Cenozoic
Cenozoic | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
66.0 – 0 milyong taon ang nakakaraan | ||||||
Kronolohiya | ||||||
| ||||||
Etimolohiya | ||||||
Pormal | Formal | |||||
Palayaw | Age of Mammals | |||||
Impormasyon sa paggamit | ||||||
Celestial body | Earth | |||||
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) | |||||
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale | |||||
Kahulugan | ||||||
Yunit kronolohikal | Era | |||||
Yunit stratigrapiko | Erathem | |||||
Pormal na time span | Formal | |||||
Kahulugan ng mababang hangganan | Iridium enriched layer associated with a major meteorite impact and subsequent K-Pg extinction event. | |||||
Lower boundary GSSP | El Kef Section, El Kef, Tunisia 36°09′13″N 8°38′55″E / 36.1537°N 8.6486°E | |||||
GSSP ratified | 1991 | |||||
Upper boundary definition | N/A | |||||
Upper boundary GSSP | N/A | |||||
GSSP ratified | N/A |
Ang Cenozoic Era ay ang kasalukuyan at ang kamakailan sa tatlong Phanerozoic geological era, sinundan nito ang Mesozoic Era at sumasaklaw sa panahong mula 66 milyong taong nakaraan hanggang kasalukuyan. Ang Cenozoic ay kilala rin bilang Panahon ng mga Mammal (Age of Mammals) at Panahon ng mga Ibon (Age of Birds), dahil naging dominado ang malalaking mamalya at ibon, tulad ng Entelodont, Paraceratherium, Gastornis at Basilosaurus. Ang pagkalipol ng maraming grupo ng malalaking Diapsid tulad ng mga non-avian dinosaur, Plesiosauria at Pterosauria ang nagtulak sa mga mamalya at ibon upang lubos na nagbago-bago (diversify) at naging nangingibabaw na fauna, pati na sa kasalukuyan.
Noong Maagang Cenozoic, pagkatapos ng K-Pg event, ang mga planeta ay dominado ng mas maliit na fauna, kabilang ang maliliit na mamalya, ibon, reptile at amphibian. Sa pananaw heolohikal, hindi nagtagal upang ang mga mamalya at ibon ay lubos na nagbago-bago (diversify) sa kawalan ng malalaking reptile na naging dominado sa panahon ng Mesozoic. Ang ilan sa mga di-lumilipad na ibon ay mas lumalaki, mas malaki kaysa sa karaniwang tao. Mga species na ito ay minsang tinutukoy na "terror birds," at kakilakilabot na predator. Sinakop ng mga mamalya ang halos lahat na magagamit na niche (kapuwa pandagat at panlupa), at ang ilan din ay lumago nang napakalaki, umabot ang kalakihang hindi na makikita sa kasalukyang mamalyang panlupa.
Ang klima ng mundo ay nagsimula sa direksiyong patuyo at palamig (drying and cooling trend), humantong sa mga glaciation ng Pleistocene Epoch, at bahagyang ni-offset ng Paleocene-Eocene Thermal Maximum. Ang mga kontinente ay nagsimula na ring maging pamilyar sa panahong ito at lumipat na sa kanilang kasalukuyang posisyon.