Pumunta sa nilalaman

Dulos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dulos panmason

Ang dulos o paleta ay isang maliit na kagamitan pangkamay na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa gilid ng mga halaman. Ginagamit din ito upang mailipat nang maayos ang mga punla. Para din ang gamit na ito sa paglalapat, pagpapatag, o paglilipat ng maliliit na dami ng malapot o partikuladong materyal. Kabilang sa karaniwang sari-saring uri ang dulos panmason, dulos panghardin, at dulos pampatag o rodela (o radela[1]).

Iba ang dulos panghardin sa dulos panmason. Palapad ang panmason habang parang pala ang sa panghardin.[2] Sa pampatag o pampalitada ng semento, kilala din ang dulos sa tawag na kutsara ng kantero.[3] Yari kadalasan ang kutsara ng kantero sa kahoy o bakal at may magkaibang gamit.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "RADELA: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). 2018-09-01. Nakuha noong 2022-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "StackPath". www.gardeningknowhow.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. trowel - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Jackson, Albert; Day, David (2009). Popular Mechanics Complete Home How-to (sa wikang Ingles). Sterling Publishing Company, Inc. ISBN 978-1-58816-803-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)