Pumunta sa nilalaman

Habanero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Habanero
EspesyeCapsicum chinense
Kultibar'Habanero'
Kaanghangan Napakaanghang
Sukatang Scoville100,000–350,000 SHU

Ang habanero ay isang uri ng siling may anghang na 100,000–350,000 SHU.[1] Kulay luntian ang mga habanero kapag hilaw at nag-iiba ng kulay kapag magulang na. Ang pinakakaraniwang kulay ng ilang uri nito ay kahel at pula, ngunit maari din itong maging puti, kayumanggi, dilaw, luntian o lila.[2] Karaniwan, ang hinog na habanero ay may haba na 2–6 sentimetro (0.8–2.4 pulgada).

Ipinapahiwatig ng pangalan na nagmula ito sa La Habana (Havana). Sa Ingles, minsan mali itong binabaybay bilang habañero at binibigkas bilang /ˌ(h)ɑːbəˈnjɛər/, dinadagdag ang tilda bilang hyperforeignism na ginaya ang jalapeño.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Chile Pepper Heat Scoville Scale" (sa wikang Ingles). Homecooking.about.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-26. Nakuha noong 2013-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Chili – Evergreen Orgnaics". EvergreenOrganicsBelize.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-02. Nakuha noong 2016-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Habanero" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 2013-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)