Casper (pelikula)
Casper | |
---|---|
Direktor | Brad Silberling |
Prinodyus | Colin Wilson |
Sumulat |
|
Ibinase sa | Casper the Friendly Ghost ni Seymour Reit Joe Oriolo |
Itinatampok sina |
|
Musika | James Horner |
Sinematograpiya | Dean Cundey |
In-edit ni | Michael Kahn |
Produksiyon |
|
Tagapamahagi | Universal Pictures |
Inilabas noong |
|
Haba | 101 minuto |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Tagalog |
Badyet | $55 milyon[1] |
Kita | $287.9 milyon[1] |
Ang Casper ay isang pelikulang pantasyang komedyang-drama mula sa Estados Unidos noong 1995 na dinirehe ni Brad Silberling, batay sa karakter sa komiks ng Harvey Comics na si Casper na nilikha nina Seymour Reit at Joe Oriolo. Pinagbibidahan ang pelikulang ito nina Christina Ricci, Bill Pullman, Cathy Moriarty, Eric Idle, at Amy Brenneman, at tinatanghal din ng mga boses ni Malachi Pearson sa titulong pagganap gayun din bilang Joe Nipote, at boses din nina Joe Alaskey at Brad Garrett.
Malawak na ginagamit ng pelikula ang ang computer-generated imagery o CGI upang likhain ang mga multo, at ito ang unang tinanghal na pelikula na may buong CGI na karakter sa pangunahing pagganap. Mas dark (o nakapanghihilakbot) ang interpretasyon ni Casper kumpara sa komiks, kartun at mga naunang pelikula sa nagdaang mga taon, lalo na sa mga tema nito tungkol sa kamatayan, lalo na iyong pagbibigay sa karakter ng isang trahedyang pinagmulan na kinuwento ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nailabas ang Casper sa mga sinehan noong 26 Mayo 1995 ng Universal Pictures. Nakatanggap ito ng magkahalong pagsusuri mula sa mga kritiko at kumita ito ng $287.9 milyon[1] sa isang $55 milyong[1] badyet. Nasundan ito ng direct-to-video na mga pelikula at animasyong spin-off sa telebisyon, ang The Spooktacular New Adventures of Casper.
Soundtrack
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilikha ng kompositor na si James Horner ang soundtrack ng pelikula.
- "No Sign of Ghosts"
- "Carrigan and Dibbs"
- "Strangers in the House"
- "First Haunting/The Swordfight"
- "March of the Exorcists"
- "Lighthouse—Casper & Kat"
- "Casper Makes Breakfast"
- "Fond Memories"
- "'Dying' to Be a Ghost"
- "Casper's Lullaby"
- "Descent to Lazarus"
- "One Last Wish"
- "Remember Me This Way" – Jordan Hill
- "Casper the Friendly Ghost" – Little Richard
- "The Uncles Swing/End Credits"