Pumunta sa nilalaman

Isamu Noguchi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Isamu Noguchi noong 1941.

Si Isamu Noguchi (野口 勇, Noguchi Isamu, 17 Nobyembre 1904 - 30 Disyembre 1988) ay isang bantog na Hapones-Amerikanong alagad at artista ng sining, at arkitektong pangtanawing panglupain, na sumasaklaw ang larangang pangsining sa loob ng anim na mga dekada magmula dekada ng 1920 pasulong.[1] Kilala dahil sa kanyang paglililok at mga pagawaing-bayan, nagdisenyo rin si Noguchi ng mga tagpuang pang-entablado para sa sari-saring mga produksiyo at kompanyang pangsayaw ni Martha Graham mula 1935 hanggang 1936 at mula 1944 hanggang 1946.[2] , at ilang mga pangmaramihang produksiyon ng mga lampara at mga piraso ng mga muwebles, na ang ilan ay ginagawa at ipinagbibili pa rin magpahanggang ngayon.

Ipinanganak si Noguchi sa Los Angeles, California. Nagwagi siya sa isang paligsahan para sa eskulturang nakaalsa o nakaumbok sa Gusali ng Associated Press, Sentro ng Rockefeller, Bagong York, Bagong York, noong 1938. Nagsagawa siya ng maraming paglalakbay sa bansang Hapon. Nakaimpluwensiya ang mga pagbibiyaheng ito sa kanyang mga gawa, na naging kumbinasyon ng mga kalingangang Silanganin at Kanluranin. Nag-eksperimento siya hinggil sa mga pagsasama-sama ng kahoy at bato.[2]

Iba pang mga gawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang din sa kanyang mga nagawang panglarangan ng eskultura ang Aklatan ng Pinakakaingat-ingatan mga Aklat ng Yale (Yale Library of Precious Books sa Ingles) at ang gusali ng UNESCO sa Paris, Pransiya.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brenson, Michael. "Isamu Noguchi, the Sculptor, Dies at 84", New York Times. 31 Disyembre 1988.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Isamu Noguchi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 445.


TalambuhayArkitekturaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Arkitektura at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.