Wikipedia struggled to find the right words". Fast Company. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2021. Nakuha noong Enero 14, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Vázquez, Karelia (Nobyembre 28, 2020). "¿Y tú te fiarías de la Wikipedia en 2020?". El País (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 21, 2022. Nakuha noong Hunyo 1, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Pasternack, Alex (Enero 14, 2021). "As a mob attacked the Capitol, Wikipedia struggled to find the right words". Fast Company. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2021. Nakuha noong Enero 14, 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Hallett, Alison (Oktubre 11, 2013). "Wikipedia Edit-a-Thon Aims to Improve Crowd-Sourced Local Arts Coverage". Portland Mercury. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 6, 2015. Nakuha noong Marso 11, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Stabler, David (Oktubre 9, 2013). "Reel Music Festival, a Wiki edit-athon, August Wilson Monologue Competition: arts roundup". The Oregonian. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2019. Nakuha noong Abril 2, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Hallett, Alison (Oktubre 16, 2013). "Oregon Arts Project: A Wiki-Based Approach to Local Arts Coverage". Portland Mercury. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 5, 2015. Nakuha noong Marso 12, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Hallett, Alison (Enero 15, 2014). "Wikipedia Arts + Feminism Edit-a-Thon". Portland Mercury. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 18, 2015. Nakuha noong Marso 18, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Solomon, Molly (Marso 18, 2017). "Portland Edit-a-Thon Aims to Close Wikipedia Gender Gap". Oregon Public Broadcasting. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 19, 2017. Nakuha noong Marso 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Andrews, Travis M. (Agosto 7, 2020). "Covid-19 is one of Wikipedia's biggest challenges ever. Here's how the site is handling it". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2020. Nakuha noong Agosto 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Harrison, Stephen (Mayo 27, 2020). "Future Historians Will Rely on Wikipedia's COVID-19 Coverage". Slate. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]