Pumunta sa nilalaman

Inhinyeriyang pangkapaligiran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang inhinyeriyang pangkapaligiran ay ang paglalapat ng mga prinsipyo ng agham at ng inhinyeriya upang mapainam ang likas na kapaligiran (ang napagkukunan ng hangin, tubig, at/o lupa), upang makapagbigay ng mas malinis na tubig, hangin, at lupa para sa paninirahan ng mga tao at para sa iba pang mga organismo, at upang malinis at magamit muli ang mga lugar na mayroong polusyon. Kinasasangkutan ito ng pamamahala ng maduduming mga tubig (polusyon ng tubig) at pagkontrol ng polusyon ng hangin, pagreresikla, tamang pagtatapon ng tubig, proteksiyon mula sa radyasyon, kalinisang pang-industriya, pagpapatuloy sa pag-iral ng kapaligiran, at mga paksang may kaugnayan sa kalusugan ng publiko pati na ang kaalaman sa batas na pang-inhinyeriyang pangkapaligiran. Kinabibilangan din ito ng mga pag-aaral ng epekto sa kapaligiran ng iminumungkahing mga proyektong pangkonstruksiyon.

Ang mga inhinyerong pangkapaligiran ay nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa pamamahala ng basura upang masiyasat at matantiya ang kahalagan ng ganiyang mga panganib sa kalusugan, sa pagpapayo sa paglulunas at pag-iimbak, at sa pagpapaunlad ng mga patakaran upang maiwasan ang mga pagkakamali. Nagdidisenyo rin ang mga inhinyerong pangkapaligiran ng mga sistema na para sa puripikasyon ng tubig na maiinom at mga pagtrato sa maruruming tubig mula sa mga industriya[1][2] pati na ang pagharap sa lokal at pambuong mundo na mga paksang pangkapaligiran, katulad ng mga epekto ng ulang asido, pag-init ng daigdig, pagkaunti ng osona, polusyon ng tubig at polusyon ng hangin magmula sa mga buga ng automobil at mga pinagmumulang industriya.[3][4][5][6]

Sa maraming mga pamantasan, ang mga programa na pang-inhinyeriyang pangkapaligiran ay sumusunod sa Kagawaran ng Inhinyeriyang Sibil o sa Kagawaran ng Inhinyeriyang Pangkimika na nasa mga pakultad ng Inhinyeriya. Ang mga inhinyerong pangkapaligiran na pambayan o sibil ay nakatuon sa hidrolohiya, pamamahala ng napagkukunan ng tubig, biyoremedyasyon, at pagdidisenyo ng mga plantang panlinis ng tubig. Samantala, ang mga inhinyerong pangkapaligiran na makakimika ay tumutuon sa kimikang pangkapaligiran, mga teknolohiya na panglinis ng hangin at tubig, at mga prosesong panghiwalay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beychok, Milton R. (1967). Aqueous Wastes from Petroleum and Petrochemical Plants (ika-Unang edisyon (na) edisyon). John Wiley & Sons. LCCN 67019834.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tchobanoglous, G., Burton, F.L., at Stensel, H.D. (2003). Wastewater Engineering (Treatment Disposal Reuse) / Metcalf & Eddy, Inc (ika-Ika-4 na edisyon Edition (na) edisyon). McGraw-Hill Book Company. ISBN 0-07-041878-0. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Turner, D.B. (1994). Workbook of atmospheric dispersion estimates: an introduction to dispersion modeling (ika-Ika-2 edisyon Edition (na) edisyon). CRC Press. ISBN 1-56670-023-X. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Beychok, M.R. (2005). Fundamentals Of Stack Gas Dispersion (ika-Ika-4 na edisyon (na) edisyon). author-published. ISBN 0-9644588-0-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-02-19. Nakuha noong 2012-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Career Information Center. Agribusiness, Environment, and Natural Resources (ika-Ika-9 na edisyon (na) edisyon). Macmillan Reference. 2007.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.