Pumunta sa nilalaman

IPv6

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
IPv6 header

Ang Internet Protocol version 6 (IPv6) ay ang pinakabagong bersiyon ng Internet Protocol (IP), ang communications protocol na nagbibigay ng sistema ng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga kompyuter sa network at nagruruta ng trapiko sa Internet. Dinevelop ang IPv6 ng Internet Engineering Task Force (IETF) upang matugunan ang matagal nang inaabangang suliranin ng pagkaubos ng IPv4 address. Balak palitan ng IPv6 ang IPv4.

Pinaglalaanan ng IP address ang bawat device na nakakabit sa Internet upang mabatid ang pagkakakilanlan at kinaroroonan nito. Dahil sa mabilis na paglago ng Internet, matapos ang komersiyalisasyon noong mga-1990, nakitang lalo pang kakailanganin ng higit pang address kaysa sa maibibigay ng IPv4 address space. Kakailanganin ito upang makapagkonekta pa ng mga bagong device sa hinaharap. Pagdating ng 1998, isinapormal na ng IETF ang hahaliling protocol. Gumagamit ang IPv6 ng 128-bit address, na nagpapahintulot ng 2128, o humigit-kumulang 3.4×1038 na address, o higit sa 7.9×1028 ulit ang dami kaysa IPv4, na gumagamit ng mga 32-bit address at nagbibigay ng humigit-kumulang na 4.3 bilyong address. Hindi dinisenyo ang dalawang protocol upang maging interoperable, na lalong nagpapahirap sa paglipat sa IPv6. Subalit, maraming IPv6 transition mechanism ang nagawa upang payagan ang komunikasyon sa pagitan ng mga host ng IPv4 at IPv6.

Nagbibigay ng iba pang benepisyong teknikal ang IPv6, dagdag pa sa higit na malaking addressing space. Partikular dito, pinahihintulutan nito ang mga hierarchical address allocation method na siyang nagra-route aggregation sa Internet, at naglilimita sa paglawak ng mga routing table. Pinalalawak at ginagawang payak nito ang paggamit ng multicast addressing, at nagbibigay ng karagdagang optimisasyon sa paghatid ng mga serbisyo. Ang mga aspektong ukol sa device mobility, seguridad, at configuration ang pinag-ukulang pansin sa pagdisenyo ng protocol.

Kinakatawan ang mga IPv6 address ng walong pangkat ng apat na hexadecimal digit, kung saan ang mga pangkat ay pinaghihilaway ng mga tutuldok, gaya ng 2001:0db8:0000:0042:0000:8a2e:0370:7334, ngunit mayroon ding ilang pamamaraan ang umiiral upang mapaikli ang buong notation na ito.

Mga pangunahing katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Decomposition ng representasyon ng IPv6 address sa anyong binary

Ang IPv6 ay isang Internet Layer protocol para sa packet-switched internetworking at nagbibigay ng end-to-end datagram transmission sa maraming multiple IP network, na sunod-na-sunod sa prinsipyo ng disenyong nadevelop sa mga naunang bersiyon ng protocol, ang Internet Protocol Version 4 (IPv4). Unang pormal na isinalarawan ang IPv6 sa Internet standard document RFC 2460, na inilathala noong Disyembre 1998.[1] Maliban sa pagbibigay ng higit pang mga address, may mga katangiang ipinatutupad ang IPv6 na wala sa IPv4. Ginagawa nitong payak ang aspekto ng address assignment (stateless address autoconfiguration), network renumbering, at mga router announcement tuwing magpapalit ng mga network connectivity provider. Ginagawa rin nitong payak ang pagpoproseso ng mga packet sa mga router sa paglalagay ng responsibilidad ng packet fragmentation sa mga end point. Ang subnet ng IPv6 ay naisasapamantayan sa pag-aayos ng laki ng bahagi ng host identifier ng isang address patungong 64 bit upang magkaroon ng awtomatikong mekanismong bubuo ng host identifier mula link layer addressing information (MAC address). Naging rekisito ang network security sa disenyo ng IPv6 architecture, at isinama rin ang orihinal na espesipikasyon ng IPsec.

Hindi tinutukoy ng IPv6 ang mga katangian ng interoperability sa IPv4, ngunit lumilikha ito ng kasabay na independent network. Ang palitan ng trapiko sa pagitan ng dalawang network ay nangangailangan ng translator gateways na gumagamit ng isa sa maraming transition mechanism, gaya ng NAT64, o isang tunneling protocol gaya ng 6to4, 6in4, o Teredo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. RFC 2460, Internet Protocol, Version 6 (IPv6) Specification, S. Deering, R. Hinden (December 1998)