Ginambalang pagtatalik
Coitus interruptus | |
---|---|
Sanligan | |
Uri ng pagpigil sa pag-aanak | Pang-ugali |
Unang paggamit | Sinauna |
Kaantasan ng Kabiguan (unang taon) | |
Ganap na paggamit | 4% |
Karaniwang paggamit | 15-28% |
Paggamit | |
Pagkanababaligtad | Oo |
Mga paalala sa tagagamit | Nakadepende sa pagpipigil ng sarili. Ang pag-ihi sa pagitan ng mga eksena ng pagtatalik ay nakakatulong sa pagtatanggal ng esperma mula sa uretra. |
Pagsusuring pangklinika | Wala |
Kainam at hindi kainaman | |
Proteksiyon mula sa STD | Hindi |
Ang Coitus interruptus, na kilala rin bilang ginambalang pagtatalik, inabalang pagtatalik, tinanggihang pagtatalik, ipinagkait na pagtatalik, pagtatalik na may paghugot ng titi, paraang pahugot, paraang binubunot, o paraang pabunot, ay isang paraan ng pagpigil sa pag-aanak kung kailan ang isang lalaki, habang nakikipagtalik ay binubunot o inaalis ang kanyang titi magmula sa puke ng babae bago siya labasan o bago siya makarating sa kasukdulan. Pagkaraan, iniiwas papalayo ng lalaki ang kanyang punlay o tamod palayo mula sa puke ng kanyang katalik bilang pagtatangka na maiwasan ang inseminasyon (pagpupunla, pagbibinhi, o pagpupunlay).
Ang ganitong paraan ng kontrasepsiyon, na malawakang ginagamit ng hindi bababa sa dalawang mga milenyo, ay ginagamit pa rin magpahanggang ngayon. Ang ganitong metodo ay ginamit ng tinatayang tatlumpu't walong milyong mga magkakapareha sa buong mundo noong 1991.[1] Ang paraang hinuhugot ang titi ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga STD o STI.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rogow D, Horowitz S (1995). "Withdrawal: a review of the literature and an agenda for research". Studies in family planning. 26 (3): 140–53. doi:10.2307/2137833. JSTOR 2137833. PMID 7570764., which cites:
- Population Action International (1991). "A Guide to Methods of Birth Control." Briefing Paper No. 25, Washington, D. C.
- ↑ Creatsas G (1993). "Sexuality: sexual activity and contraception during adolescence". Curr Opin Obstet Gynecol. 5 (6): 774–83. PMID 8286689.