Goalball
Ang Goalball ay isang uri ng palakasang pangkoponan na itinatag para sa mga atleta o manlalarong may kapansanan sa paningin.[1] Ito ay dinisenyo ni Hanz Lorenzen isang Austrian, at ni Sepp Reindle isang Aleman noong 1946 na may layuning gamutin ang mga beteranong sundalo ng Ika-2 digmaang pandaigdig na nagkapinsala ang mga paningin. Ang International Blind Sports Federation o IBSA, ay nangangasiwa ng labing-limang (15) larangan ng palakasan para sa mga bulag at nahihirapang makakita.
Ang palakasang ito ay naging ganap na palabang laro sa paglipas ng ilang dekada at naging pang-demonstrasyong disiplina sa Palarong Paralimpiko 1976 sa Toronto, Canada at naging ganap na opisyal na disiplina sa Olympics ng mga may kapansanan mula noong edisyong 1980 ng Palarong Paralimpiko sa Arnhem, Netherlands hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga manlalaro ay lumalaban ng koponan na may tatlong miyembro na ibabato ang isang bola na may nakapaloob na mga maliliit ng kalembang. Layunin na palakasang ito na maipuslo ang bola sa pusluan ng kalabang koponan upang makapuntos. Ginagamit ng mga manlalaro ang tunog ng mga kampana upang malaman ang posisyon at galaw ng bola. Ang bawat laro ay may dalawang (2) hati na may sampung (10) minuto ang bawat isa.[2] Ang piring sa mata ay maaring gamitin ng mga taong may hirap sa paningin at mga taong nakakakita upang makapaglaro din.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website ng International Blind Sports Federation Naka-arkibo 2007-07-02 sa Wayback Machine.
Mga batayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa wikang Ingles:
- ↑ Depinisyon mula sa reference.com[patay na link]
- ↑ "Talaan ng mga opisyal na alituntunin ng Goalball mula sa IBSA". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-02. Nakuha noong 2007-04-10.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.