DZRV
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 846 kHz |
Tatak | Veritas 846 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino, English |
Format | Religious |
Affiliation | Catholic Media Network |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Arkidiyosesis ng Maynila (Global Broadcasting System) |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 11 Abril 1969 |
Dating call sign | DWRV (1969–1991) DZNN (1991–1998) |
Dating frequency | 860 kHz (1950–1978) |
Kahulagan ng call sign | Radio Veritas |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 50,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | Veritas 846 |
Ang DZRV (846 AM), sumasahimpapawid bilang Veritas 846 at kilala rin bilang Radyo Veritas, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pamamagitan ng Global Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Catholic Media Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Veritas Tower, 162 West Ave. cor. EDSA, Brgy. Philam, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang Radyo Veritas noong Abril 11, 1969 sa pagmamay-ari ng Philippine Radio Educational and Information Center, Inc. Sumahimpapawid ito sa 860 kHz, ang talapihitang pinagmamay-ari dati ng University of Santo Tomas. Noong Nobyembre 23, 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 846 kHz.[1]
Noong Pebrero 25, 1986, sa pagtapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, dinumog ng mga grupong armado ang pasilidad ng transmiter ng Radyo Veritas para sirain ang transmiter nito.[2]
Noong Mayo 17, 1991, binili ng Global Broadcasting System ang Radyo Veritas na nagpalit ng call letters sa DZNN na binansagang Kaibigang Totoo at The Spirit of the Philippines. Lumipat ito sa Makati bago muli ito lumpiat sa Ortigas noong kalagitnaan ng dekada 90. Noong 1998, nagpalit muli ito ng call letters sa DZRV.
Noong 2005, nasa ibang pamamahala ang Radyo Veritas na naging Veritas 846. Noong 2008, nagpatatag ng Veitas ang Kapanalig Radio Community para sa mga tagapagkinig nito.[3]
Noong Abril 2018, sa ika-49 na anibersaryo nito, binansagan ang Veritas bilang Ang Radyo ng Simbahan.[4]
Noong Abril 2019 sa ika-49 na anibersaryo nito, inilunsad ng Veritas ang opisyal nitong jingle na binansagang Manatili ka sa'min.[5]
Noong Nobyembre 1, 2021, inilunsad ng Veritas ang sarili nitong teleradyo channel sa Sky Cable Channel 211 sa Kalakhang Maynila.[6]
Mga Saklaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]- February 17–22, 1981: Unang pagbisita ni Papa Juan Pablo II sa Kalakhang Maynila, Cebu, Dabaw, Bacolod, Iloilo, Legazpi, Baguio and Morong.
- Agosto 21, 1983: Pagpatay kay Benigno Aquino Jr.. Ito ang tanging himpilan ng umere ng prosesyon mula sa Santo Domingo Church sa Lungsod Quezon patungong Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.
- Pebrero 22–25, 1986: Mga kaganapan ukol sa Rebolusyong EDSA ng 1986. Dahil dito, pinarangalan ang himpilang ito ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts.[2]
- Hunyo 15, 1991: Pagputok ng Bundok Pinatubo.
- January 10–15, 1995: Pangalawang pagbisita ni Papa Juan Pablo II kasabay ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan 1995 sa Kalakhang Maynila.
- January 16–20, 2001: Mga kaganapan ukol sa Ikalawang Rebolusyon sa EDSA.
- January 15–19, 2015: Pagbisita ni Papa Francisco sa Kalakhang Maynila at Leyte.
- January 24–31, 2016: Ika-51 na International Eucharistic Congress sa Lungsod ng Cebu.
- April 2021: DZRV-Radyo Veritas covered the Quincentennial ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa Kalakhang Maynila at Kalakhang Cebu.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Radio Veritas in Manila marks 50 years
- ↑ 2.0 2.1 Radyo Veritas role in Edsa I recalled
- ↑ "Radio Veritas launches midnight healing mass". Manila Bulletin. Hunyo 30, 2021. Nakuha noong Nobyembre 11, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Radio Veritas launches "Ang Radyo ng Simbahan"" (Nilabas sa mamamahayag). Veritas 846. Nakuha noong Abril 22, 2018.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Faith-based station Radio Veritas marks 51st year
- ↑ Nasa TV na tayo mapapanood ang Veritas 846 sa Sky Cable Channel 211