Pumunta sa nilalaman

Inhinyeriyang pang-akustika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang inhinyeriyang akustikal o inhinyeriyang pang-akustika ay isang sangay ng inhinyeriya na humaharap sa tunog at oskilasyon o bibrasyon. Ito ay ang paglalapat ng akustika, ang agham ng tunog at bibrasyon, sa teknolohiya. Ang mga inhinyerong akustikal ay karaniwang nagtutuon ng pansin sa pagmamanipula at pagkontrol ng tunog. Ang pangunahing layunin ng inhinyeriyang pang-akustika ay ang pagbabawas ng mga tunog na hindi kailangan, na itinuturing bilang pagtaban ng ingay. Ang tunog ay maaaring magkaroon ng mahahalagang mga epekto sa kalusugan at kapakanan ng tao, at sa kung gayon ay mahalagang matabanan o makuntrol. Ang mga prinsipyo ng pagkuntrol sa ingay ay ipinapatupad sa loob ng teknolohiya at pagdidisenyo ayon sa sari-saring mga paraan. Ang mga aplikasyon o paggamit ay kinabibilangan ng pagdidisenyo ng mga pangharang sa ingay, mga panghitit ng tunog, mga pampatahimik, at mga sonang pampahina o pang-impit ng tunog o ingay. Ang pagsasakatuparan ng teknolohiya ng pagtaban ng ingay ay magkaiba sa mga kapaligirang panloob at panlabas.

Bilang karagdagan sa pagbabawas ng mga tunog na hindi kailangan, ang mga inhinyerong pang-akustika ay paminsan-minsang lumilikha ng mga tunog na magagamit o nagsusuri ng mga alon ng tunog upang makapagtipon ng kabatiran. Ang mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng paggamit ng ultrasonika at ng inprasonika, na gumagamit ng tunog na hindi naririnig ng mga tao. Ang mga alon na ultrasoniko ay mga alon na akustiko na mayroong prekuwensiyang nasa itaas ng hangganan ng mga tunog na naririnig (tinatayang nasa 20 kHz). Ang mga paggamit ng ultrasonika o ultrasoniks ay kinabibilangan ng pag-iimaheng sonar at pangmedisina. Ang mga alon na inprasoniko ay mga alon na akustiko na mayroong mga prekuwensiyang nasa ibaba ng naririnig na mga tunog (tinatayang nasa 20 Hz). Applications of infrasonics include the detection of earthquakes and volcanic eruptions.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kleppe, 1989, p. 3

Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.